‘MARY GRACE PIATTOS’ PINAHAHANAP SA PSA, NBI, PNP

DAHIL wala pang natatanggap na impormasyon ang Kamara hinggil sa katauhan ng isang “Mary Grace Piattos” sa kabila ng isang milyong pisong pabuya, pinakilos na ang mga law enforcement agencies para mahanap ito. Bukod sa National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine National Police (PNP), inatasan din ng House committee on good government and public accountability na tumulong sa paghahanap kay Mary Grace Piattos. Ginawa ang kautusan kasunod ng mosyon ni House Assistant Majority Leader Jil Bongalon dahil matapos ang ilang araw mula ng inaanusyo ang P1 million reward sa…

Read More

MARIKINA NAKAMIT ANG PINAKAMATAAS NA SEWER COVERAGE AWARD MULA SA MWSS

TUMANGGAP ng panibagong parangal ang Marikina City matapos makamit ang 2024 Kaagapay sa Kalusugan at Kapaligiran for Sewer Coverage Award mula sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System Regulatory Office (MWSS RO). Bitbit ang 81 porsiyentong sewer coverage, naungusan ng Marikina City ang Pasay City (48 porsyento) at siyudad ng Maynila (45 porsyento) para sa pagkilala. Tinanggap ni Mayor Marcy Teodoro ang parangal mula kay MWSS RO Chief Regulator Patrick Lester Ty sa Marikina City Hall, na sinaksihan nina Marikina 2nd District Rep. Maan Teodoro. “Pinagtibay ng pagkilalang ito ang kakayahan…

Read More

RODRIGUEZ NAMAHAGI NG BIGAS AT FERTILIZERS SA BUKIDNON

PINANGUNAHAN ng kinatawan ng A Teacher Party-list na si Virginia Rodriguez ang pamimigay ng libreng bigas at organic na fertilizers sa daan-daang magsasaka mula sa Valencia City, Bukidnon para lalong lumago ang produksyon ng kanilang ani sa probinsya. Si Rodriguez, na sinamahan ni Valencia City Mayor Azucena Huervas, ay nagsabi na ang pinamigay na organic fertilizers, na may kasama pang libro niya na may pamagat na “Leave Nobody Hungry”, ay makatutulong sa pagbibigay dagdag kaalaman sa magsasaka upang magkaroon ng sustainable agricultural practices at malaman ang makabagong teknolohiyang ginagamit sa…

Read More

RECIPIENT NG CONFI FUND NG OVP-DEPED, MAGKAKAIBA PIRMA

ISA pang recipient ng Confidential Funds (CF), hindi lamang ng Office of the Vice President (OVP) kundi ng Department of Education (DepEd) na nagngangalang “Kokoy Villamin” ay iba-iba ang pirma sa acknowledgment receipts (ARs). Ito ang natuklasan sa ika-6 na pagdinig ng House committee on good government and public accountability hinggil sa umano’y maling paggastos sa nasabing pondo ng OVP at DepEd na dating pinamumunuan ni Vice President Sara Duterte. Bukod kay Mary Grace Piattos, kabilang si “Kokoy Villamin” na taga Ozamiz umano sa recipient ng CFs at lumagda sa…

Read More

DTI KINASTIGO ANG MOVE IT RIDER NA HINDI NAGBIBIGAY NG TAMANG SUKLI

KINASTIGO ng Department of Trade and Industry (DTI) ang Move It rider na nag-post sa social media na hindi siya nagbibigay ng tamang sukli sa kanyang mga pasahero. Umaksyon ang DTI nang mag-viral ang post ng isang Move It rider ukol sa kanyang diskarte na huwag suklian ang mga pasahero niya. Batay sa post ng rider, sinasabi niya na wala siyang barya kung P30 pababa ang dapat isukli sa pasahero, kahit meron naman talaga siyang panukli. Ang naiipong sukli ay ginagamit ng rider na pangkain. Ngunit sinabi ng DTI na…

Read More

ANTI-ILLEGAL DRUG CAMPAIGN SA PASIG PAIIGTINGIN

NANGAKO si Pasig City Mayor Vico Sotto na paiigtingin pa ng kanyang administrasyon ang kampanya laban sa ipinagbabawal na gamot sa lungsod. Ito ang binigyang-diin ng alkalde sa kick-off ceremony para sa pagdiriwang ng Drug Abuse Prevention and Control Week na ginanap sa temporary city hall sa Bridgetown sa Barangay Rosario. Ayon pa sa alkalde, malaking tulong aniya ang kasalukuyang isinasagawang educational campaign sa mga eskuwelahan para magbigay babala sa mga estudyante sa kapaha-pahamak na resulta ng illegal drugs. Sinabi pa ni Sotto na isa pa sa mahalagang hakbang ay…

Read More

PDEA WALANG REWARD SA MAPAPATAY NA DRUG SUSPECTS

TAHASANG itinanggi kahapon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na binibigyan nila ng reward o pabuya ang kanilang mga tauhan na nakapapatay ng mga nasasangkot sa bawal na droga. Ito ang paglilinaw ni PDEA PIO chief, Dir. Laurefel Gabales hinggil sa isyu na pagkakaloob ng rewards sa mga nakapatay ng mga suspek o mga sangkot sa bentahan ng ilegal na droga. Pinaliwanag pa ni Gabales, may Operation Private Eye at Operation Lawmen ang PDEA na nagsasagawa ng lehitimong operasyon kontra droga. Sinasabing may polisiya ang ahensya patungkol sa mga miyembro…

Read More

BENHUR ABALOS, TOP 9 SA TANGERE SURVEY PARA SA 2025 SENATORIAL RACE

KUNG ang eleksyon ay gagawin ngayon, pasok na sa ika-9 na pwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos Jr., dating kalihim ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at dating mayor ng Mandaluyong City, ayon sa pinakabagong 2025 senatorial race survey ng Tangere. Bilang alkalde ng Mandaluyong sa loob ng 15 taon, kilala si Abalos sa mga programang nagbigay ng makabuluhang pagbabago sa lungsod. Sa kanyang liderato, pinarangalan ang Mandaluyong bilang Best Child-Friendly City, Most Business-Friendly City, at pitong beses na ginawaran ng Seal of Good Local Governance. Ang…

Read More

ECOP KINASTIGO NI REP. TULFO SA PAGTUTOL NA MAG-HIRE NG PWDs

SERMON ang inabot ng Employers Confederation of the Philippines (ECOP) kay ACT-CIS Rep. Erwin Tulfo dahil hindi ito sang-ayon sa panukalang batas na mag-oobliga sa mga pribadong kumpanya na mag-hire ng persons with disabilities (PWDs). Ayon kasi sa House Bill 8941 na inihain ni Cong. Tulfo at mga kasama na sina Rep. Edvic Yap, Jocelyn Tulfo, Eric Yap, Ralph Tulfo, at Wilbert Lee kailangan mag-hire ng 2% ng workforce ng isang kumpanya na may 1,000 employees at 1% naman sa small businesses na may 100 or less na empleyado. Hindi…

Read More