MALUGOD na nagpapasalamat sa Panginoon ang Magsasakang Reporter dahil sa pagkakapasa sa PRC Board Examination ng kanyang anak na si Kyla Merynne Rose S. Layson. Si Kyla ay graduate at Cum Laude ng UP Los Banos sa kursong Bachelor of Science in Nutrition. Panganay siya sa tatlong anak ng Magsasakang Reporter na si Mer Layson at ni Mary Ann, na isa ring mamamahayag. Dati ring A-1 child ng buong Nueva Ecija si Kyla noong siya ay nasa day care pa lamang. Nag-Top 8 naman siya nang magtapos ng Junior High…
Read MoreCategory: METRO
VP SARA ‘TO THE RESCUE’ KAY DIGONG
SA hindi inaasahang pagkakataon, sumulpot sa Batasan Pambansa si Vice President Sara Duterte bilang moral support sa amang si dating pangulong Rodrigo Duterte habang isinasalang sa Quad Committee investigation kaugnay ng extra-judicial killings (EJK). Mag-alas-singko na ng hapon nang dumating ang panganay na anak ni Duterte sa Quad Comm investigation na nagsimula alas-onse ng umaga at agad nagtungo sa committee room at hindi nagbigay ng statement sa mga kagawad na media. Tila hindi naman ito nagustuhan ni House deputy minority leader France Castro dahil kapag ipinatawag ito ng House committee…
Read MoreHindi lang Bar passers BOARD PASSERS ‘MATIC’ SA CIVIL SERVICE ELIGIBILITY
HINDI lamang ang mga nakapasa sa Bar Examinations ang otomatikong civil service eligibles kundi maging ang mga board passers sa mga board exam na ibinibigay ng Professional Regulation Commission (PRC) at Maritime Industry Authority (MARINA). Ito ang paglilinaw na ginawa ng Civil Service Commission (CSC) kahapon dahil ito umano ang nakasaad sa Republic Act No. 1080 o “An Act Declaring the Bar and Board Examinations as Civil Service Examinations.” Nakasaad anila sa batas na “the bar examinations and the various examinations conducted by government boards are regarded as civil service…
Read MoreVP SARA INAKUSAHAN NG “COVER UP” SA P500-M OVP CONFI FUNDS
INAKUSAHAN nitong Martes ng pag-cover up si Vice President Inday Sara Duterte sa pamamagitan ng pagpigil sa malalapit niyang tauhan—na sinasabing sangkot sa maling paggamit ng P500 milyon na confidential funds ng Office of the Vice President (OVP)—na dumalo sa imbestigasyon ng Kongreso. Ipinahayag ni Manila 3rd District Rep. Joel Chua, chiar ng House Committee on Good Government and Public Accountability, ang kanyang pagkadismaya sa hindi pagdalo ng mga opisyal na may direktang responsibilidad sa paghawak ng pampublikong pondo na sinusuri. “Ang nakikita po namin dito, ang pinapupunta po nila…
Read MoreAKAP MALL TOUR NAMAHAGI NG P268-M SA 53K BENEPISYARYO
PORMAL nang inilunsad kahapon ng House of Representatives, sa pamumuno ni Speaker Martin G. Romualdez, ang Ayuda Para sa Kapos ang Kita Program (AKAP) Mall Tour, kung saan umabot sa kabuuang P268.5 milyon ang naipamahaging ayuda sa 53,000 kwalipikadong empleyado ng mall at empleyado ng mga tenant sa apat na malalaking SM Supermalls sa Metro Manila. Ayon kay Speaker Romualdez, ang AKAP Mall Tour ay pagtugon sa panawagan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos para sa isang sama-samang pagkilos ng pamahalaan upang harapin ang epekto ng inflation at pagtaas ng presyo…
Read MoreSasakyan idinaan sa EDSA Busway TAUHAN ‘DI KUKUNSINTIHIN NG PDEA
TINIYAK kahapon ng pamunuan ng Philippine Drug Enforcement Agency na hindi nila kukunsintihin ang kanilang mga tauhan na nahuling dumaan sa EDSA Busway noong Martes. Ayon kay PDEA Public Information Office chief, Director III Laurefel P. Gabales. “The Agency will not condone such action. An Internal investigation is underway, and rest assured that administrative sanctions awaits the violators.” Nabatid na sinita at tinikitan ng Special Action and Intelligence Committee for Transportation (SAICT) ang isang sasakyan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na dumaan sa EDSA Busway noong Martes ng umaga.…
Read MorePAGLIKHA NG WATER MANAGEMENT DEPARTMENT NAPAPANAHON – BRIAN POE
NANINIWALA si Brian Poe Llamanzares, unang nominado ng FPJ Panday Bayanihan Partylist, na ang dedikadong paglikha ng Water Management Department ay mahalaga sa pagharap sa krisis sa tubig ng Pilipinas. Sa kanyang research presentation, “A Governance Framework for the Philippine Water Security and Resource Management,” na ibinigay sa 6th Katipunan Conference on National Security and Economic Resilience, binigyang-diin ni Llamanzares ang pangangailangan para sa isang ahensya na mangasiwa at mamahala sa mga yamang tubig ng bansa. Sa kasalukuyan, mahigit 30 ahensya ng gobyerno ang may pananagutan para sa iba’t ibang…
Read MoreMGA PULIS NABUDOL NI DU30?
INAKUSAHAN ng ilang mambabatas sa Kamara si dating pangulong Rodrigo Duterte na binudol nito ang mga pulis dahil hindi umano nito tinupad ang kanyang pangakong tulong kapag sila ay kinasuhan dahil sa pagpapatupad ng war on drugs. “Napako ang mga pangako. Puro drawing lang. Mahilig kasi sa budol-budol, pati yung mga pulis na naniwala sa kanyang pangako ay nabudol din,” pahayag ng isa sa chairman ng Quad Committee na si Sta. Rosa Laguna Rep. Dan Fernandez. Ginawa ng mambabatas ang pahayag matapos aminin ni Philippine National Police (PNP) Chief Rommel…
Read More15M LENI SUPPORTERS PAKILUSIN PARA IPWESTO SA SENADO SINA BAM AT KIKO
MULING nagkabigkis ang grupong sumuporta sa dating bise presidente Leni Robredo upang maglunsad ng isang bagong kilusan na naglalayong makopo ang substansyal na bilang upang mailuklok muli sa Senado ang dating senador na sina Bam Aquino at Kiko Pangilinan sa 2025 midterm elections. Sa kalatas ng grupong iMk Leni, ipinahayag nito ang kanilang intensyon na makipag-ugnayan sa iba pang “pink groups” at paghikayat sa may 15 milyong Pilipino na sumuporta kay Robredo noong 2022 presidential elections upang matiyak ang tagumpay nina Aquino at Pangilinan. “Nakakalungkot na patuloy namamayani sa Senado…
Read More