300 PAMILYA NAWALAN NG TIRAHAN SA KANDILA

INIHAYAG ng Philippine National Police (PNP) Regional Office 3 (PRO3) ang pagkakaaresto sa 7 suspek na responsable sa pagpaslang sa mag-asawang online seller na sina Arvin at Lerma Lulu sa Mexico, Pampanga noong Oktubre 4, 2024. Kinilala ni PRO3 Regional Director PBGen. Redrico Maranan ang mga suspek na sina Anthony Limon, mastermind; Rolando Cruz, middleman; Jomie Rabandaman, middleman; Arnold Taylan, gunman; Arnel Buan, gunman; Sancho Nieto, driver; at Robert Dimaliwat, spotter. Base sa imbestigasyon, ang ugat ng krimen ay ang P13-million na pagkakautang ng mastermind na si Limon sa mag-asawang…

Read More

GAVAN, IBA PANG OPISYAL NG COAST GUARD INIREKLAMO SA BILYON PISONG BIDDING

SINAMPAHAN ng kaso ang mga miyembro ng Philippine Coast Guard Bids and Awards Committee (PCG BAC) sa pamumuno nina PCG Commandant, Admiral Ronnie Gil Gavan sa Ombudsman kamakailan ukol sa maanomalya umanong bidding process ng proyektong pagbili ng mga pistola para sa nasabing ahensya. Ayon sa reklamo, ang proyekto na nagkakahalaga ng humigit kumulang sa isang bilyong piso o Php971,536,500.00 ay para sa pagbili ng 19,627 units ng caliber 9mm pistola na overpriced o may patong ng halos Php421,000,000.00. Bukod kay Gavan, sinampahan din ng kumpanyang South Korean na Dasan…

Read More

ADMINISTRATIVE CHARGES VS DUQUE NA-DISMISS

IBINASURA na ng Office of the Ombudsman ang administrative charges laban kay dating Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III kaugnay ng kuwestyunableng pagbili ng COVID-19 supplies at Covid kits na nagkakahalaga ng P41- billion noong 2020. Kabilang ang mga kasong grave misconduct, conduct prejudicial to the best interest of the service at gross neglect of duty na ipinataw kay Duque noong Agosto, 2024 ay na-dismiss. Ito ay matapos pagbigyan ng Ombudsman ang motion for reconsideration ni Duque na una nang nahatulan ng ahensya na guilty ang dating opisyal…

Read More

PAGBIBITIW NI LEONARDO TINANGGAP NI PBBM

KINUMPIRMA ni Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cesar Chavez na tinanggap ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang pagbibitiw sa puwesto ni Edilberto Dela Cruz Leonardo bilang commissioner ng National Police Commission (NPC). Sa katunayan, isang liham ang ipinadala ni Executive Secretary Lucas Bersamin kay Department of Interior and Local Government (DILG) at NPC chairperson Juanito Victor C. Remulla Jr., may petsang Oktubre 8, 2024 sa naging pagtanggap ni Pangulong Marcos sa resignation letter ni Leonardo. “On behalf of President Ferdinand Marcos Jr., this is to inform you that his resignation…

Read More

Kahit ‘di pinagagamit ng gov’t covered court TULONG PINANSYAL SA MONTALBEÑO TULOY-TULOY – REP. NOGRALES

(JOEL O. AMONGO) TINIYAK ni Rizal, 4th District Representative Fidel Nograles na kahit na hindi sila pinagagamit ng mga covered court ng gobyerno sa iba’t ibang barangay ng Montalban ay hindi nito mapipigilan ang kanilang isinasagawang tulong pinansyal sa kanilang mga kababayan. Sa harapan ng 1,500 benepisyaryo ng tulong pinansyal, mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), humingi si Nograles ng paumanhin dahil napalayo ang venue ng kanilang pamamahagi ng ayuda. “Kaunting tiis lang po, kahit na medyo nahihirapan kayo sa pagpunta dito ay sinisiguro ko po sa…

Read More

15,000 MULA SA INDUSTRIYA NG SINING TUMANGGAP NG CASH AID MULA SA BPSF

INILUNSAD ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair (BPSF) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. ang isang malawak na programa na nagkakahalaga ng P75 milyon, na layuning magbigay ng tulong pinansyal at mga pagkakataon sa pagpapahusay ng kakayahan para sa mahigit 15,000 miyembro ng industriya ng sining, kabilang ang pinansyal na suporta at iba pang mga serbisyo ng pamahalaan. Ang event na may paksang “Paglinang sa Industriya ng Paglikha” ay ginaganap ngayong Linggo hanggang Lunes sa PhilSports Arena (ULTRA) sa Pasig City, na layuning itaguyod ang mga propesyonal mula sa sektor…

Read More

PAMAHALAAN PATULOY SA PAG-AYUDA SA MAHIHIRAP – TULFO

TINIYAK ni ACT-CIS Rep. Erwin Tulfo na hindi titigil ang pamahalaan sa pagtulong at pagbibigay ng ayuda habang may mga kababayan tayong patuloy na naghihirap. “Anong kakainin o ipapakain sa pamilya nya kung hindi aayudahan ng gobyerno?” pahayag ni Tulfo, sa isang radio interview, hinggil sa usapin ng ayuda ng pamahalaan. Tugon ito ni Cong. Tulfo matapos matanong kung, “hindi kaya tinuturuan ng pamahalaan ang mahihirap na maging tamad dahil lagi na lang binibigyan ng ayuda?” Ayon naman sa House Deputy Majority leader na si Tulfo, “Hindi po lahat ng…

Read More

REQUEST NI ROMUALDEZ: GAMOT PARA SA DIALYSIS PATIENTS DURING SESSION, APRUB NA SA PHILHEALTH

PINASALAMATAN ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) dahil sa mabilis nitong tugon sa kanyang kahilingan na pataasin ang presyo ng coverage ng per session ng hemodialysis para sa mga miyembro nito. Kamakailan lamang ay inanunsyo ng PhilHealth na ang package rate ng hemodialysis ay tumaas na sa P6,350 per session mula sa dating P4,000 para sagutin na rin ang mga kailangang gamot habang nasa dialysis session ang pasyente. Matatandaan na kamakailan ay inatasan ni Speaker Romualdez si House Deputy Majority Leader at ACT-CIS partylist…

Read More

BFP NAKAKUHA NG UNMODIFIED OPINION SA COA

NANINIWALA ang Bureau of Fire Protection (BFP) na patuloy itong tatanggap ng unmodified opinion mula sa Commission on Audit (COA) para sa fiscal year 2023 bilang pagsunod sa Seksyon 43 ng Government Auditing Code of the Philippines (Presidential Decree No. 1445). Kaugnay nito, inaasahan ng BFP na maglalabas ng karagdagang budget ang Congress para sa modernization program ng bureau ngayong taon, may karagdagang P4.5 Billion ang ahensya na pambili ng mga makabagong kagamitan para isulong ang modernization program nito. Nabatid sa huling pagdinig ng Kongreso para sa budget ng BFP,…

Read More