DUMARAMI ang bilang ng mga tinatamaan ng heat stroke sa iba’t ibang bahagi ng bansa dahil sa matinding init ng panahon. Sa Barangay San Vicente, Makilala, sa probinsya ng Cotabato, ayon sa health officials at sa record ng barangay, anim na ang magkakasunod na namatay dahil sa heat stroke. Isang babae ang pumanaw noong Marso 5, samantalang limang residente, apat na lalaki at isang babae naman ang ang nasawi dahil sa heat stroke nitong pagpasok ng Abril. Naglabas na ng abiso ang barangay para sa mga residente, lalo na ang…
Read MoreCategory: METRO
Pagod at puyat sa day-2 ng transport strike BBM WALANG PUSO SA JEEPNEY DRIVERS
WALANG puso at pakialam si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa jeepney drivers at maliliit na operators dahil desidido itong ituloy ang Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP). Ganito inilarawan ng Gabriela Party-list si Marcos dahil sa hanggang Abril 30, 2024 na lamang ang buhay ng maliliit na operators at tsuper na walang kakayahang mag-consolidate ng kanilang prangkisa at makabili ng modernong sasakyan. “Marcos Jr. does not have the heart to be in the service of our jeepney drivers and small operators, nor does he consider the plight of the…
Read MoreP13.3-B SHABU NASABAT NG PNP
IPINAGMAMALAKI kahapon ni Interior and Local Government Secretary Benhur C. Abalos na nasa tamang landas ang anti-illegal drug campaign ng pamahalaan matapos na masamsam ng mga tauhan ng Philippine National Police ang may dalawang toneladang umano’y habu na nagkakahalaga ng P13.3 billion. Nalagpasan din nito ang biggest drug haul na naitala ng National Bureau of Investigation noong Marso 2022 nang masamsam nila ang 1.3 tonelada ng droga sa Infanta, Quezon na nagkakahalaga ng P11 billion. Ipinagmalaki ito ni Abalos matapos na masabat ng mga tauhan ng PNP-CALABARZON nitong Lunes ng…
Read More30 KILOS NG MARIJUANA NADISKUBRE NG BOC AT PDEA
NASA MAHIGIT 30 kilo ng high grade dried marijuana ang nadiskubre ng pinagsanib na pwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency at Bureau of Customs, kasunod ng isinagawang X-Ray scanning at physical examination sa isang kahina-hinalang kargamento na naglalaman ng anim na kahon na nagmula sa Thailand. Sa isinumiteng ulat sa tanggapan ni Bureau of Custom Commissioner Bienvenido Rubio, siniyasat ng Customs Intelligence and Investigation Service – Manila International Container Port, katuwang ang ilang tauhan ng PDEA, ang nasabing kontrabando. Ayon kay Customs chief Rubio, nakatanggap ng derogatory information ang kanilang…
Read MorePCG, PDEA SANIB-PWERSA KONTRA PAGPASOK NG DROGA
INIHAYAG ng Philippine Coast Guard (PCG) noong Linggo na nakipagtulungan ito sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) para palakasin ang depensa ng bansa laban sa pagpasok ng ilegal na droga sa malawak nitong baybayin. Nilagdaan nina PCG Commandant Adm. Ronnie Gil Gavan at PDEA Director General Undersecretary Moro Virgilio Lazo ang memorandum of agreement (MOA) sa Quezon City noong Abril 12. Sa ilalim ng kasunduan, ang dalawang ahensya ay magtutulungan kaugnay ng pagbabawal sa mga ilegal na droga at controlled precursors and essential chemicals (CPECs) na ipinuslit, dinala at inilipat…
Read MoreHOODLUMS IN UNIFORM SASAMPALIN NG MAS MABIGAT NA PARUSA
MAS mabigat na parusa ang isasampal sa tinaguriang ‘hoodlums in uniform’ na makikipagsabwatan sa mga kriminal para mapawalang sala ang mga ito sa nagawang karumal-dumal na krimen. Ito ang nakasaad sa House Bill (HB) 7971 na nag-aamyenda sa Article 19 ng Penal Code na inakda nina Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte at Bicol Saro Party-list Rep. Brian Raymund Yamsuan. Ipaliwanag sa nasabing panukala na ang mga awtoridad ay naatasan na proteksyunan ang taumbayan subalit may mga tiwali sa mga ito na nakikipagsabwatan sa mga kriminal para mapawalang sala ang mga…
Read MoreMGA PILIPINO SA ISRAEL PINAG-IINGAT
INALERTO at pinayuhan ng masusing pag-iingat ng Embahada ng Pilipinas sa Israel ang mga Pilipino dahil sa tumitinding banta sa seguridad ng bansa kasunod ng pag atake ng Iran gamit ang mahigit isang daang weaponized drones kahapon. Ayon sa Embahada, mabuting umiwas muna ang mga Pinoy sa Gaza envelope at mga lugar na malapit sa confrontation line para sa kanilang kaligtasan. Kinumpirma ng Israeli army official na nagpakawala ang Iran ng mahigit 100 attack drones at missiles sa direksyon ng Israel kaya pinayuhan ang taong bayan na maging handa sa…
Read MoreINTERES NG PILIPINAS ISINULONG NI PBBM SA TRILATERAL MEETING
MAGIGING kapaki-pakinabang sa mga Pilipino ang resulta ng makasaysayang trilateral meeting nina US President Joe Biden, Japan Prime Minister Fumio Kishida at Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Ito ang sinabi ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez na kasamang nagtungo ni Pangulong Marcos sa Washington DC. Ayon kay Romualdez, mahalaga na naging solido ang pagsuporta ng Estados Unidos at Japan sa Pilipinas kaugnay ng isyu ng West Philippine Sea (WPS). Sa Joint Vision Statement nina Biden, Kishida, at Marcos kinondena ng tatlong lider ang mga pangha-harass ng China sa mga Pilipino…
Read MorePAGKUHA NG BIRTH CERT AT CLEARANCE NG PWDs, SOLO PARENTS ILILIBRE
IHAHAIN ngayong Lunes ng ACT-CIS Party-list ang batas para gawing libre ang mga dokumento bilang job requirements sa sektor ng persons with disability (PWD) at solo parents. Ayon kay ACT-CIS Representative at Deputy Majority Floor Leader Erwin Tulfo, ang mga dokumento tulad ng birth certificate, NBI, Police, at Barangay Clearance, maging ang Health Certificate ay magiging libre na para sa mga PWD at Solo Parents sa nasabing panukalang batas. Ani Cong. Erwin, “instead of paying for these requirements, malaking tulong sa mga PWds at Solo Parents ang kanilang matitipid”. Dagdag…
Read More