AGRI-KAAGAPAY NAGBIGAY NG TULONG SA MAY 1,000 NASUNUGANG PAMILYA SA TONDO

NAGPAABOT ng tulong ang ACT-Agri- Kaagapay Organization sa may 1,000 pamilya na nawalan ng tahanan sa isang sunog na Isla Puting Bato sa Tondo, Maynila. Si Civic leader Virginia Ledesma Rodriguez, founder ng Agri- Kaagapay organization, ang nanguna sa relief operation sa pamamagitan nang pamamahagi ng mga damit, hygiene items, pagkain at tubig sa mga pamilyang apektado ng sunog. Sa nasabing relief operation, nagpahayag si Rodriguez, na kilala sa pagiging isang philanthropist, ng sinserong pag-asa at panalangin para sa kaligtasan ng bawat residente. Nangako rin siya na patuloy na magkakaloob…

Read More

COMELEC POSITIBO SA MATAAS NA OV TURNOUT SA 2025 ELECTION

UMAASA ang Commission on Elections (Comelec) na makakamit ang 70 hanggang 80 porsiyentong overseas voter turnout para sa 2025 midterm polls, sa pilot implementation ng internet voting. Ito ay isang malaking pagtalon mula sa 38 porsyento na overseas voters turnout noong 2022 na botohan, kung saan humigit-kumulang 600,000 lamang sa 1.6 milyong rehistradong botante sa ibang bansa ang bumoto. “That was the highest in overseas voting history. But that remains low when compared to local voter turnout. This is why we want to increase this through internet voting,” sabi ni…

Read More

‘Pag sinamahan ang anak sa bakuna EMPLEYADO EXCUSE SA TRABAHO – DOLE

INIHAYAG ng Department of Labor and Employment sa isang advisory na exempted ang mga empleyado at hindi maaaring markahang absent kapag sinamahan ang kanilang mga anak sa vaccination centers. “Employers are highly encouraged to allow their employees to be excused from work when they accompany their children on scheduled vaccinations, or when they must take care of their children with adverse effects or reactions to the vaccine on the day after the vaccination,” ayon sa DOLE. Naglabas ng abiso ang ahensya bilang suporta sa nationwide measles, rubella at oral polio…

Read More

EX-PARTNER NI POKWANG IDINEPORT NA

MATAGUMPAY na napatalsik sa bansa ng Bureau of Immigration (BI) ang American national na si Lee O’Brian. Magugunitang noong nakaraang taon, naghain ng deportation case ang Filipino comedian na si Marietta Subong o mas kilala bilang si “Pokwang” laban sa kanyang dating live-in partner dahil sa pagtatrabaho nang walang kaukulang permit. Sa kanyang reklamo, sinabi ni Subong na si O’Brian ay nagtatrabaho sa iba’t ibang production companies nang walang permit mula sa Department of Labor and Employment at BI. Nakakita ng merito ang BI sa nasabing reklamo at inutusang i-deport…

Read More

PAGHAWAK NG VLOGGER SA TARSIER BINATIKOS NG NETIZENS

INIIMBESTIGAHAN ng Department of Environment and Natural Resources (DENR SOCCSKSARGEN) ang viral video ng paggambala at paghawak sa mga tarsier ng isang vlogger at kasama nito sa Polomolok, South Cotabato. Nabatid na dinagsa ng batikos mula sa mga netizen lalo na ang animal lovers, ang post ng vlogger na si Farm Boy. Tinanggal na ang video sa Facebook page ng vlogger pero hindi pa rin maawat ang online reactions simula nang i-post ito noong Lunes, Abril 8. Sa nasabing video, kinuha ng dalawang kalalakihan ang dalawang tarsier at inutusan ng…

Read More

2 HOLDAPER NASILO SA OPLAN GALUGAD

kulong

DALAWANG hinihinalang holdaper ang nadakip sa inilatag na “Oplan Galugad” ng Manila Police District – Malate Police Station 9, sa magkahiwalay na insidente sa Malate, Manila noong Miyerkoles ng gabi. Unang isinelda ang suspek na si Haixan Putal, 35, residente ng Adriatico Street sa Malate. Swak din sa selda ang suspek na si Sanny Fernandez, 31, ng nasabi ring lugar, nang matimbog ng tabi ng isang Hotel sa Adriatico. Ayon sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Nelson Cortez, station commander, unang nabuslo si Putal dahil sa pagsaklolo ng mga awtoridad…

Read More

3 SUGATAN, 300 BAHAY NATUPOK SA TONDO

UMABOT sa 300 kabahayan ang natupok habang tatlo katao ang nasugatan sa mahigit dalawang oras na sunog sa Isla Puting Bato, Tondo Manila noong Miyerkoles ng hapon. Ayon sa Manila Fire Department ng Bureau of Fire Protection, bandang alas-3:49 ng hapon nang sumiklab ang sunog sa Purok 3, Isla Puting Bato, Barangay 20 sa Tondo. Umabot sa ika-5 alarma ang sunog at idineklarang fire-out dakong alas-5:31 ng hapon. Ayon kay Police Lieutenant Colonel Ness Vargas, station commander ng Manila Police District-Delpan Police Station 12, kasama si Police Captain Genesis Aliling…

Read More

3 FOREIGN SEX OFFENDERS HINARANG SA NAIA

TATLO pang dayuhang sex offenders ang pinigil ng Bureau of Immigration (BI) na makapasok sa bansa sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil sa pagiging undesirable aliens. Sinabi ni Immigration Commissioner Norman Tansingco, ang tatlong pasahero na pinigil sa NAIA Terminal 1, ay nagpanggap na mga turista. Kabilang sa hinarang na mga dayuhan si Jeffrey William Jewitt, 42, sakay ng Korean Airlines flight galing Incheon, South Korea. Si Jewit ay nahatulan ng two counts na child abduction at pagmolestiya sa isang 16-anyos, at sexual exploitation sa isang 12-anyos, sa isang…

Read More