CAYETANO: KORTE SA BANSA HINDI POWERLESS, DAPAT IGALANG

NANINDIGAN si Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano na hindi “powerless” at may mahalagang papel ang mga korte at hukuman sa bansa, kaya nararapat lamang aniyang igalang ang mga ito. Ang pahayag ni Cayetano ay kasunod ng mga ulat na posibleng maglabas ng warrant of arrest ang ICC laban kina Senators Ronald “Bato” dela Rosa at Christopher Lawrence “Bong” Go kaugnay ng mga alegasyon ng extrajudicial killings (EJK) noong nakaraang administrasyon, kung saan itinuturing umano silang conspirators ni dating pangulong Rodrigo Duterte. Iginiit ni Cayetano na dapat kilalanin at igalang…

Read More

RULING NG SC SA ISYU NG PAKIKIPAGTULUNGAN SA ICC HIHINTAYIN NG DOJ

IPINAUBAYA ng Department of Justice (DOJ) sa Korte Suprema ang paglalabas ng ruling kaugnay ng petisyong kumukuwestiyon sa pakikipagtulungan ng administrasyon sa International Criminal Court (ICC) kaugnay ng pag-aresto kay dating pangulong Rodrigo Duterte. Paglilinaw ito ng DOJ matapos ilabas ng ICC ang mga pangalan ng umano’y co-perpetrators ng dating pangulo sa kontrobersyal na war on drugs. Ayon kay DOJ Spokesperson Atty. Polo Martinez, sakaling maglabas ng arrest warrant laban sa mga nabanggit na indibidwal, hihintayin muna ng kagawaran ang magiging pasya ng Korte Suprema bago ito aksyunan. Nilinaw ni…

Read More

‘MENTAL HEALTH OFFICER ACT’ ISINULONG SA SENADO

ISANG Mental Health Officer (MHO) sa bawat lungsod at munisipalidad. Ito ang laman ng Senate Bill No. 1760 o “Mental Health Officer Act” na inihain ni millennial senator at pinakabatang miyembro ng 20th Congress na si Camille Villar. “Hindi na natin maaaring balewalain ang tahimik na pagdurusa ng milyun-milyong Pilipino. Ang mental health ay isang pangunahing karapatan,” pahayag ni Villar. Ayon sa senador, hindi sapat ang awareness campaign. Kailangan aniya ng konkretong aksyon na nakatuon mismo sa komunidad. Sa ilalim ng panukala, oobligahin ang lahat ng local government units (LGUs)…

Read More

DA-DOT HAWAK-KAMAY PARA PASIGLAHIN FARM TOURISM

PINALAKAS ng Department of Agriculture (DA) at Department of Tourism (DOT) ang alyansa para gawing mas buhay at mas kita ang turismo sa kanayunan. Pormal na nilagdaan nina Tourism Secretary Christina Garcia Frasco at Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ang memorandum of agreement noong Pebrero 16, na mag-uugnay sa agrikultura at travel industry upang itulak ang Pilipinas bilang pangunahing food at gastronomy destination sa Asya. Nakaangkla ang kasunduan sa mga umiiral na batas tulad ng Tourism Act of 2009, Farm Tourism Development Act of 2016 at Agriculture and Fisheries…

Read More

DOJ SA BI: ESTRADA, IBA PA TIYAKING HINDI LALABAS NG BANSA

MAHIGPIT ang direktiba ng Department of Justice (DOJ) sa Bureau of Immigration (BI) na tiyaking hindi makaaalis ng bansa ang mga respondent sa umano’y maanomalyang flood control projects. Ito’y matapos maglabas ng Hold Departure Order ang Manila Regional Trial Court Branch 52 laban sa ilang personalidad. Kabilang sa pinagbawalang bumiyahe sina Senador Jinggoy Estrada, dating DPWH Secretary Manuel Bonoan, dating Undersecretary Roberto Bernardo at mga dating district engineer na sina Henry Alcantara at Gerard Opulencia. Kasama rin sa HDO si dating DPWH Undersecretary Catalina Cabral bagaman pumanaw na ito noong…

Read More

PEOPLE’S INITIATIVE PARA SA ANTI-POL DYNASTY BILL INILUTANG

INAMIN ni Senador Risa Hontiveros ang posibilidad na isulong ang people’s initiative sa panukalang Anti-Political Dynasty bill kasabay ng pagsasagawa ng mga pagdinig para rito. Ayon kay Hontiveros, chairperson ng Senate Committee on Electoral Reforms, walang hadlang upang itulak ang people’s initiative habang tinatalakay rin ang panukala sa Senado at Kamara. Sa public consultation sa mga panukala, iminungkahi ni Atty. JT Leonardo Santos ng School of Law ng Pampanga State University na gamitin ang people’s initiative upang maisabatas ang anti-political dynasty measure kung magiging mahirap itong maaprubahan sa Kongreso, lalo’t…

Read More

‘DISRESPECTING THE PRESIDENT’: ARMY COLONEL, SASALANG SA COURT MARTIAL

SASALANG sa general court martial si Col. Audie Mongao matapos ang kontrobersyal na pahayag umano nitong pag-withdraw ng suporta sa administrasyon. Kinumpirma ni Antonio Nafarrete, commanding general ng Philippine Army, na tapos na ang imbestigasyon at inihahanda na ang proceedings. “He is already here for general court martial. We are preparing for it,” ani Nafarrete sa briefing sa Fort Bonifacio, Taguig. Ang posibleng kaso: paglabag sa Article of War 63 o “disrespecting the President,” matapos kumalat sa social media ang screenshot ng umano’y mensahe ni Mongao na nagsasabing, “Sobra na,…

Read More

5 HOUSE SPEAKERS NAGBIGAY-PUGAY KAY DE VENECIA

NAGSAMA-SAMA ang limang House Speakers upang magbigay-tribute sa yumaong si Jose de Venecia Jr., pinakamahabang nagsilbi bilang lider ng House of Representatives of the Philippines. Pinangunahan ni House Speaker Faustino Dy ang pagkilala. “We gather as one House to honor the life of Speaker De Venecia that shaped this institution and influenced the course of our democracy,” ani Dy. Kabilang sa nagbigay ng eulogy sina dating Speakers Gloria Macapagal Arroyo, Manuel Villar Jr., Feliciano Belmonte Jr. at Martin Romualdez. Tinawag ni Arroyo si De Venecia na isang “statesman” na may…

Read More

DOJ: WALANG BASBAS SA US TRIP NI BONOAN

KINONTRA ng Department of Justice ang pahayag ni dating DPWH Secretary Manuel Bonoan na pinayagan umano siyang bumiyahe sa Amerika para sa pagpapagamot ng kanyang asawa. Nagharap si Bonoan ng kontra-salaysay sa DOJ panel of prosecutors kaugnay ng kasong plunder sa umano’y maanomalyang flood control projects sa Bulacan. Sa ambush interview, sinabi ni Bonoan na pinayagan na raw siyang bumalik sa US ngayong Pebrero. Pero ayon kay Justice spokesperson Atty. Polo Martinez, walang kapangyarihan ang DOJ na payagan ang pagbiyahe ng mga respondent dahil korte lamang ang maaaring magpataw o…

Read More