HIGIT 24 PINOY SEAFARERS SA MGA BARKO NG RUSSIA, NANGANGANIB MAIPIT SA GIYERA KONTRA UKRAINE — ERWIN TULFO

MAKIKIPAGPULONG ngayong linggo si Senate Committee on Foreign Relations Chairman Erwin Tulfo sa mga opisyal ng Department of Foreign Affairs (DFA) at Department of Migrant Workers (DMW) tungkol sa dapat gawin sa humigit-kumulang 24 Pinoy seafarers na nakasakay ngayon sa ilang barko ng Russia. Ayon kay Sen. Tulfo, “Gusto nating malaman kung ano ang magiging hakbang ng ating DFA at DMW para sa kaligtasan ng mga seafarers na ito.” Ang impormasyon hinggil sa bilang ng mga Pinoy seaman ay ibinahagi ni Ukraine Ambassador Yuliia Fediv kay Tulfo nang mag-courtesy call…

Read More

Sa kabila ng iringan sa karagatan DIRECT FUJIAN–CEBU FLIGHTS BINUKSAN

WINELCOME ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagbubukas ng direct flights sa pagitan ng Fujian, China at Cebu. Sa paglulunsad ng Chinatown Revitalization Phase II sa Maynila, pinasalamatan ng Pangulo si Jing Quan sa pag-anunsyo ng bagong ruta. “I thank you very much for the good news that you have brought about the flights going to Cebu,” ayon sa Pangulo. “And I hope that it will be the beginning of more interactions and people-to-people exchange between China and the Philippines,” aniya pa rin. Inaprubahan ng China ang direct flights mula…

Read More

BULTO NG MGA PROYEKTO NG DE LEON-OWNED BELL CONSTRUCTION NASA ANTIPOLO

MULA 2017 hanggang 2026, nakuha ng construction company na nakarehistro sa pangalan ng pamilya ng professional volleyball player na si Bea de Leon ang proyektong nagkakahalaga ng P2.2 bilyon sa Antipolo City 1st District sa panahon ng panunungkulan ng tatlong miyembro ng pamilya Puno sa House of Representatives. Sa kasalukuyan, kinakatawan ni Deputy Speaker Ronnie Puno ang Distrito, na dati namang kinatawan ni Roberto Puno mula 2019 hanggang 2025 at ni Cristina Roa-Puno mula 2016 hanggang 2019. Batay sa datos mula sa Department of Public Works and Highways (DPWH) Transparency…

Read More

HALOS 11K PULIS IPAKAKALAT SA TRILLION PESO MARCH

MAHIGIT 11,000 pulis ang ipakakalat ng Philippine National Police (PNP) para tiyakin ang seguridad sa ikatlong Trillion Peso March ngayong Pebrero. Ayon kay PNP spokesperson PBGen. Randulf Tuaño, kabuuang 11,498 pulis ang itatalaga sa Pebrero 22 at Pebrero 25. Partikular na tututok ang deployment sa EDSA People Power Monument at EDSA Shrine kung saan tinatayang aabot sa 50,000 raliyista ang inaasahang lalahok. Magpapatupad din ng heightened alert status ang National Capital Region Police Office kahit wala pang namomonitor na banta sa pagtitipon. Kasado na rin ang security template upang matiyak…

Read More

‘Awit at Aksyon kontra korapsyon’ PEOPLE POWER 40 KICK-OFF CONCERT KASADO SA PEB. 21

PALALAKASIN ang panawagan laban sa korupsyon kasabay ng paggunita sa ika-40 anibersaryo ng makasaysayang People Power Revolution sa pamamagitan ng People Power 40 Kick-Off Concert na gaganapin sa Pebrero 21 sa Quezon Memorial Circle, na may temang “Awit at Aksyon Kontra Korapsyon.” Ayon sa Mayors for Good Governance (M4GG) at Kaya Natin!, layon ng konsiyerto na buhayin ang diwa ng mapayapang rebolusyon noong 1986 at hikayatin ang mga Pilipino na ipagpatuloy ang laban para sa transparency at good governance. “People Power proved that the Filipino people, when united, can stand…

Read More

KORUPSYON MAS MALAKING PROBLEMA KAYSA POLITICAL DYNASTY — MGA RESIDENTE

MAS nais ng ilang residente na unahin ang paglutas sa talamak na korupsyon kaysa ang pagpapatibay ng anti-political dynasty law, ayon sa lumabas sa unang public consultation ng House Committee on Suffrage and Electoral Reforms sa Carmona City. Sa isinagawang konsultasyon sa Carsigma Gym na dinaluhan ng mahigit 1,500 katao mula sa iba’t ibang sektor, maraming kalahok ang nagsabing hindi political dynasty kundi katiwalian ang mas malaking suliranin ng bansa. Ibinahagi ni John dela Cruz mula General Mariano Alvarez na dating kilala bilang dumpsite ang Carmona ngunit napaunlad umano ito…

Read More

MPD PINARANGALAN MGA NASAWING PULIS SA IKA-125 ANIBERSARYO

NAGDAOS ng wreath laying ceremony ang Manila Police District (MPD) bilang pagpupugay sa mga pulis na nasawi sa pagtupad sa tungkulin kasabay ng pagdiriwang ng ika-125 anibersaryo ng pagkakatatag nito ngayong Pebrero 13. Pinangunahan ang seremonya ni Manila Mayor Isko Moreno-Domagoso kasama si Vice Mayor Chi Atienza, mga opisyal ng lungsod, matataas na opisyal ng Philippine National Police at kinatawan ng Department of the Interior and Local Government. Kasabay nito, pinasinayaan ang “Museum of Manila’s Finest” na naglalaman ng mga makasaysayang kagamitan at artifacts ng MPD. Nag-alay rin ng 21-gun…

Read More

MEMORIAL SERVICE PARA KAY JDV ISASAGAWA SA KAMARA

MAGDARAOS ng memorial at necrological service ang House of Representatives sa Pebrero 16 bilang pagkilala sa yumaong dating House Speaker Jose de Venecia Jr. Inaprubahan sa plenaryo ang House Resolution 758 na kumikilala sa malaking ambag ni De Venecia sa bansa, kabilang ang papel niya bilang “architect of political unity” matapos mapag-isa ang pitong political parties sa tinaguriang “Rainbow Coalition.” Kabilang sa mga batas na inakda niya ang Build-Operate-Transfer Law, Bases Conversion and Development Act, New Central Bank Act at Philippine Economic Zone Act. Bukod sa pulitika, kinilala rin ang…

Read More

SC: BINAWING TESTIMONYA PWEDE PA RING EBIDENSYA

IGINIIT ng Korte Suprema na hindi awtomatikong nawawalan ng bisa ang isang testimonya kahit ito ay bawiin kalaunan lalo na sa mga kasong may kinalaman sa sexual abuse. Sa desisyong isinulat ni Associate Justice Antonio Kho Jr., pinagtibay ng Second Division ang hatol laban sa isang ama na napatunayang nagkasala ng lascivious conduct sa ilalim ng Republic Act 7610 o Special Protection of Children Against Abuse Law. Batay sa rekord, 14-anyos ang biktima nang tangkain umano siyang hubaran at hawakan ng kanyang ama habang sila ay natutulog. Tinangka rin umano…

Read More