Hirit ng kampo ni Cornejo VHONG NAVARRO ILIPAT SA TAGUIG JAIL

HINILING ng kampo ni Deniece Cornejo na sa Taguig City Jail pansamantalang ikulong ang aktor na si Vhong Navarro, habang nililitis, kasabay ng pagkuwestiyon kung bakit nananatili siya sa detention facility ng National Bureau of Investigation (NBI). Igiit ni Atty. Ferdinand Topacio, abogado ni Cornejo, dapat sa Taguig City jail ikulong si Navarro, bilang pagsunod sa batas, makaraang masampahan ng kasong rape at acts of lasciviousness . Nabatid pa na ang mga puwede lang makulong sa NBI ay ang mga naaresto ‘in flagrante delicto’ o nahuli sa akto sa paggawa ng krimen at…

Read More

DSWD AT PAO SANIB-PWERSA KONTRA IRESPONSABLENG AMA

BILANG na ang araw ng mga ama na ayaw sustentuhan ang kanilang mga anak sa kanilang ex-wife, dating kinakasama, o girlfriend na naanakan. Sa isang memorandum of agreement (MOA) na pinirmahan ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Erwin Tulfo at Public Attorneys Office (PAO) Chief Atty. Persida Acosta nitong Lunes, nabatid na hahabulin ng dalawang ahensya ang mga ama na ayaw sustentuhan ang kanilang anak sa kanilang mga ex. Ayon kay Tulfo, “hindi lang po warning…kundi sasampahan na ng kaso ang mga tatay ng bata na ayaw…

Read More

’60 SECONDS + 5 CLICKS’ LANG SALARY LOAN SA SSS, APRUB AGAD

MAAARI nang maaprubahan sa loob ng “60 seconds + 5 clicks” ang salary loan ng self-employed, voluntary, at overseas Filipino workers na miyembro ng Social Security System (SSS). Kaugnay ito sa 65th founding anniversary ng SSS noong Setyembre 1. Simple lamang ang gagawin ng mag-a-apply na miyembro, kailangan nito mag-log in sa kanilang My.SSS account sa pamamagitan ng SSS website o mobile application, i-click ang “Apply for Salary Loan” at i-fill out ang mga required na impormasyon, tumuloy sa confirmation o approval ng susunod na hakbang at pagkatapos ng 60…

Read More

MEDIA, FREELANCE WORKERS PROTECTION APRUB SA KAMARA

LUMUSOT na sa committee level sa mababang kapulungan ng Kongreso ang mga panukalang batas na magbibigay ng proteksyon sa mga manggagawa sa media at maging ang freelance workers. Sa pagdinig ng House committee on labor na pinamumunuan ni Rizal Rep. Fidel Nograles, inaprubahan ang House Bill (HB) 454 at mga kahalintulad na panukala para sa proteksyon ng media workers. “This bill seeks to ensure our media workers are granted humane conditions of work, living wage and comprehensive benefits packages at par with the current benefits enjoyed by the labor force…

Read More

VACCINATION PROGRAM NG LGUs, PALAKASIN

HINIMOK ni Senador Win Gatchalian ang mga lokal na pamahalaan o local government units (LGUs) na paigtingin ang kanilang programa sa pagbabakuna upang maiwasan ang outbreak ng mga vaccine-preventable diseases. Ito’y matapos kumpirmahin ng Department of Health (DOH) na may isang milyong sanggol sa Pilipinas na mas bata sa isang taong gulang ang hindi pa nababakunahan. Ayon pa sa DOH, ang Pilipinas ang isa sa sampung bansa na may pinakamababang bilang ng mga batang nabakunahan. Pinangangambahan din ng ahensya na baka magkaroon ng measles outbreak kung nananatiling mababa ang bilang…

Read More

Walang dagat na babatanyan sa paliparan COAST GUARDS ‘DI KAILANGAN SA NAIA

BANTAY-DAGAT sa paliparan? Ito marahil ang dahilan sa likod ng panawagan ng ilang mga opisyal ng Manila International Airport Authority (MIAA) na ibalik sa kanilang “mother unit” ang Philippine Coast Guard (PCG) personnel na nakatalaga sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA). Paglilinaw ng mga opisyal ng paliparan, walang bulilyaso ang mga nakatalagang bantay-dagat sa paliparang pinangangasiwaan. Gayunpaman, angkop lang anilang pabalikin ang PCG personnel kung saan sila higit na kailangan – sa mga karagatan. Bukod sa NAIA, daan-daang PCG personnel ang naka-deploy sa iba pang paliparan, mga bus terminal at maging…

Read More

VHONG NAVARRO SUMUKO SA NBI SA KASONG RAPE

ILANG araw matapos ilabas ng husgado ang mandamiento de arresto, sumuko sa National Bureau of Investigation (NBI) ang isang sikat na komedyante na nahaharap sa kasong rape at acts of lasciviousness na nakahain sa Metropolitan Trial Court sa lungsod ng Taguig. Ayon kay Atty. Alma Mallonga na tumatayong abogado ng akusadong si Ferdinand “Vhong” Navarro, mananatili ang aktor sa kustodiya ng NBI hangga’t hindi pa aprubado ng husgado ang P36,000 na inilagak bilang piyansa. “Gagawin natin ‘yung kailangan nating gawin. Mag-isyu dito ng certificate of detention. Si Mr. Navarro ay…

Read More

GKHK FOUNDATION INILUNSAD NG PILANTROPONG CANCER SURVIVOR

“GUSTO KO HEALTHY KA”- Pormal na inilunsad kamakailan ang Gusto Ko Healthy Ka Foundation, Incorporated sa pangunguna ng Founder nito na si Dr. Rosalyn Cabuco (gitna) na siyang direktang tumutulong medikal sa mga residente ng Lungsod ng San Jose Del Monte at karatig bayan. Nasa larawan din ang mga bumubuo ng GKHK Foundation na sina (mula sa kaliwa) Victor Sajorda- Board Of Director; Carolyne Padua-Secretary; Melody Espenida-Chairman at Corazon Flores- Treasurer. (Kuha ni ELOISA SILVERIO)     NASA 500 buntis ang pinagkalooban ng libreng panganganak habang 200 pang indibidwal naman…

Read More

P200 pabuya kada ulo garantisado! DAGA SA MARIKINA CITY WANTED DEAD OR ALIVE

(Ni ENOCK ECHAGUE) KASABAY ng pagpasok ng panahon ng tag-ulan ay ang iba’t ibang klase ng karamdaman kabilang ang trangkaso, ubo, lagnat, sipon, dengue at maging ang leptospirosis na karaniwang nakukuha sa paglusong sa maruming tubig baha. Sa isang lungsod na taunang binabaha, kakaiba ang gimik ng pamahalaang lungsod laban sa nakamamatay na leptospirosis sa mga komunidad na laging binabaha – kwarta kapalit ng daga. Sa isang kalatas ng Marikina City government nito lamang nakaraang linggo, hinikayat ni Mayor Marcelino Teodoro ang pakikiisa ng mga residente. Aniya, tulungan silang sugpuin…

Read More