TIMBOG ang magkumpareng hinihinalang tulak ng ilegal na droga nang makumpiskahan ng umano’y shabu sa buy-bust operation sa Navotas City. Arestado sina Serafin M. Arisgado, 32, ng Barangay San Jose, at Benjamin A. Gerona Jr., 25, ng Barangay San Jose, kapwa ng Navotas City. Natiklo ang dalawa dakong alas-10:45 ng gabi noong Setyembre 7 sa Gulayan St., Barangay San Jose. Nakumpiska sa kanila ang apat na sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu, tatlong P100 bills na ginamit bilang buy-bust money, at P500 cash. Tumitimbang ng 7.5 gramo na P44,200 ang halaga, ang…
Read MoreCategory: METRO
NAVOTAS GRADUATES BINIGYAN NG CASH INCENTIVES
NAMAHAGI ang lokal na pamahalaang lungsod ng Navotas ng cash incentive sa mga nagsipagtapos sa Navotas City Polytechnic College (NPC). Binigyan ang nasa 505 NPC graduates sa academic year 2021-2022, ng P1,500 bawat isa. “Soon, most of you will join thousands of new graduates seeking employment. We hope you will get the jobs you dreamed of and flourish in your chosen career,” ani Navotas City Mayor John Rey Tiangco. Ipinaalala rin ni Mayor Tiangco sa mga nagsipagtapos na ang lungsod ay may nakalaang mga programa sakaling magpasya ang mga ito na…
Read MoreLaban sa cybercrimes, text scams CYBER PATROLLING PINAIGTING NG PNP, AFP
POSIBLENG masawata na at mapanagot sa batas ang mga responsable sa cybercrimes at naglipanang text scams. Ito ang inihayag ng pamunuan ng Philippine National Police matapos na makapag-apply na ang PNP ng cyber warrant. Hinihinalang organized group ang nasa likod ng pagpapakalat ng text scams dahil text blast umano ang ginagawa ng mga ito kaya mabilis ang pagpapakalat ng kuwestyunableng text messages na may mga kaduda-dudang internet or website links. Sinasabing naghihintay na lamang ang PNP Anti-Cybercrime Group ng tugon mula sa judicial authorities para tuluyang malaman at mabuksan ang…
Read More1,162 indibidwal arestado sa OTBT operation ILLEGAL GAMBLING TALAMAK PA RIN SA CALABARZON
ARESTADO ang 1,162 indibidwal sa isinagawang malawakang One Time Big Time (OTBT) operation laban sa illegal gambling noong Setyembre 6, 2022 sa Calabarzon region. Ayon sa ulat, nagsagawa ang mga awtoridad sa rehiyon ng Calabarzon ng 496 na operasyon sa magdamag na nagresulta sa pagkakaresto sa mga nagsusugal katulad ng sabong, cara y cruz, pusoy, tong-its, lucky 9, mahjong, video karera, bookies at iba pang ilegal na sugal at nakumpiska ang P290,873 halaga ng taya ng mga sugarol, mananaya at operator. Ayon kay PRO CALABARZON Acting Regional Director, Police Brigadier Jose Melencio…
Read MoreSANGKOT SA ILLEGAL STL ARESTUHIN – DILG
IPINAAARESTO ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin Abalos Jr. ang mga sangkot sa ilegal na small town lottery (STL) sa bansa. Tugon ito ni Abalos sa isang Palace briefing nitong Miyerkoles, matapos matanong sa polisiya ng DILG hinggil sa STLs na walang lisensiya mula sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ngunit patuloy na nag-o-operate sa ilang lugar. Hinikayat din ni Abalos ang publiko na agad isumbong sa mga kinauukulan kung may nalalaman silang sangkot sa ilegal na STL upang madakip ang mga ito. “STLs are…
Read MoreMAGDYOWANG TULAK TIKLO SA BUY-BUST
HUMANTONG sa karsel ang isang magkarelasyon sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad sa Malabon City. Ibinalibag sa magkahiwalay na selda sina Princess N. Ong, 33, ng Tondo, Maynila, at Joshua C. Bondad, 22, ng Barangay Longos, Malabon City. Ayon sa ulat, dakong alas-2:00 ng madaling araw noong Setyembre 6 nang isagawa ang operasyon laban sa mga suspek sa Chico Road, Barangay Potrero ng nasabing lungsod. Nakumpiska sa mga suspek ang tatlong sachet ng umano’y shabu, at isang P500 bill na ginamit bilang buy-bust money. Tumitimbang ng 6.2 gramo ng ilegal…
Read MoreSINITA SA ‘NO FACE MASK’, KALABOSO SA DAMO
DINAKIP ang isang lalaki nang makumpikshan ng ‘damo’ o pinatuyong dahon ng marijuana sa Caloocan City. Pasado alas-4:00 ng madaling araw noong Setyembre 7 nang arestuhin sa Moises St., Barangay 150, ng lungsod si Dante V. Avila, 29, ng Barangay 150, Bagong Barrio, Caloocan.. Napag-alaman, nagsasagawa ng Oplan Galugad ang mga pulis sa nasabing lugar para sa pagpapatupad ng mga ordinansa ng lungsod at sa kampanya laban sa kriminalidad, kung saan nakita nila ang suspek na walang suot na face mask. Agad nilang nilapitan ang suspek upang alamin ang pagkakakilanlan…
Read MorePAGBUHAY SA BNPP SINIMULAN NA
UMUSAD na sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang pagbuhay sa Bataan Nuclear Power Plant (BNPP) na itinayo ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr., sa kagustuhan nito na makaiwas ang bansa sa krisis sa supply ng fossil fuels. Sa kanyang privilege speech, sinabi ni Special Committee on Nuclear Energy chairman at Pangasinan Rep. Mark Cojuangco, kailangang buhayin na ang BNPP kung nais natin na magkaroon ng mura, malinis at maaasahang supply ng kuryente. Ayon sa mambabatas, itinayo ni Marcos Sr. ang BNPP para maging ligtas ang bansa “sa matinding pagsisingil ng mga supplier…
Read MoreP15.3-M PORSCHE KINUMPISKA NG BOC AT PDEA
AYON sa impormasyon ng Davao PNP, isang kotseng nagkakahalaga ng P15.3 million ang kinumpiska ng Bureau of Custom at Philippine Drug Enforcement Agency 11 SA Davao City. Ayon sa Bureau of Customs noong Miyerkoles, na-intercept ang isang puting Porsche 911 GT3 RS na nanggaling ng Japan na unang idineklarang used automobile parts matapos ang isinagawang joint inspection sa Port of Davao. Sa pakikipag koordinasyon ng BOC Port of Davao sa Philippine Drug Enforcement Agency XI (PDEA), Seaport Interdiction Unit, at Davao City Police Office (DCPO), nasabat ang nasabing luxury car…
Read More