NADAKIP ang dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga sa ikinasang buy-bust operation ng pulisya sa Las Piñas City kahapon ng madaling araw. Nakuha sa mga suspek na sina Benjo Abo, janitor, at Jerphy Padilla, construction worker, ang tinatayang 60 gramo ng umano’y shabu na may standard drug price na P408,000 sa isinagawang buy-bust operation sa Basa Compound, Brgy. Zapote, Las Piñas City, dakong alas-3:30 madaling araw nitong Huwebes. Ikinasa ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) operatives ng Las Piñas City Police Station ang operasyon na nagresulta sa pagkakakumpiska ng…
Read MoreCategory: METRO
STL SA QC PRENTE NG ILLEGAL GAMBLING
(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) GINAGAMIT na prente ng bookies o ilegal na sugal ang operasyon ng Small-Town Lottery (STL) sa Quezon City. Ito ay matapos matuklasan na walang lisensya mula sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang Lucent Gaming and Entertainment OPC na nagpapatakbo ng STL sa lungsod. Base sa dokumentong nakuha ng SAKSI Ngayon, wala nang bisa ang lisensya ng nasabing kumpanya ngunit patuloy itong nakapag-ooperate. Nabatid na inireklamo na ni Melchor Guingab, Administrative Officer-QC Cares kay Melquiades Robles, General Manager ng PCSO nitong Setyembre 3, 2022 ang Lucent…
Read MorePCPs SARADO MUNA, PULIS IKAKALAT SA QC
PANSAMANTALANG ipinasara ni Quezon City Police District (QCPD) Director PBGen Nicolas D Torre III ang mga Police Community Precinct (PCP) at ipinakalat ang mga pulis sa kalsada upang matiyak ang seguridad ng mamamayan sa lungsod. Ang aksyon ni BGen Torre III ay bilang pagsunod sa kautusan ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos na panatilihin ang police visibility sa mga lugar, partikular sa mga paaralan para maiwasan ang posibleng kriminalidad. “Yung ating mga tao sa opisina ay ibinaba natin sa ganun ay dumami ang mga…
Read MoreBULKANG KANLAON TULOY SA PAG-AALBOROTO
MULING nag-alboroto ang Bulkang Kanlaon makaraang makapagtala ng dalawangpung (20) volcanic earthquake sa nakalipas na magdamag, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs). Sinabi ng Phivolcs, patuloy na nakataas ang Alert Level 1 sa Bulkang Kanlaon na namataan na nagbuga ng usok na may taas na 200 meters. Mahigpit pa ring ipinagbabawal ang pagpasok sa 4-kilometer radius Permanent Danger Zone (PDZ) maging ang pagpapalipad ng ano mang uri ng eroplano sa paligid ng bulkan dahil sa banta ng pagsabog. Ang Bulkang Kanlaon na matatagpuan sa Negros Occidental at…
Read More2 TIRADOR NG MOTORSIKLO ARESTADO SA LAGUNA
LAGUNA – Arestado ang dalawang umano’y sangkot sa kasong carnapping sa Brgy. Vitin, sa bayan ng Bay sa lalawigang ito, noong Lunes. Nadakip ang mga suspek na sina Roger Lina Esculla at Jeffrey Agsalud matapos ireklamo sa kasong carnapping ng biktimang si Bryan Bautista Ortiz . Ayon kina P/SSgt. Dominic Julian at P/SSgt. Frederick Bembo, dakong alas-2:30 ng hapon nangyari ang insidente sa Brgy. Bitin, Bay, Laguna. Alas-5:20 ng hapon, nagsagawa ng joint follow-up operation ang Bay Police Station at Calamba PNP at nasakote ang mga suspek sa Sitio Pulong…
Read MoreGUMAHASA SA 4 GURO PINATUTUGIS NI VP SARA
HINDI na natiis ni Vice President at Department of Education Secretary Sara Duterte-Carpio na pagala-gala pa rin ang mga suspek sa panghahalay at pagnanakaw sa apat na mga guro sa Camarines Sur, kaya inatasan nito ang Philippine National Police (PNP) na madaliin ang paghanahanap sa mga responsable sa krimen. Nabatid na may isang buwan na ang nakararaan ay wala pa ring ‘lead’ ang PNP sa krimen kung kaya’t si VP Inday Sara na ang nag-utos sa mga ito na madaliin ang pagresolba sa kaso ng mga guro na ginahasa at…
Read MoreSUNOG SUMIKLAB SA ABS-CBN
SUMIKLAB ang sunog sa compound ng ABS-CBN sa Sgt. Esguerra Avenue, Quezon City, dahilan upang pansamantalang suspindehin ang mga programa ng TeleRadyo at ANC kahapon ng umaga. Bandang 7:00 ng umaga (September 6) nang magsimula ang sunog sa Main Building, kung saan matatagpuan ang production studio at opisina ng Integrated News and Current Affairs division na nagpapatakbo sa Teleradyo at ABS-CBN News Channel. Sa pahayag ni ABS-CBN “Sakto” co-host Jeff Canoy, kasalukuyan siyang nagpoprograma ng makarinig ng fire alarm, at agad na pinasuspinde ang mga live news programs. Agad namang…
Read MoreDahil sa pabayang university admin MALABON UNIVERSITY, MAY MATRIKULA NA
NAGSAMPA ng petisyon ang mga mag-aaral ng City of Malabon University (CMU) bilang pagtutol sa pagkakatanggal ng CMU sa Unified Student Financial Assistance System for Tertiary Education (UniFAST) ng Commission on Higher Education (CHED) at pag-obliga sa kanilang magbayad ng matrikula. Sa petisyon na ipinaskil online ng mga estudyante ng CMU, inihayag ng mga mag-aaral ang kanilang mga alalahanin sa pagkakatanggal sa CMU sa UniFAST, isang ahensyang pangunahing nagpapatupad ng Free Higher Education (FHE) at Tertiary Education Subsidy (TES) program sa ilalim ng Republic Act (RA) 10931, na kilala rin…
Read MoreP9.6-M REWARD NG PDEA SA 11 TIPSTERS
MISTULANG tumama sa Lotto jackpot ng PCSO ang 11 civilian informants na naghati-hati sa kabuuang P9,684,257.86 cash rewards mula sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa awarding ceremony kahapon sa PDEA National Headquarters sa Quezon City. Pinapurihan ni PDEA Director General Wilkins M Villanueva ang mga impormante na kinilala sa pamamagitan ng kanilang mga codename: Dream, Indah, Aquaman, Bruno, Datu, Jojo, Mashu, Marvin, Mambo, Ali at Tin dahil sa pagbibigay ng impormasyon na humantong sa matagumpay na pagsasagawa ng anti-drug operations, pagkakasamsam ng malalaking halaga ng ilegal na droga, at ang…
Read More