‘KARATE MASTER’ SUMALUBONG SA TREN, PATAY

patay

NALURAY ang katawan ng isang hindi kilalang lalaki makaraang salubungin ang tren at akmang kakaratehin noong Linggo ng hapon sa Tondo, Manila. Tinatayang nasa 50-anyos pataas, may taas na 5’2″ hanggang 5’4″, at nakasuot ng puting T-shirt ang biktima. Base sa ulat na isinumite kay P/Lt. Col. Robert Domingo, commander ng Manila Police District – Station 7, bandang alas-5:45 ng hapon nang mangyari ang insidente sa riles ng tren sa F. Yuseco St. saTondo. Ayon sa salaysay ni Jerwin Laguerta, barangay executive officer ng Brgy.155, Zone 14, malimit na dumaraan…

Read More

P5.44-M SHABU TIMBOG SA 3 HVT SA PASIG

KUMPISKADO ang P5.44 milyong halaga ng ilegal na droga mula sa nadakip na tatlong high value target individual sa ikinasang anti-drug operation ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa lungsod ng Pasig. Kinilala ni P/Col. Celerino Sacro Jr., ang mga nadakip na sina Mohaimen Rangaig y Pontinoc, 26; Mate Makebel y Alba, 33, at Isabel Tobosa, 26-anyos. Nakumpiska sa mga suspek ang 13 sachet ng umano’y shabu na may timbang na 800 grams at tinatayang P5,440,000 ang halaga. Ayon sa ulat, dakong alas-5:05 nang gabi noong Agosto 27, nasakote nina…

Read More

UGNAYAN NG DSWD, DILG AT LGUs SUSI SA MAAYOS NA EDUCATIONAL ASSISTANCE DISTRIBUTION

MAS maayos at pinadaling proseso ang pamimigay ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng kanilang educational assistance nitong Sabado kumpara noong Agosto 20. Pinasalamatan ni DSWD Sec. Erwin Tulfo ang tulong ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at local government units (LGUs) para maging maayos ang pagbibigay ng ayuda sa mga estudyante noong nakaraang Sabado. “Salamat una sa lahat sa Panginoong Diyos. Salamat kay DILG Secretary Benhur Abalos at sa kapulisan. Maraming salamat din sa mga mayor at governor na nagpahiram ng facilities at mga tauhan…

Read More

WALDY CARBONELL INARESTO SA CYBER LIBEL

DINAKIP habang nagdya-jogging ang beteranong komentarista na si Waldy Carbonell sa Roxas Blvd, Pasay City sa kasong cyber libel na isinampa ng isang lokal na opisyal ng Pangasinan, umaga ng linggo. Kasama ni Carbonnel si Publishers Association of the Philippines (PAPI) president emeritus Johnny Dayang nang arestuhin ito at dalhin umano sa Criminal Investigation and Detection Group ng Caloocan City. Hindi naman agad nakumpirma kung may arrest warrant na inisyu ang korte laban sa nasabing komentarista. (RENE CRISOSTOMO) 359

Read More

RANKING CPP-NPA LEADER TIMBOG SA QUEZON CITY

ISANG high ranking leader ng Communist Party of the Philippines na may patong na P2.5 million sa ulo, ang nadakip nang masundan ng intelligence operatives ng Philippine National Police (PNP)-Police Regional Office (PRO) 6 sa Quezon City. Sa isinumiteng report ni PNP-PRO 6 director, Police Brig. General Leo Francisco kay PNP chief, Police General Rodolfo Azurin Jr., kinilala ang nadakip na ranking officer ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) na si Adora Faye De Veyra alias “Boying/Ato/Vida”. “I am pleased to announce the capture of another…

Read More

MWP SA ZAMBOANGA SIBUGAY TIKLO SA BASECO

HALOS pitong taon nagtago sa batas ang isang 36-anyos na naitalang top 1 most wanted person sa Zamboanga Sibugay, matapos gahasain ang umano’y menor de edad na anak ng kanyang kinakasama, makaraang  matunton ng mga awtoridad sa Baseco Compound Port Area  Manila noong Agosto 25. Kinilala ni Manila Police District director, P/Brigadier General Andre Perez Dizon ang suspek na si Renante Rada y Nueva, nanunuluyan sa Old Site Baseco Compound. Base sa ulat ni P/Lt. Col. Rodel Bilan Borbe, commander ng MPD- Baseco Police Station 13, matapos makipagkoordina si P/Major…

Read More

KIDNAPPING INCIDENTS HINDI MAGKAKAUGNAY – PNP

NANINIWALA ang Philippine National Police na hindi magkakaugnay ang napaulat na serye ng mga kidnapping  sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Ayon kay Philippine National Police (PNP) spokesperson, Col. Jean Fajardo, sa kanilang inisyal na pag-aanalisa, magkakaiba ang motibo ng nahuling mga suspek sa kidnapping. “Itong mga insidente na ito ay masasabi natin na hindi naman talaga ito gawa ng isang grupo ng mga tao, ‘yung mga nahuli nating suspek at mga kasong ito ay kanya-kanya silang may personal na motibo,” pahayag ni Col. Fajardo. Nabatid na nakatakdang magsumite ang PNP…

Read More

7 pang kababayan tinutugis CHINESE NABITAG SA GANG RAPE SA 2 FOREIGN NATIONALS

ARESTADO ang isang Chinese national habang tinutugis ang pitong kababayan nito na pawang mga suspek sa halinhinang paggahasa sa dalawang foreign nationals. Ang suspek na si Ning Yuangquiang, 34, kasalukuyang nakadetine sa detention facility ng Pasay City Police, ay nahaharap sa kasong rape at paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 Ang Chinese national ay sangkot sa umano’y kidnapping at rape sa dalawang foreign nationals sa Pasay City, ilang araw pa lang ang nakalilipas. Nasakote ang Chinese national na si Ning sa follow-up operation ng Pasay…

Read More

Sa serye ng pagdukot, patayan PULIS IKAKALAT SA LANSANGAN

SA hangarin pahupain ang pangamba ng publiko sa gitna ng mga ulat ng kabi-kabilang pagdukot at patayan, inatasan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang Philippine National Police (PNP) na magpakalat ng mga pulis sa mga lansangan. Ayon kay Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos, hinihintay lamang niya ang report mula sa PNP para sa detalye at kumpirmasyon ng mga nabalitang pagkawala ng kababaihan, sabayang pagdukot at pamamaslang sa Metro Manila at mga karatig lalawigan. “Ang importante talaga is we get the real figures. Mahirap kasi…

Read More