MISTULANG umabot na sa bakuran ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga galamay ng pamilya Discaya, matapos mabunyag na ang bagong proyekto ng ahensya sa Quezon City ay nasakop umano ng isa sa kanilang mga kumpanya. Batay sa ulat, ang proyekto ay pinamagatang “Disenyo at Pagtatayo ng LTFRB Central Office”, na kinabibilangan ng pagpapalit ng bubong, paglalagay ng waterproofing system, at pagtatayo ng bagong harapan ng gusali. Ang kontrata ay nagkakahalaga ng P49.6 milyon, at ang kumpanyang Alpha at Omega General Contractor and Development ang nanalo sa…
Read MoreCategory: METRO
TULFO: PAGKAIN BAGO INTERBYU SA MGA BIKTIMA NG LINDOL
PINASALAMATAN ni Senate Committee Chairman on Social Justice, Welfare, and Rural Development Erwin Tulfo si Department of Social Welfare and Development (DSWD) Sec. Rex Gatchalian sa utos nitong ibigay na muna ang mga pagkain at tubig sa mga biktima ng lindol doon bago sila isalang sa mga interbyu at paper works bilang requirement sa pagbibigay ng ayuda. Sa pagdalaw ni Sen. Tulfo, at iba pang kasamahan sa Senado tulad nina Senador Bong Go, Raffy Tulfo, at Jinggoy Estrada sa Bogo City, Cebu dalawang araw matapos ang lindol, narinig ng Senador…
Read MoreLACSON PLANONG BUMITAW BILANG SENATE BLUE RIBBON COMMITTEE CHAIR
KINUMPIRMA ni Senador Panfilo “Ping” Lacson na ikinukonsidera na niyang magbitiw bilang chairman ng Senate Blue Ribbon Committee na nagsisiyasat sa mga umano’y anomalya sa flood control projects. Ayon kay Lacson, pinag-iisipan niya ang hakbang matapos makarinig ng mga pagkadismaya mula sa ilan sa kanyang mga kasamahan sa Senado kaugnay ng paraan ng kanyang pamumuno sa komite. Ito’y matapos umamin si Senador JV Ejercito na binalak niyang umalis sa Majority Bloc kasunod ng pahayag ni Lacson na halos lahat ng senador sa 19th Congress ay may “insertions” sa 2025 national…
Read MoreMarcos gustong alisin bago siya patalsikin sa Kamara PEOPLE POWER NA – CONGMEOW
NANAWAGAN ng people power si Cavite Rep. Francisco “Kiko” Barzaga para patalsikin si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na aniya’y hindi nagsisilbi sa taumbayan kundi sa pamilya at mga kaalyado lamang nito sa pulitika. “My fellow citizen, President Marcos no longer serve the interest of the Filipino people but rather the interest of his family and his political allies,” saad ng bagitong mambabatas na anak ng yumaong congressman Elpidio “Pidi” Barzaga Jr., sa kanyang social media page. Ayon pa sa mambabatas, sa tatlong taong pamumuno ni Marcos sa bansa, hindi…
Read MoreRigodon sa LTFRB hirit ng transport groups PUV MODERNIZATION WALANG DIREKSYON
UMAPELA ang iba’t ibang transport groups kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na agarang aksyunan ang direksyon ng Public Transport Modernization Program (PTMP) dahil magulo at wala umanong malinaw na patutunguhan ang programa. Ayon kay Pasang Masda National President Roberto “Obet” Martin, duda na sila sa paraan ng pagpapatupad ng gobyerno. “Wala nang direksyon ang tinatakbo ng modernization program. Hindi pa handa ang sektor para ipatupad agad ito,” aniya sa press conference sa Quezon City. Giit ni Martin, dapat magkaroon ng “rigodon” sa hanay ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board…
Read More‘TSISMIS’ GUMUHO SA KATAPATAN NG AFP – GOITIA
NAGPAHAYAG ng buong suporta si Chairman Emeritus Dr. Jose Antonio Goitia sa Armed Forces of the Philippines (AFP) matapos pabulaanan ng militar ang mga kumakalat na tsismis tungkol sa umano’y planong destabilisasyon at kudeta laban sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. “Walang katotohanan ang mga kuwento ng kudeta,” ani Goitia. “Tapat ang AFP sa kanilang sinumpaan sa ilalim ng Konstitusyon, tapat sila sa kanilang Commander-in-Chief, at tapat sila sa sambayanang Pilipino. Walang haka-hakang tsismis na makakasira sa katapatan ng ating mga sundalo.” Kamakailan ay nagbabala ang AFP na hindi…
Read MoreBRIONES SA NILAGDAAN NI MARCOS NA BATAS SA PAGPAPAUNLAD NG ANIMAL INDUSTRY: BAGONG PAG-ASA SA INDUSTRIYA NG AGRIKULTURA
NAGPASALAMAT si AGAP Party-list Rep. Nicanor “Nikki” Briones kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. matapos lagdaan ang Republic Act No. 12308 o Animal Industry Development and Competitiveness Act noong Setyembre 25, 2025. Lubos ang kagalakan ni Briones, isa sa mga pangunahing may-akda at sponsor ng naturang batas, na isinumite pa ng AGAP noong 2022. Ayon sa kongresista, maglalaan ng P20 bilyon hanggang P30 bilyon kada taon sa loob ng 10 taon sa pamamagitan ng Animal Competitiveness Enhancement Fund (AnCEF). Ang pondo ay magmumula sa taripa ng imported na baboy, manok,…
Read MorePNP: HIGIT P245-M DROGA, 7,600 WANTED NAHULI NOONG SETYEMBRE
IPINAGMALAKI ni Acting PNP Chief, PLTGen Jose Melencio C. Nartatez Jr. ang malalaking tagumpay ng kapulisan laban sa kriminalidad at ilegal na droga nitong nakalipas na Setyembre. Ayon kay PNP Spokesperson PBGen Randulf T. Tuaño, nakapagsagawa ang PNP ng 4,624 operasyon mula Setyembre 1 hanggang 30, 2025. Resulta nito, 4,246 drug personalities ang naaresto habang dalawa ang napatay sa engkwentro. Nakumpiska rin ang nasa ₱245.1 milyon halaga ng droga, kabilang ang: 31,416.64 gramo shabu 15,676.42 gramo tuyong dahon ng marijuana 121,740 marijuana plants 3,448.98 gramo kush marijuana 40.02 gramo ecstasy…
Read MoreLACSON NAGPALIWANAG SA LARAWAN KASAMA ANG MGA DISCAYA
NAGLABAS na ng paliwanag si Senate President pro-tempore Ping Lacson kaugnay sa kumakalat na larawan niya na kasama ang mag-asawang contractor na sina Curlee at Sarah Discaya. Sinabi ni Lacson na kuha ang larawan noong huling linggo ng Abril na pagtatapos ng 90-day campaign period para sa 2025 midterm elections. Isinalaysay ng senador na bago ito ay binisita siya sa kanyang opisina sa Taguig ng campaign supporter mula sa Davao City na si Fred Villaroman at kasama nito ang anak ni Discaya. Iniimbitahan anya siya nina Villaroman na dumalo sa…
Read More