P10-B OVERPRICING NG DPWH SA FARM TO MARKET ROADS NASILIP

NASILIP ni Senate Finance Committee Chairman Sherwin Gatchalian ang ilang anomalya sa Department of Agriculture partikular sa mga ginawang farm to market roads ng Department of Public Works and Highways gayundin sa pamamahagi ng benepisyo sa mga magsasaka. Sa pagtalakay sa panukalang 2026 budget ng DA, binusisi ni Gatchalian ang listahan ng farm to market roads ng ahensya na ginawa ng DPWH mula 2023 hanggang 2024 kung saan natukoy ang labis na overpricing. Inilarawan pa ni Gatchalian na extremely overpriced ang ilang mga proyekto dahil nasa P100,000 hanggang P348,000 ang…

Read More

Impeachment draft vs PBBM ipinasilip BARZAGA SA KAMARA: WELCOME TO CROCODILE FARM

(BERNARD TAGUINOD) SA gitna ng lumalaking kawalan ng tiwala sa Mababang Kapulungan dahil sa anomalya sa flood control projects, nagpasabog ng kontrobersyal na pahayag si Cavite Rep. Francisco “Kiko” Barzaga matapos tawagin ang Kongreso na “crocodile farm.” Sa kanyang Facebook Live habang nasa loob ng session hall kamakalawa, kinuhanan ni Barzaga ng video ang paligid at pabirong sinabi: “Welcome back to crocodile farm.” Habang kaunti pa lang ang mga kongresistang naroroon, muling banat ng mambabatas: “Absent na naman ang mga buwaya. Nagbakasyon na, hehehehe.” Bagaman October 14 pa nakatakda ang…

Read More

NAG-POST NG DISINFORMATION SA FACEBOOK IPATATAWAG NG PNP-CIDG

MARIING itinanggi ni Philippine National Police chief, Lt. Gen. Melencio Nartatez ang kumalat na paskil sa Facebook na nagsasaad na hinihikayat ng PNP top cop ang mga pulis, mga sundalo at iba pang uniformed personnel na sumuway sa lawful orders ng Pangulo ng Pilipinas. “These statements are fabricated and malicious, intended to spread confusion and discredit our institution,” pahayag ni Gen. Nartatez. Bunsod nito, ipinag-utos ng heneral na magsagawa ng imbestigasyon sa pinagmulan ng mali at malisyosong impormasyon at isakdal ang mga responsable sa likod nito. Nabatid na inihahanda na…

Read More

LUXURY VEHICLES NG DISCAYA COUPLE IPASUSUBASTA

NAGSUMITE si Bureau of Customs (BOC) Commissioner Ariel Nepomuceno ng mga dokumento sa Independent Commission for Infrastructure (ICI) hinggil sa kanilang isinasagawang pagsisiyasat sa multibillion flood control projects anomaly. Kabilang sa mga isinumiteng dokumento ay may kaugnayan ilang luxury vehicles na pag-aari ng mag-asawang government contractors na sina Pacifico “Curlee” at Sarah Discaya. Nakapaloob sa mga dokumento ang search warrants, certificate of payments, car registration, progress report ng kanilang imbestigasyon at iba pang pertinent papers na maaaring magamit na ebidensiya na posibleng makatulong sa isinasagawang pagsisiyasat. “Ang nais kasi ng…

Read More

100 DAYS QUAKE DRILL IPATUTUPAD SA 896 BARANGAYS SA MAYNILA

OBLIGADONG magsagawa ng sabayang earthquake drill ang 896 barangay ng lungsod ng Maynila matapos itong ipag-utos ni Manila Mayor Isko Moreno-Domagoso sa kanyang ulat sa unang 100 araw sa pwesto na ginanap sa San Andres Sports Complex. Ayon sa alkalde, paghahanda ito sa posibleng pagtama ng malakas na lindol o ang “The Big One”. Sinabi ni Domagoso, layunin ng hakbang na palakasin ang kahandaan at koordinasyon ng bawat barangay sa pagtugon sa mga kalamidad. Partikular na inatasan ni Domagoso ang Manila City Disaster Risk Reduction and Management Office (MCDRRMO) na…

Read More

100% BIRTH REGISTRATION TARGET NG MUNTINLUPA

TINUTUTUKAN ng Pamahalaang Lungsod ng Muntinlupa ang 100% birth registration ng mga batang nasa Early Childhood Care and Development (ECCD) program sa ilalim ng kampanyang “Batang Rehistrado, Kinabukasan Sigurado.” Ayon kay Mayor Ruffy Biazon, layon ng programa na marehistro ang lahat ng batang Muntinlupeño, lalo na yaong walang birth certificate, upang masiguro ang kanilang legal na pagkakakilanlan at karapatan bilang mamamayan. Sa ilalim ng programa, libre ang birth registration at sasagutin ng lungsod ang lahat ng bayarin. Libre rin ang late registration para sa mga batang limang taong gulang pababa…

Read More

GOITIA: PBBM IBINABALIK ANG DANGAL AT DISIPLINA SA PAMAHALAAN

PINURI ni Chairman Emeritus Dr. Jose Antonio Goitia si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa matatag nitong paninindigan laban sa korapsyon at kapabayaan sa gobyerno. Ayon kay Goitia, ang mga hakbang ng Pangulo ay hindi lang reporma kundi pagbabalik ng dangal at moralidad sa pamahalaan. “Simple pero makapangyarihan ang mensahe ng Pangulo — walang dapat masayang na pera, at walang sinuman ang mas mataas sa batas,” ani Goitia. “Iyan ang uri ng pamumuno na may respeto ng taumbayan.” Binigyang-diin ng Pangulo na bawat piso ng badyet ay dapat maramdaman ng…

Read More

SOLON: P113-B ‘INVISIBLE INSERTIONS’ SA 2026 BUDGET

TADTAD pa rin ng “insertions” ang panukalang 2026 General Appropriations Bill (GAB) na nakatakdang pagtibayin sa ikalawang pagbasa ngayong linggo, ngunit itinago umano sa sambayanang Pilipino ang bulto ng dagdag na pondo. Ito ang ibinunyag ni House Deputy Minority Leader at ACT Teachers Party-list Rep. Antonio Tinio sa kanyang turno en contra, matapos niyang matuklasan ang umano’y P113 bilyong “invisible insertions” sa badyet ng Department of Public Works and Highways (DPWH). “Dahil sa tindi ng galit ng mamamayan, napilitang tanggalin ang P255 bilyong locally-funded flood control projects. Pero ang inilihim…

Read More

Hindi naharang ng sibat: REMULLA BAGONG OMBUDSMAN

IT’S FINAL! Itinalaga na ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si Justice Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla bilang bagong Ombudsman ng bansa, kapalit ni Samuel R. Martires na natapos ang termino noong Hulyo. Nauna nang ibinunyag ni Sen. Imee Marcos na si Remulla ang napili ng Pangulo para sa posisyon noong Lunes, Oktubre 6, ngunit pinayuhan ito ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Claire Castro na huwag pangunahan ang anunsyo ng Pangulo. “Tingnan po muna natin. Huwag muna pong pangunahan ang Pangulo. Marami pong pagpipilian, pito po ang nasa shortlist,”…

Read More