MISTULANG pinamumugaran ng mga kontratista sa gobyerno ang kasalukuyang Mababang Kapulungan ng Kongreso dahil sa pagkapanalo ng ilan sa mga ito sa 2025 midterm election. Dahil dito, hindi naiwasang birahin ni Mamamayang Liberal (ML) party-list Rep. Leila de Lima ang paggamit ng mga contractor sa party-list system para maisulong ang kanilang pansariling interes sa Kamara. “Masyado nila bina-bastardize ang party-list,” ani de Lima. Nabatid na sa nagdaang halalan noong Mayo, 19 contractor umano ang nominees ng 16 na party-list group kung saan marami sa mga ito ang nakaupo ngayon sa…
Read MoreCategory: NASYUNAL
PROTEKTOR NI QUIBOLOY DAPAT DING PANAGUTIN
HINDI lamang si Pastor Apollo Quiboloy ang dapat panagutin kundi maging ang kanyang mga protektor kaya ito nakapaghasik ng lagim sa kababaihan sa matagal na panahon. Ito ang iginiit ni dating Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas sa gitna ng umano’y extradition request ng Estados Unidos laban kay Quiboloy dahil sa kinakaharap niyang mabibigat na kaso tulad ng sex trafficking, paglabag sa immigration law, dollar smuggling at iba pa. “Hindi lang si Quiboloy ang dapat managot. Panagutin din ang lahat ng mga backer at protektor niya—kabilang ang mga politikong hinayaan siyang…
Read MorePara seryosohin mga alegasyon MAGALONG DAPAT HUMARAP SA KAMARA
SESERYOSOHIN lang ng Mababang Kapulungan ng Kongreso si Baguio City Rep. Benjamin Magalong kung haharap ito sa Tri-committee at dalhin ang kanyang mga ebidensya na magpapatunay na maraming kongresista ang sangkot sa anomalya sa flood control projects. Samantala, kinumpirma naman ni House committee on public account chairman at Bicol Saro party-list Rep. Terry Ridon na posibleng simulan na ang pormal na imbestigasyon sa anomalya sa flood control projects sa susunod na linggo. “The House will only take him seriously if his allegations on flood control anomalies are placed on the…
Read MoreP20K MED PACKAGE SA PHILHEALTH PINAKUKUBRA SA MGA MIYEMBRO
HINIKAYAT ng isang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang lahat ng miyembro ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na kunin ang dalawampung libong piso na halaga ng gamot. Ginawa ni BH party-list Rep. Robert Nazal ang panawagan sa mga miyembro ng PhilHealth matapos ilunsad ang Guaranteed and Accessible Medications for Outpatient Treatment (Gamot) package. Sa ilalim ng GAMOT package, magkakaroon ng P20,000 kada taon ang lahat ng miyembro ng PhilHealth para pambili ng mga ito ng kanilang gamot kasama na ang maintenance medicines. “We encourage all members to register,…
Read More5 CONTAINERS NG CONDEMNED AGRI PRODUCTS IPINASIRA NG BOC
PARA matiyak na hindi na makararating sa merkado, idineklarang “condemned” ng Bureau of Customs ang limang containers ng forfeited agricultural products na tinatayang nagkakahalaga ng mahigit P35 million, para mapangalagaan ang kalusugan ng publiko. “In adherence to President Ferdinand R. Marcos Jr.’s directive to protect public health from the dangers of illicit goods, the Bureau of Customs (BOC), through the Port of Subic, condemned five containers of smuggled agricultural products through proper disposal by dumping on August 15, 2025,” ayon sa inilabas na ulat ng BOC. Ang nasabat na shipment…
Read More4 CONTRACTORS PINAGPAPALIWANAG SA CAMPAIGN CONTRIBUTIONS
HIHILINGIN ng Commission on Elections (Comelec) sa apat na contractors na ipaliwanag ang kanilang panig sa umano’y ipinagbabawal na campaign contributions, ayon kay Comelec Chairman George Garcia. Ang usapin ay kaugnay sa contractors na isiniwalat ni Pangulong Bongbong Marcos Jr., at mga senador sa maanomalyang flood control projects sa buong bansa. Sinabi ni Garcia, nakatanggap sila ng tip na ang apat na contractor ng gobyerno ay nagbibigay ng campaign contributions sa ilang politiko. Ayon kay Garcia, susulatan nila ang mga contractor na ito upang magpaliwanag. Samantala, binanggit ni Garcia na…
Read MoreSa sexual harassment sa PNPA cadet POLICE MAJOR SINAMPAHAN NG ADMINISTRATIVE CASE
OPISYAL nang sinampahan ng kasong administratibo ang isang police major kaugnay sa umano’y sexual harassment sa isang kadete ng Philippine National Police Academy (PNPA). Ayon sa National Police Commission (Napolcom), binuksan nito ang imbestigasyon sa naturang kaso. Nabatid na nitong Biyernes ay sinampahan ng reklamo ng Inspection, Monitoring and Investigation Service (IMIS) ng NAPOLCOM ang police major sa ilalim ng Legal Affairs Service ng ahensya para sa grave misconduct at conduct unbecoming of a police officer. Sinasabing ang kinasuhang police major na isang tactical officer sa Philippine National Police Academy…
Read MoreMAG-AMANG BINAY ABSWELTO SA P2.2-B MAKATI PARKING BUILDING
INABSWELTO ng Sandiganbayan ang mag-amang dating Vice President Jejomar Binay at dating Makati Mayor Junjun Binay kaugnay ng mga kasong graft, falsification of public documents, at malversation of public funds hinggil sa kontrobersyal na P2.2 bilyong Makati City Parking Building project. Base sa inilabas na desisyon ng Third Division ng anti-graft court, walang sapat na ebidensya ang prosekusyon para patunayan ang kasalanan ng mga akusado “beyond reasonable doubt.” Bukod sa pinawalang-sala, na-lift na rin at kasama sa desisyon ang pag-alis ng Hold Departure Order (HDO) laban sa mga Binay at…
Read MoreNais ipatawag sa Senado COA KASABWAT SA ANOMALYA SA FLOOD CONTROL PROJECTS?
DAPAT ipatawag din sa susunod na pagdinig kaugnay sa mga katiwalian sa flood control projects ang mga opisyal ng Commission on Audit. Ito ang iginiit ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada sa paniniwalang hindi uusbong ang isang “ghost project” kung walang kooperasyon ng COA. Nauna rito, sa privilege speech ni Senador Panfilo Ping Lacson, ibinahagi ang isang pie-sharing, o kung paano kinakatay ang pondo para sa flood control projects na ang 0.5 to 1% ang napupunta sa COA. Iginiit ni Estrada na dapat may ulong gumulong o may managot…
Read More