PAGTUPAD NG FPJ PANDAY BAYANIHAN SA PANGAKO TINIYAK NI POE

KASAMA sa mga iprinoklama ng Comelec kahapon ang FPJ Panday Bayanihan Party-list na nakakuha ng 538,003 boto sa katatapos na midterm elections. Ang first nominee na si Brian Poe Llamanzares ang uupo sa Kongreso sa darating na 20th Congress. Sinamahan si Brian ng inang si Senator Grace Poe sa proklamasyon ng party-list. Matapos ito ay nagbigay ng mensahe ang senadora para pasalamatan ang mga nagtiwala sa anak na si Brian. “Maraming salamat sa Panginoon, at sa tiwala ng ating mga kababayan. Makakaasa kayo na magsisikap ang aking anak para sa…

Read More

MAY REKLAMO SA APPOINTEES NI MARCOS PINALALANTAD

HINIKAYAT ng isang miyembro ng makapangyarihang Commission on Appointment (CA) ang sinoman na tutol sa appointees ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na lumantad na at ihain ang kanilang reklamo sa nasabing komisyon. Ginawa ni CA Assistant Minority Leader at Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel dahil nakatakdang isalang ang appointment ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Vivencio “Vince” Dizon II sa June 3. “The public is encouraged to submit to the CA secretariat any information, written reports, or sworn/notarized complaints regarding the appointees,” pahayag ni Pimentel. Si Dizon ay…

Read More

ROMUALDEZ BABANGGAIN NI BENITEZ SA SPEAKERSHIP?

HINDI magiging madali kay Tacloban CITY representative Martin Romualdez na makuha muli ang Speakership sa Mababang Kapulungan ng Kongreso dahil magkakaroon umano ito ng kalaban sa nasabing posisyon. Sa kondisyong huwag pangalanan kapalit ang impormasyong ito, sinabi ng isang mapagkakatiwalaang impormante sa Kamara de Representante na posibleng lalabanan ni Bacolod City congressman Albee Benitez si Romualdez sa pagiging Speaker of the House. “Isa siya (Benitez) sa matunog na tumakbong Speaker sa 20th Congress,” pahayag ng impormante. Si Romualdez ang kasalukuyang lider ng 19th Congress na ang termino ay nakatakdang magtapos…

Read More

Tiangco pumiyok IMPEACHMENT NI VP SARA ‘NAGPABAGSAK’ SA ALYANSA

HINDI ang pagsuko ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., kay dating pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC) ang dahilan kung bakit nabigo ang Alyansa kundi ang pagpapa-impeach kay Vice President Sara Duterte. Ito ang pagtaya ng campaign manager ng Alyansa na si Navotas Rep. Toby Tiangco kaya limang senatorial candidate lamang ang naipanalo nila at bigong makaporma sa Mindanao na balwarte ng mga Duterte. “Kung hindi natin ginawa ‘yun (Impeachment) hindi ganito kasama (ang resulta ng halalan),” paliwanag ni Tiangco. Ayon kay Tiangco, maaaring isipin ng…

Read More

IMPEACHMENT TRIAL KAY VP SARA ‘DI MAGIGING CIRCUS – CHIZ

TIWALA si Senate President Francis Chiz Escudero na hindi magiging circus ang mangyayaring impeachment trial sa pagpasok ng mga bagong halal na senador. Sa Kapihan sa Senado, sinabi ni Escudero na batay sa mga inisyal na resulta ng halalan, lima sa mga nanalong senador ay reelectionist, apat ang mga dating senador at tatlo ang mga kongresista. Sinabi ni Escudero na mga beterano at batikan na sa mga legislation ang mga ito kaya’t alam na rin ang parliamentary rules kaya’t inaasahan niyang magiging maayos ang proseso. Kasabay nito, sinabi ng Senate…

Read More

PAGBABA NG PRESYO NG BILIHIN PINATUTUTUKAN SA MARCOS ADMIN

IGINIIT ni Senador Sherwin Gatchalian sa pamahalaan na dapat nang tutukan ang pagpapatupad ng mga hakbangin para maibaba ang presyo ng mga pangunahing bilihin sa bansa, matapos maging abala sa halalan. Sinabi ni Gatchalian, ngayong humupa na ang election fever, marami sa mahihirap na komunidad ang umaasa sa pagpapatuloy ng proyektong P20 kada kilo na bentahan ng bigas. Binigyang-diin ng senador na hindi lang dapat presyo ng bigas ang maibaba kundi dapat ay sunod ding tiyakin ng gobyerno ang abot-kayang presyo ng basic goods para sa kaginhawaan ng mahihirap na…

Read More

SOLONS NA NANGGISA KAY VP SARA LAGLAG

MISTULANG minalas ang ilang kilalang miyembro ng Mababang Kapulungan ng Kongreso na gumisa kay Vice President Sara Duterte matapos mabigo ang mga ito na muling mahalal sa kanilang tinakbuhang posisyon sa nakaraang eleksyon. Nabigo sina Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas at ACT-Teacher party-list Rep. France Castro sa kanilang senatorial bid matapos pumuwesto sa ika-33 at ika-40, ayon sa pagkakasunod, base sa partial at unofficial result sa senatorial race. Bigo rin si Manila Rep. Bienvenido Abante Jr., na makabalik sa 20th Congress na magsisimula sa June 30, 2025 matapos talunin ni…

Read More

PHOTOCOPY O E-DOCUMENTS TATANGGAPING EBIDENSYA – SC

NILINAW ngayon ng Supreme Court na ang duplicate o photocopy ng original documents, maging ito man ay papel o electronic ay pwedeng tanggapin sa korte bilang ebidensya. Gayunman, kailangan na walang pag-aalinlangan o pagdududa sa original authenticity nito. Batay sa Supreme Court decision na pinonente o isinulat mismo ni Chief Justice Alexander Gesmundo ay pinagtibay ng First Division ang conviction ni Ybo Lastimosa sa kasong murder o pagpatay kay Ildefonso Vega, Jr. kung saan ginamit ang photocopy ng death certificate ni Vega bilang pangunahing ebidensya. Nabatid sa isinagawang pagdinig sa…

Read More

DA TINABLA NG RETAILERS SA SRP NG PORK PRODUCTS

BABAWIIN na lang ng Department of Agriculture (DA) ang maximum suggested retail price (MSRP) policy para sa pork products na nabibili sa wet markets dahil sa mababang pagsunod ng retailers. Sinabi ni DA Undersecretary for Livestock Constante Palabrica na ang pagbawi sa MSRP para sa baboy ay iaanunsyo sa loob ng 24 oras. “It will be lifted, while we are studying on how we can implement the MSRP [better],” ang sinabi ni Palabrica sa isang panayam. Ang hakbang ay “one step backward, two steps forward strategy” habang ang MSRP sa…

Read More