DPWH IDINIIN SA GHOST PROJECT SA BULACAN

HINDI bunga ng insertions ng dalawang kapulungan ng Kongreso ang flood control projects na natuklasan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na ghost projects kundi proyekto ito ng Department of Public Works and Highways (DPWH). Ito ang lumalabas matapos balikan ni House committee on public accounts chairman at Bicol Saro party-list Rep. Terry Ridon ang 2025 National Expenditure Program (NEP) upang malaman kung sino ang nagpanukala ng nasabing proyekto sa Brgy. Piel, Baliuag, Bulacan. “Reinforced Concrete Riverwall Project implemented by DPWH Bulacan First Engineering District and Syms Construction Trading, and…

Read More

Sa pagsibak kay Torre HIDWAAN SA LOOB NG ADMIN NI MARCOS JR. LUMALALIM

(BERNARD TAGUINOD) INDIKASYON na palalim nang palamin ang hidwaan sa loob ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang biglaang pagsibak kay Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Nicolas Torre III. Ganito inilarawan ni House deputy minority leader at ACT Teacher party-list Rep. Antonio Tinio ang pagsibak kahapon ng Malacanang kay Torre na 85 araw pa lamang naninilbihan bilang hepe ng pambansang pulisya. “Ang patuloy na rigodon at awayan sa loob ng PNP ay nagpapatunay sa lumalalim na hidwaan sa administrasyong Marcos. Magkakaibang mga grupo ang nag-aagawan ng kapangyarihan…

Read More

Kung hindi tutuga si Zaldy Co – Tiangco TRANSPARENCY SA BUDGET LOKOHAN LANG

HINDI magiging makatotohanan ang sinasabing pagbabago at pagkakaroon ng transparency sa pambansang pondo kung hindi ilalahad ni dating House appropriations chairman at Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co ang ginawang pagbabago ng small committee sa 2025 national budget. Kahapon ay muling hinamon ni Navotas Rep. Toby Tiangco si Co na isapubliko ang amendment na ginawa nito at tatlo pang kasama sa small committee dahil walang naipresentang dokumento ang kasalukuyang chairperson ng nasabing komite na si Nueva Ecija Rep. Mikael Suansing. “Walang napadalang report ang Committee Secretariat, kaya ibig sabihin, wala.…

Read More

Ipinoporma ng lawyers’ group’CLASS SUIT’ VS GOV’TOFFICIALS, CONTRACTORSSA FC ANOMALIES

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) KAILANGANG mapanagot, kontraktor man o opisyal ng pamahalaan sa pinsalang dulot sa mga motorista at mananakay ng anomalya sa flood control projects. Ito ang binigyang-diin ng Lawyers and Commuters Safety and Protection (LCSP) kaugnay ng kontrobersyal at maanomalyang mga proyekto na sinisisi sa matinding pagbaha sa maraming lugar sa bansa. Sa kanilang Facebook page, sinabi ng grupo na dama ng mga motorista at commuters ang epekto ng malawakang korupsyon. Habang kumikita anila ang mga tiwaling opisyal at kontraktor ay perwisyo naman ang kapalit sa mga mananakay…

Read More

PBBM SA KORUPSYON: NEW ENEMY OF FREEDOM

GINAMIT ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang paggunita sa National Heroes’ Day upang manawagan laban sa korupsyon. Idineklara ng Pangulo na ang anomalya at pang-aabuso sa kapangyarihan ay ‘modern-day threats” na nagnanakaw sa kalusugan, pangarap at kinabukasan ng susunod na henerasyon ng Pilipino. “Hindi lamang salapi ang kanilang ninanakaw, kundi pati ang kalusugan, pangarap, at kinabukasan ng mga susunod na henerasyon na Pilipino,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa kanyang talumpati sa Libingan ng mga Bayani. Ani Pangulong Marcos, ang pagkilala sa sakripisyo ng mga ‘bayani ng bansa’ ay…

Read More

Para mabantayan pera ng bayan SOLON HUMIRIT NG BUDGET TRANSPARENCY SERVER

UPANG mapadali ang pagsubaybay kung saan dinadala at papaano ginagamit ang national budget, iginiit ng isang mambabatas na magbukas ang gobyerno ng ‘budget transparency server’. Ginawa ni Mamamayang Liberal (ML) party-list Rep. Leila de Lima ang panawagan dahil ito umano ang nais ng civil society organizations (CSOs) na inimbitahan ng Kongreso bilang mga observer sa deliberasyon ng 2026 national budget na nagkakahalaga ng P6.793 trillion. “Pera ito ng taumbayan kaya dapat lang naman na alam nila kung anong nangyayari—kung saang serbisyo ito planong gamitin o ilipat, lalong-lalo na para maprotektahan…

Read More

SOLON SA DOJ: MAGHANAP NA NG WITNESS SA FLOOD CONTROL SCAM

NGAYON pa lamang ay dapat simulan na ng Department of Justice (DOJ) ang paghahanap ng mga witness sa mga gumahasa umano sa pondo ng bayan sa pamamagitan ng flood control at iba pang proyekto ng gobyerno. Ginawa ni Bacolod Rep. Albee Benitez ang panawagan sa DOJ dahil darating ang araw na sila ang magsasampa ng kaso laban sa mga nagnakaw sa pondo ng mga proyektong ito na sentro ngayon ng imbestigasyon ng Office of the President at Kongreso. “The Department of Justice must not wait for witnesses to step forward…

Read More

PBBM kontra korupsyon sinopla ng solon “ISOLI MO MUNA ILL-GOTTEN WEALTH NG PAMILYA MO”

“HUWAG feeling hero masyado. Tumingin siya sa salamin”. Ganito binasag ni Kabataan party-list Rep. Rene Co ang talumpati ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa Libingan ng mga Bayani kasabay ng paggunita sa National Heroes’ Day kahapon kaugnay ng panawagan nito na paigtingin ang kampanya laban sa katiwalian. “Ninakaw ng kanilang pamilya ang kinabukasan ng libo-libong pinatay sa ilalim ng batas militar at ng sumunod pang mga henerasyon na nilubog sa utang at kahirapan dahil sa diktadurang Marcos. Simulan niya muna ang mga pangako niya sa pagsoli ng kanilang ninakaw,”…

Read More

INTERNET ACCESS SA BANSA PAIIGTINGIN NG KONEKTADONG PINOY LAW NA PINAMUNUAN NI CAYETANO

MALUGOD na tinanggap ni Senador Alan Peter Cayetano ang pagsasabatas ng Konektadong Pinoy Act, isang makasaysayang hakbang na magtitiyak na maaasahan, abot-kaya, at accessible ang internet sa buong Pilipinas. Sa isang pahayag na inilabas nitong Linggo kung kailan nag-lapse into law ang batas na ito, binigyang-diin ni Cayetano ang papel ng Konektadong Pinoy sa modernisasyon ng digital infrastructure ng bansa. “We welcome this law that modernizes our digital infrastructure, ensuring that all Filipinos have access to, and the use of, affordable, quality, and up-to-date information and communication technologies,” pahayag ni…

Read More