Marcos Jr. pinagdududahan ‘COVER-UP’ SA IMBESTIGASYON SA PRIMEWATER NG MGA VILLAR

NAGDUDUDA na ang isang militanteng mambabatas sa hindi pa pagsasapubliko ng Malacanang sa resulta ng imbestigasyon ng Local Water Utilities Administration (LWUA) sa PrimeWater ng mga Villar. “Bakit hindi muna agad ilabas ang resulta ng imbestigasyon sa PrimeWater? May tinatago bang corruption scandal? Baka tulad ng nakaraang eleksyon may hokus pokus uli si Marcos Jr. sa resulta,” ani Kabataan party-list Rep. Renee Co. Halos dalawang linggo na ang nakalipas nang isumite ng LWUA ang resulta ng kanilang imbestigasyon sa PrimeWater na inirereklamo dahil bukod sa mahal maningil ay hindi maayos…

Read More

Bilang ng nagugutom tuloy sa pagtaas MAHAL NA PAGKAIN PINAIIMBESTIGAHAN

NAGHAIN si Senador Kiko Pangilinan ng resolusyon na nananawagan sa Senado na busisiin ang patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing produkto partikular ang pagkain. Layon nito na bumalangkas ng mga hakbangin upang mapalakas ang food security at masolusyunan ang food inflation. Nakasaad sa resolusyon na sa mga nakalipas na buwan ay patuloy ang pagtaas ng presyo ng bigas, gulay, karne, isda at iba pang agricultural products kaya’t marami sa pamilyang Pilipino ang hindi nakakayanang bumili ng masusustansyang pagkain. Nais ni Pangilinan na marebisa kung epektibo pa ang iba’t…

Read More

PCG: NAIAHONG SAKO SA TAAL LAKE MAY PABIGAT NA BATO, BUHANGIN

MISTULANG tumutugma sa pahayag ng missing sabungero whistleblower na si Julie “Dondon” Patidongan, alyas Totoy na ang mga hinahanap na bangkay ng mga nawawalang sabungero sa Taal Lake ay nilagyan ng buhangin o bato bilang pabigat upang hindi lumutang base sa narekober na ilang sako ng coast guard. Sa isang pulong balitaan, inihayag ni Commodore Geronimo Tuvilla, commander ng PCG Southern Tagalog District, na may mga sako silang nakuha sa ilalim ng lawa ang may nakasilid na mga bato. “Itong nakuha natin may sort of sinker, may pabigat,” ani Tuvilla.…

Read More

LACSON SA MGA KASAMANG SENATOR-JUDGE: HINAY-HINAY LANG

TRABAHO ng prosekusyon at depensa – at hindi ng mga senator-judge – ang paghahain ng mga mosyon at pleading na may kinalaman sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Ito ang paalala ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson sa kanyang kapwa senator-judge, na ang trabaho ay makinig sa prosekusyon at depensa, at gumawa ng desisyon base sa argumento nila. “VP Impeachment Jurisdiction: A gentle caution to senator-judges of the impeachment court – we should leave the filing of all motions and pleadings to the prosecution and defense teams. Our job…

Read More

Goal ng Kamara PINOY PAGKAISAHIN SA USAPIN NG WPS

LALABANAN ng mga kongresista ang mga kasinungalingang ipinakakalat ng China hinggil sa usapin sa West Philippine Sea (WPS) upang mapag-isa ang lahat ng Pilipino na ipaglaban ang karapatan ng bansa sa nasabing karagatan. Ginawa ng Young Guns ng Kamara ang pahayag matapos sabihin ni Foreign Ministry spokesperson ng China Lin Jian na ang arbitral ruling ng United Nation Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) ay “piece of waste paper” kaya ito ay “llegal, null and void at non-binding”. “Lies about our seas divide us. We’re working to share…

Read More

KULONG ‘DI SAPAT SA P1-B LAPTOP SCANDAL

BUKOD sa dapat pagdusahan sa kulungan ang kanilang kasalanan, kailangang ipabalik sa mga akusado sa ‘laptop scandal’ noong nakaraang administrasyon ang halos isang bilyong piso na nawala sa sambayanang Pilipino. Ito ang iginiit ni ACT Teacher party-list Rep. Antonio Tinio matapos iutos ng Office of the Ombudsman ang pagsasampa ng kasong katiwalian at falsification of public documents laban kina dating Education Secretary Leonor Briones, dating Department of Budget and Management (DBM) Undersecretary Lloyd Christopher Lao at 12 pa. “We demand that all those responsible for this massive corruption be held…

Read More

SENADO, KAMARA PINAGSUSUMITE NG DOKUMENTO NG SC KAUGNAY SA IMPEACHMENT COMPLAINT VS VP DUTERTE

IPINAG-UTOS ng Supreme Court En Banc sa Senado at House of Representatives na magsumite ng mga dokumento at sinumpaang impormasyon para makatulong sa pagresolba ng mga petisyon laban sa impeachment complaint na isinampa laban kay Vice President Sara Duterte. Kabilang sa hinihingi ng korte ang status ng unang tatlong reklamong impeachment na isinampa ng private citizens. Ang eksaktong petsa kung kailan inendorso sa Kongreso ang mga reklamong ito. Kung may kapangyarihan ba ang Secretary General ng Kamara na magdesisyon kung kailan ipapasa sa Speaker ang isang na-endorso nang impeachment complaint.…

Read More

TRUST RATING NI MARCOS: 19%

BAGAMAN nagkaroon ng bahagyang pag-angat, 19% lang ang lumitaw na trust rating ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ayon sa resulta ng PAHAYAG Q2-2025 nationwide survey ng PUBLiCUS Asia Inc. Mas mataas ito sa 14% rating ng Pangulo noong unang quarter ng taon. Maging si Vice President Sara Duterte ay bumaba sa 36% mula sa 42% ang approval rating habang ang trust ay naging 33% mula sa 35%. Naitala ang pagbaba sa sa Northern/Central Luzon at Mindanao. Samantala, ipagpapatuloy ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagtatrabaho nang mabuti para sa…

Read More

Bago humingi ng mataas na pondo OVP PATUNAYAN MUNA NA INOSENTE SA PAGLUSTAY SA PONDO – SOLON

HINAMON ng isang bagitong mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso si Vice President Sara Duterte na patunayan muna na mali ang alegasyon sa kanya na paglustay sa kanyang confidential funds bago humingi ng mas mataas na pondo. Ginawa ni Kabataan party-list Rep. Renee Co ang hamon matapos humirit ng P903 million pondo sa 2026 ang Office of the Vice President (OVP) na mas mataas ng P170 million kumpara sa P733 million na pondo ng mga ito ngayong 2025. “We want accountability, not just delicadeza. Confidential or not, hindi natin kayang…

Read More