ERWIN TULFO HANDANG MAKIPAGTRABAHO SA LAHAT

SA pagtatapos ng bilangan ng mga nanalo sa Halalan 2025, ipinahayag ni Erwin Tulfo, isa sa mga inaasahang panalo sa Senado, ang kanyang kagustuhan na makipagkaisa sa mga kasalukuyang senador at mga kapwa niya senator-elect, saanman sila nanggaling. Sa isang pahayag, sinabi ni Tulfo, “Pagod na ang mga Pilipino sa mga away-pulitika. Ang dapat na makita nila ay yung nagkakaisang mga senador, mga lingkod-bayan. Kaya iyan ang una kong gagawin kapag ako ay maupo sa Senado: kausapin ang bawat hanay.” Sabi pa niya, “Uupo tayo kasama ang Senate President, ang…

Read More

ELEKSYON 2025: ABERYA, RAMBOL, KARAHASAN

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) KATULAD sa mga naunang halalan, hindi pa rin naiwasan ang aberya kahapon sa mga presinto kung saan nagaganap ang botohan. Bukod dito, nagkaroon din ng ilang kaguluhan at pamamaril na kumitil ng ilang buhay. Ayon sa Department of Education (DepEd) Election Command Center, nakatanggap ito ng kabuuang 160 ulat mula sa iba’t ibang field offices hanggang 1:30 ng hapon ng Lunes. Karamihan sa mga ulat ay may kaugnayan sa mga problema sa Automated Counting Machine (ACM), nawawalang pangalan sa listahan ng mga botante, at mga isyung…

Read More

VP SARA HANDA SA RESULTA NG IMPEACHMENT TRIAL

NAKAHANDA si Vice President Sara Duterte anoman ang maging hatol ng Senate impeachment trial, na pansamantalang itinakda sa Hulyo. Matatandaang sinampahan ng impeachment complaint si VP Sara noong Pebrero ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa gitna ng lumalaking hidwaan sa pagitan ng pamilya Duterte, pamilyang Marcos at mga dati niyang kaalyado. Matapos bumoto kahapon, sinabi ni VP Sara sa isang ambush interview na handa siya sa anomang kalalabasan ng impeachment trial sa Senado na magdedetermina ng kanyang ‘political future.’ Bukod sa maalis sa tanggapan, isang guilty verdict ng senator-judges ang…

Read More

Sa naharang na P441-M cash sa Mactan airport VOTE BUYING, MONEY LAUNDERING SINISILIP

MAY hinala ang mga awtoridad kabilang ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na ang P441 million cash na naharang mula sa 11 suspects sa Mactan-Cebu International Airport nito lamang weekend ay posibleng bahagi ng election-related illegal activities, kabilang na ang vote-buying at money laundering. “The involvement of multiple foreign nationals strongly suggests the alarming possibility of foreign interference in our sovereign electoral process,” ang sinabi ng AFP. Tiniyak ng AFP sa mga Pinoy ang kanilang commitment na pangalagaan ang integridad ng democratic institutions at ito’y nakahanda para magbigay ng…

Read More

MANNY VILLAR SUMALI SA LAS PIÑAS NA NAGHAYAG NG ALL-OUT SUPPORT KAY CAMILLE

ANG chairman ng Nacionalista Party na si dating Senate President Manny Villar, kasama ang kandidato sa Kongreso, at outgoing Sen. Cynthia Villar, ay nagbigay ng buong suporta sa kanilang anak na si Camille, na tumatakbo sa pagka-senador sa darating na Mayo 12 na botohan. Sa pagtatapos ng 90-araw na panahon ng kampanya, si Camille Villar ay nakakuha ng suporta mula sa kanyang pamilya at sa kanyang kapwa Las Piñeros. “Si Camille, sa anomang aspeto, hindi tayo mapapahiya dito. Nag-congresswoman, Deputy Speaker kaagad. Sa talino, wala tayong masasabi. Sa mga nagawa,…

Read More

Manila buong suporta sa ATeacher RODRIGUEZ NAGPASALAMAT SA TULONG NG MGA BARANGAY CHAIRMAN

NAGSAGAWA ang ATEACHER partylist ng isang makulay at masiglang motorcade sa Lungsod Ng Maynila upang ihatid mismo ang mga programang ikabubuti ng sambayanang Pilipino. Buong suporta rin ang inihayag ng halos lahat ng mga barangay chairman at lokal na opisyal para sa nominadong si Virginia Rodriguez sa darating na May 12 National and Local elections. Ang Ateacher na nangunguna ngayon sa poll surveys ay umiikot sa iba’t ibang siyudad sa bansa upang personal na ihatid sa mamamayan ang mga programang tunay na nakatutulong sa bawat Pilipino na hindi humihingi ng…

Read More

SUPORTA SA MITING DE AVANCE NG TATAK NENE AGUILAR TEAM, BUMUHOS

DINUMOG ng libu-libong Las Pin̈eros ang miting de avance ng Tatak Nene Aguilar Team sa loob at labas ng Aguilar Sports Complex sa Barangay Pilar, Las Pin̈as City nitong Biyernes, Mayo 9, 2025. Apat na araw bago ang halalan sa Mayo 12, patuloy ang matibay na tiwala at suporta ng mamamayan ng Las Pin̈as para sa buong Team Aguilar o Green Team sa pangunguna nina Mayor April Aguilar, Vice Mayor Imelda “Mel” Aguilar, at Congressman Mark Anthony Santos kasama ang District 1 Councilors na sina Alelee Aguilar, Atty. Zardi Abellera,…

Read More

HIGIT 400 REKLAMO NG VOTE BUYING AT ASR NATANGGAP NG COMELEC

votebuying14

MAHIGIT 400 reklamo ng vote buying at abuse of state resources (ASR) ang iniulat bago ang May 12 midterm elections, ayon sa Commission on Elections (Comelec). Sinabi ni Comelec-Committee on Kontra-Bigay chairperson Commissioner Ernesto Maceda sa “Meet The Manila Press” nitong Martes, kabuuang 439 vote buying at ASR ang inihain hanggang noong Mayo 8. Sa nasabing bilang, 268 ang vote buying, 139 ang ASR, at 41 ang vote buying at ASR. Ayon sa komisyuner, karamihan sa uri ng vote buying na ini-report ay pamamahagi ng pera, cash assistance at pamamahagi…

Read More

HARASSMENT NG CHINA SA PHIL. NAVY SHIP, INAASAHAN NA – DFA

HINDI umano nababahala ang Department of National Defense sa naganap na panibagong pangha-harass ng China nang dikitan at harangan ng China People’s Liberation Army Navy ships ang nagpapatrolyang Philippine Navy ship sa bisinidad ng Bajo de Masinloc, 11 nautical miles ng Masinloc, Zambales. Hindi na ito naka-aalarma, ayon kay Defense Secretary Gilberto “Gibo” Teodoro sa isang chance interview matapos ang ginanap na Closing Ceremony para sa Balikatan 40-2025 iteration sa Camp Aguinaldo, Quezon City. “I’m not alarmed and I’m not surprised. Sinasabi ko na matagal na pakikibaka ito, pahayag ng…

Read More