NAGLAAN ng kalahating milyon ang Pamahalaang Panlalawigan ng Aklan at ang lokal na Pamahalaan ng Kalibo sa kinaroroonan ng suspek sa pamamamril sa beteranong mamamahayag na si Johnny Dayang sa Villa Salvacion, Brgy. Andagao, Kalibo noong Abril, 29 taong kasalukuyan. Sa ulat na nakarating sa Kampo Crame, sinabi ni Aklan Police Provincial Office (APPO) spokesperson Police Captain Audrey, sa backtracking ng Special Investigation Task Group (SITG) ay nakilala na ang suspek. Lahat na posibleng dinaanan ng suspek ay ni-review ng SITG ang CCTV footage hanggang sa nakita ito na hindi…
Read MoreCategory: NASYUNAL
4,125 PDLs KWALIPIKADONG BUMOTO SA LUNES
INUTUSAN ni Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Catapang Jr. ang mga superintendent ng mga piitan at penal farms na tiyakin ang maayos at mapayapang halalan sa Mayo 12. Ayon sa BuCor, 4,125 persons deprived of liberty (PDL) mula sa iba’t ibang piitan ang kwalipikadong bumoto. Kabilang dito ang mga nakakulong sa New Bilibid Prison, Davao Prison, Leyte Regional Prison, at iba pa. Sinabi ni Catapang na noong Disyembre, nagkaroon ng kasunduan ang BuCor, COMELEC, PAO, at BJMP para magpatupad ng inklusibong pagboto para sa mga PDLs sa mga…
Read MoreVP SARA PINABABASURA SA DOJ KASO LABAN SA KANYA
NAGSUMITE na ng counter affidavit si Vice President Sara Duterte sa Department of Justice kaugnay ng kasong inciting to Sedition at Grave Threats na may kaugnayan sa Cybercrime Prevention Act of 2012 na isinampa ng National Bureau of Investigation. Ito ay matapos sabihin ni VP Duterte na may kinausap na siyang tao para patayin si Pangulong Ferdinand Marcos Jr, First Lady Liza Araneta-Marcos at House Speaker Martin Romualdez kapag pinatay na siya. Ayon kay Paul Lim, isa sa legal counsel ng Pangalawang Pangulo, laman ng counter affidavit ni VP Duterte…
Read MoreIMPEACHMENT CASE VS BBM NAISAMPA NA
PORMAL nang naisampa ang impeachment complaint laban kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Eksaktong alas-singko ng hapon ng Huwebes nang personal na tanggapin ni House Secretary General Reginald Velasco ang verified complaint nina dating National Youth Commission (NYC) chairman Ronald Cardema at dating Duterte Youth party-list Rep. Marie Cardema. Tulad ng inaasahan, inendorso ni Duterte Youth party-list Rep. Drixie Mae Cardema ang impeachment complaint na kauna-unahan mula nang maging Pangulo si Marcos. May kaugnayan ang kasong betrayal of public trust na nilalaman ng impeachment complaint sa pagpayag umano ni Marcos…
Read MorePAG-DQ NG COMELEC KAY SIA WAKE UP CALL SA MGA ‘BASTOS’
IKINAGALAK ng grupong Gabriela ang desisyon ng Commission on Elections (Comelec) na idiskwalipika si Pasig City congressional candidate Atty. Christian Sia na maituturing umanong inisyal na tagumpay ng kababaihan. “This ruling must serve as a wake-up call to the entire political establishment: misogyny is not just unbecoming of public servants—it is despicable and dangerous, and must be treated as such,” ayon sa grupong pinamumunuan ni Representative Arlene Brosas. Magugunita na kinuyog ng mga netizen si Sia matapos nitong sabihin sa isa sa kanyang sortie na puwedeng sumiping sa kanya ang…
Read MoreTarget: Zero violence FULL DEPLOYMENT NG PNP ARANGKADA NA
UMARANGKADA na ang full deployment ng mga tauhan ng Philippine National Police sa buong bansa bilang bahagi ng paghahanda para sa ligtas, tapat, at mapayapang halalan. Target ng PNP, base na rin sa kautusan ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr., ang “zero violence”. Ayon kay PNP chief, General Rommel Francisco Marbil, aabot sa 163,000 na mga pulis ang ipakakalat upang bantayan ang mga polling precinct, mahalagang pasilidad, at iba pang lugar na may kaugnayan sa eleksyon. Una rito, inilagay ng PNP sa full alert status ang buong pwersa ng pulisya…
Read MoreHIGH SCHOOL AT SENIOR HIGH SCHOOL GRADS PWEDENG MAGTRABAHO SA GOBYERNO
MAAARI nang magtrabaho sa gobyerno ang mga high school at senior high school graduate matapos amyendahan ng Civil Service Commission (CSC) ang educational requirements para sa mga first level position sa government services. Sa ilalim ng CSC Resolution No. 2500229 na pinagtibay noong Marso 5, 2025 at kahapon lamang isinapubliko, maaari nang magtrabaho sa anumang ahensya ng gobyerno ang mga high school at senior high school student na nagtapos noong 2026. “The revisions now formally recognize Junior High School (Grade 10) and Senior High School (Grade 12) graduates under the…
Read MoreVIC RODRIGUEZ, 9 PANG SENATORIAL BETS INENDORSO NG MUSLIM COMMUNITY
INENDORSO si Maisug senatorial candidate Atty. Vic Rodriguez at siyam pa na tumatakbong senador ng 1 Bangsamoro Movement at iba’t ibang samahan ng mga Muslim para suportahan ngayon darating na May 12 elections. Sa ginanap na press conference sa Kamuning Bakery Cafe sa Quezon City, pinangalanan ni 1 Bangsamoro Movement president Alan Balangi si Atty. Rodriguez na kanilang todong susuportahan bunsod ng pagtuon nito sa pag-angat sa kapakanan ng mga Muslim. Bukod kay Rodriguez kabilang sa siyam na senatorial aspirants na kanilang inendorso ang kapwa Muslim na sina Subair Mustapha,…
Read MoreSolon sa DOTr: BULOK ANG SISTEMA DAHIL MAY ADIK SA PERA
“BULOK ang sistema dahil may adik sa pera – mula sa mga fixer, mangongotong, abusadong kumpanya at malalaking contractor”. Ganito inilarawan ng grupo ni Congressman Raoul Manuel ang sitwasyon sa Department of Transportation (DOTr) kaya imbes mapangalagaan ang kaligtasan ng mga tao ay nalalagay ang mga ito sa panganib. Inihalimbawa ng mga ito ang nangyaring trahedya sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 kung saan hindi naproteksyunan ng safety bollards ang mga tao kaya nang araruhin ito ng SUV kamakailan ay namatay ang isang 5-anyos na bata at isa…
Read More