4TH IMPEACHMENT COMPLAINT VS VP SARA IHAHAIN NGAYON

IHAHAIN ngayong araw sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang ikaapat na impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte. Ito ang kinumpirma ni House deputy minority leader France Castro kung saan 10 hanggang labing dalawang congressmen na karamihan ay mula sa majority bloc ang mag-eendorso. “Bukas daw yata ihahain (ang ika-apat na impeachment complaint) kaya lang wala pa kaming idea kung anong sector ito at ineendorso daw ng 10 to 12 congressmen and congresswomen sa majority at minority bloc,” ani Castro. Ang unang tatlong impeachment complaint ay inihain noong December…

Read More

P2.8-B INFRA PROJECTS NAKATIWANGWANG

UMAABOT sa P2.83 bilyon ng 2023 Health Facilities Enhancement Program (HFEP) budget ng gobyerno ang naantala o hindi naipatupad, ayon sa Commission on Audit (COA). Sa annual audit report nito para sa Department of Health para sa taong 2023, sinabi ng COA na sa P2.8 bilyon, P2.44 bilyong piso ang natuklasang dumanas ng ‘delayed completion/implementation.’ Ang mga naantalang HFEP infrastructure projects ay matatagpuan sa: Region 6 (Western Visayas): Dalawang Proyekto Region 9 (Zamboanga Peninsula): Isang Proyekto Region 11 (Davao Region): Dalawang Proyekto Region 12 (Soccsksargen): Tatlong Proyekto Idagdag pa rito,…

Read More

Ngitngit ng taumbayan dadalhin sa Malacañang PAGPIRMA NI MARCOS SA ‘MOST CORRUPT’ BUDGET PAPALAGAN

(BERNARD TAGUINOD) IMBES ipagbunyi, protesta ang isasalubong sa pagpirma ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa 2025 national budget ngayong araw, December 30. Nabatid sa militanteng grupo na kaalyado ng Makabayan bloc sa Kamara na susugod ang mga ito sa Malacañang para iprotesta ang P6.352 Trillion national budget na tinaguriang pinaka-korup sa kasaysayan ng bansa. Unang itinakda ang ceremonial signing sa pambansang pondo noong December 20 subalit inatras ito matapos palagan ng taumbayan ang pagkaltas ng P10 billion sa budget ng Department of Education (DepEd). Hindi matanggap ng lahat na…

Read More

Pinangunahan ni Manong Chavit E-JEEP INILUNSAD SA PASIG

NAGING beacon of innovation ang Pasig City nang magsama ang mga Pinoy at South Korean leaders sa pagpapasinaya ng e-Mobility Proof of Concepts kung saan ibinida rito ang mga e-jeepney na magiging daan para magkaroon ng modernong public transportation. Ito ay inorganisa ni senatorial candidate Luis “Manong Chavit” Singson na siya ring LCSC Group chairperson at Ako Ilocano Ako Party-list Representative Richelle Singson. Kasama sa pagpapasinaya ang e-mobility trailblazers na sina Young-Jin Joo, CEO ng E-Mon Co. Korea; Jong Gwan Rah, Director ng Korea Automotive Technology Institute (KATECH); Ahn Jae-Bum,…

Read More

KAMARA UMAASA NG AGARANG AKSYON NG DA SA PRESYO NG BIGAS

UMAASA ang lead chairman ng Quinta Committee na hindi hanggang press release lamang ang Department of Agriculture (DA) sa pagbabawas sa presyo ng bigas at legal na aksyon laban sa mga rice cartel, hoarding at profiteers. “We need action from the DA sooner rather than later, so I hope the study process doesn’t last beyond a few days,” ani Albay Rep. Joel Salceda na namumuno sa imbestigasyon sa mataas na presyo ng bigas kahit sobra-sobra ang supply at mababa na ang presyo nito sa world market. Ginawa ng mambabatas ang…

Read More

CHINA GUSTONG MAGBENTA NG MILITARY EQUIPMENT SA PILIPINAS?

POSIBLENG nais ng China na sila ang magbenta ng military hardware at weapon sa Pilipinas kaya tinutuligsa ng mga ito ang desisyon ng Department of National Defense (DND) na sa Estados Unidos bumili ng kagamitan. Ito ang basa ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers matapos tawagin ni Chinese Ministry of Foreign Affairs, Mao Ning na “irresponsible choice” ang desisyon ng Pilipinas na sa Amerika bumili. “Baka siguro gusto ng China ay sa kanila tayo bumili ng mga military weapons na kung iisipin ay baka mabudol tayo dahil kilala…

Read More

Nagsingit ng ‘AKAP’ sa 2025 budget mananagot EX-AFP, PNP GENERALS PUMAPALAG

INALMAHAN ng mga retiradong military officer ang umano’y kuwestyunableng dagdag-bawas sa panukalang 2025 budget na lantarang hindi kapaki-pakinabang sa sambayanan at malayo sa nakalatag na programa ng administrasyon. Sa open letter na inilabas ng isang grupo ng mga dating opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) ay inihayag nila ang kanilang pagkabahala sa posibleng epekto ng mga isiningit na pagbabago sa proposed 2025 budget kabilang na ang umano’y 26 billion pondo para sa “AKAP” o Ayuda sa Kapos ang Kita Program na bigla na…

Read More

Tiniyak pakikiisa kontra korupsyon ATTY. RODRIGUEZ NASA PUSO PA RIN NG MGA TAGA-SACRED HEART

NANARIWA sa mga taga-Barangay Sacred Heart ang panahon ng panunungkulan bilang punong barangay ni Atty. Vic Rodriguez nang dalawin sila nito noong Sabado. Dumalo bilang panauhin pandangal sa Gift Giving 2024 ng Brgy. Sacred Heart sa Quezon City si Atty. Rodriguez na ginanap sa Kamuning Elementary School. Mainit ang naging pagtanggap sa kanya ng mga residente patunay na hindi humupa ang suporta ng mga ito mahabang panahon man ang lumipas mula nang huli niya silang paglingkuran. Ayon sa unang Executive Secretary ng administrasyong Marcos Jr., natural sa mga Pilipino na…

Read More

VILLAR NAGHATID NG KASIYAHAN SA MGA BATA NG BASECO

NAGHATID ng kanilang tradisyonal na gift-giving ang pamilyang Villar, sa pangunguna nina Senators Cynthia at Mark Villar, sa 50 batang mula Baseco, Tondo, na ginanap sa Villar Children’s Farm sa Bacoor City noong Sabado. “Malapit sa puso namin ang Tondo dahil diyan lumaki ang aming ama, kaya hindi namin kayo makakalimutan,” sabi ni Senator Mark Villar. Ang mga bata mula sa Tondo, Maynila, ay dinala sa Villar Children’s Farm sa Bacoor City para sa selebrasyon. Dahil madalas bisitahin ang Baseco bago mag-pandemya, alam ni Senadora Cynthia ang kwento ng mga…

Read More