PAGPAPATALSIK SA EVSIP NG PUERTO PRINCESA PINAGTIBAY NG SC

PINAGTIBAY ng Supreme Court (SC) ang desisyon ng Commission on Audit (COA) na nagpatalsik sa “Early and Voluntary Separation Incentive Program” (EVSIP) ng pamahalaang lungsod ng Puerto Princesa, na nagsasabing ito ay lumabag sa batas ng Government Service Insurance System (GSIS). Ipinasa rin ng Korte sa Office of the Ombudsman ang imbestigasyon sa diumano’y mga paglabag na isinagawa ng mga lokal na opisyal, kabilang na ang Mayor ng Puerto Princesa na si Lucilo Bayron. Sa isang 18-pahinang resolusyon ng Korte Suprema na inilabas noong Pebrero 27, 2024 (GR No. 253127),…

Read More

2025 budget minasahe ng mga ‘VIP’ AFP SINAKRIPISYO SA KAPRITSO NG MGA KAALYADO

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) MATINDING pagmasahe ang nangyari sa panukalang national budget sa susunod na taon kaya maraming ahensya ang magsasakripisyo kabilang na ang Sandatahang Lakas ng Pilipinas. Sa Senado, binatikos ni Senador Imee Marcos ang tinawag niyang kawalan ng transparency sa inaprubahang panukalang 2025 budget at sinabing may mga himalang nangyari. Sa kanyang privilege speech, sinabi ni Marcos na nagkaroon lamang ng unang meeting ang bicam panel noong November 28 at nasundan ng ikalawa at huling pulong noong December 11. Kinahapunan ng December 11 ay niratipikahan ng dalawang kapulungan…

Read More

Sa dami ng aksidente sa kalye KAHIT ‘TIPSY’ BAWAL MAGMANEHO

PINAAAMYENDAHAN sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang “Anti Drunk and Drugged Driving Act of 2013” o Republic Act (RA) 10586 upang ipagbawal sa mga driver na magmaneho ng sasakyan kahit ‘tipsy’ pa lamang ang mga ito. Layon din ng nasabing panukala na taasan ang parusa at multa sa mga nakainom na driver na masasangkot sa aksidente dahil sa kabila ng nasabing batas ay libu-libo pa rin ang namamatay. “This is a measure to guarantee the safety of everyone on the road. Kahit tipsy pa lang, hindi na dapat nagda-drive. Lalo…

Read More

Pulong sa imbestigasyon ng Kamara KAALYADO SA DRUG LIST IMBESTIGAHAN DIN

(BERNARD TAGUINOD) TILA hamon sa mga kapwa mambabatas ang pinakawalan kahapon ni Davao City Rep. Paolo Duterte nang sabihing dapat imbestigahan din ng mga ito ang mga kaalyado na sangkot sa droga. “If Congress is truly serious about addressing the proliferation of illegal drugs, they must begin by investigating those listed in the Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) watchlist during the Duterte administration.” Bahagi ito ng statement ni Duterte kaugnay sa rekomendasyon ng Quad Committee na kasuhan ng crimes against humanity ang kanyang amang si dating pangulong Rodrigo Duterte, Sens.…

Read More

KASO VS DU30, DELA ROSA, GO, BAHALA NA DOJ

IPINAUBAYA na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Department of Justice (DOJ) ang masusing pagsusuri sa rekomendasyon ng House Quad Committee na sampahan ng reklamo o kaso si dating pangulong Rodrigo Duterte at iba pa ukol sa ‘war on drugs’ ng dating administrasyon. Inirekomenda kasi ng Quad Comm ang pagsasampa ng reklamo laban kina Digong Duterte, Senador Ronald Bato dela Rosa at Senador Bong Go para sa di umano’y paglabag sa Philippine Act on Crimes Against International Humanitarian Law, Genocide and Other Crimes Against Humanity. “The DOJ will look at…

Read More

NAGNAKAW NG P5-M PLUNDER NA ‘YAN – FORMER ES RODRIGUEZ

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) ITUTULAK ni Atty. Vic Rodriguez na ibaba sa limang milyong piso para makasuhan ng plunder ang isang tiwaling opisyal ng gobyerno. Ayon sa unang executive secretary ng administrasyong Marcos, isa ito sa mga nais niyang baguhin sakaling mahalal sa Senado sa 2025 midterm election. Sa kasalukuyang batas, P50 milyon ang sangkot na halaga bago masampahan ng reklamong plunder ang isang taga-gobyerno. Ngunit para kay Atty. Rodriguez, malaking kasalanan ang pagnanakaw sa pondo ng bayan kaya hindi na kailangan hintayin na umakyat sa P50 milyon bago magsampa…

Read More

P6.3-T BUDGET PARA SA KAPRITSO NG PANGULO, MGA KAALYADO

LUMALAKI at lumalawak na ang galit ng sambayanang Pilipino dahil isinakripisyo ang kalusugan at edukasyon ng mga ito para sa kapritso ng political allies umano ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. “Nanawagan kami sa pamunuan ng Kamara at Senado na tugunan ang lumalaking galit ng publiko sa pamamagitan ng agarang muling pagtitipon ng bicameral conference committee,” ani ACT party-list Rep. France Castro. Ayon sa mambabatas, habang idinedepensa ng mga kaalyado ni Marcos ang pagbokya sa subsidy ng Philippine Health Insurance Corp (PhilHealth) at pagtapyas sa pondo ng Department of Education…

Read More

Sa dami ng pumapalag BBM NAGPRENO SA PAGPIRMA SA 2025 BUDGET

NAUDLOT ang target date sana para sa paglagda sa 2025 General Appropriations Bill (GAB) upang bigyan ng mas maraming oras at panahon si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para sa isang “rigorous and exhaustive” na pagrerebisa at paghimay sa batas. Sa isang kalatas, sinabi ni Executive Secretary Lucas Bersamin na wala pang pinal na petsa para sa paglagda ng GAA na may P6.352 trillion national expenditure para sa fiscal year 2025. “The scheduled signing of the General Appropriations Act on December 20 will not push through to allow more time…

Read More

DESISYON KAY MARCY ‘DI PA FINAL – COMELEC

MAAARING baliktarin ng Commission on Elections (Comelec) ang nauna nitong desisyon at payagan si Marikina Mayor Marcy Teodoro na tumakbo bilang kongresista sa unang distrito ng lungsod kung makakapagprisinta siya ng bagong argumento o ebidensya sa kanyang motion for reconsideration. Ayon kay Comelec chairperson George Garcia, may mga pagkakataon sa mga nakaraang kaso na nabaliktad ang desisyon ng poll body base sa mga argumento o bagong ebidensiya na inilatag sa apela. “Marami rin namang pagkakataon na pagkatapos makapagprisinta ng mga argumento sa motion for reconsideration ay pwedeng magkaroon ng reversal…

Read More