DIGONG NAGPASAKLOLO SA SUPREME COURT

TILA dininig ng langit ang panalangin ng mga tagasuporta ni dating pangulong Rodrigo Roa Duterte at Senator Ronald “Bato” dela Rosa na bigyan sila ng tsansa para palayain kaugnay sa extra judicial killings na inasunto laban sa kanila sa International Criminal Court (ICC). Ito ay makaraang agad ipag-utos ni Chief Justice Alexander Gesmundo, na magsagawa ng special raffle sa petisyon na kumukwestiyon sa legalidad ng implementasyon ng warrant of arrest laban kay Duterte. Kasunod ito ng ginawang pag-aresto, Martes ng umaga kay Duterte nang dumating sa bansa mula Hong Kong…

Read More

CONG. FIDEL NOGRALES AAGAPAY SA PAGBANGON NG KASIGLAHAN VENDORS

PERSONAL na inalam ni Congressman Fidel Nograles ang kalagayan ng mga miyembro at opisyales ng Kasiglahan Market Vendors Association, Incorporated (KMVAI) matapos masunog ang kanilang palengke noong Marso 3, ngayong taon. Sinalubong ang mambabatas nina Kasiglahan Market Vendors Association, Inc. President Cristina Pacheco, Treasurer Elvira Flores at iba pang miyembro ng samahan. Sa kanilang pag-uusap, tiniyak ni Nograles kina Pacheco at Flores na magbibigay siya ng materyales para agad maitayo ang palengke at magkaroon silang muli ng pagkakakitaan. Nauna nang nagbigay ng ayuda si Nograles sa mga naapektuhan ng sunog.…

Read More

PHILHEALTH FUND DAPAT MAUBOS SA KALUSUGAN – ATTY. RODRIGUEZ

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) BINIGYANG-DIIN ni senatorial aspirant Atty. Vic Rodriguez sa isang panayam kamakailan na hindi maaaring gamitin sa mga proyekto o programa na walang kaugnayan sa healthcare ang pondo ng PhilHealth. Aniya, dapat maubos ang pondo ng ahensya ngunit para lang sa sektor ng kalusugan dahil ito ang nakasaad sa batas. Reaksyon ito ng dating executive secretary sa pagkuha sa bilyong pondo ng PhilHealth pabalik sa national treasury. Kung titingnan aniya, ‘malversation of public funds’ o pagwawaldas na sa pampublikong pondo na maituring ang paglilipat ng pondo nito.…

Read More

Nakatago sa ayuda – VP Sara VOTE BUYING LEHITIMO SA MARCOS ADMIN

(CHRISTIAN DALE) PINASARINGAN ni Vice President Sara Duterte ang administrasyong Marcos Jr. sa pagsasabing lehitimo na ang vote buying sa kasalukuyan dahil itinatago ito sa ayuda. Sa pagsasalita ni VP Sara sa harap ng overseas Filipino workers (OFWs) sa Hong Kong, nanawagan din siya sa mga Pilipino na iboto ang mga kandidato base sa kanilang kakayahan na maglingkod kaysa sa kanilang apelyido. Sa panahon aniya kasi ng eleksyon ay naglipana ang vote-buying. Dapat aniyang mag-ingat sa vote-buying sa anyo ng government financial assistance o ayuda. “Wag natin ibenta ang boto…

Read More

IMPEACHMENT VS. SARA MAAANTALA KAPAG TOTOO ICC WARRANT

POSIBLENG maantala ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte kung kasama ito sa ipinapaaresto ng International Criminal Court (ICC) lalo na kung mahuli. “Medyo maantala ang impeachment trial,” pag-amin ng isa sa mga 12 House prosecution panel na si Manila District III representative Joel Chua matapos umugong na naglabas na ng warrant of arrest ang ICC laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte. Ipinaliwanag ng mambabatas na may mga article of impeachment ang kailangan umano ang presensya ni VP Duterte sa Impeachment Court kaya kung kasama ito sa inisyuhan ng…

Read More

MAS KAILANGAN NG MAHABANG OPERASYON NG LRT, MRT, EDSA BUS CAROUSEL – SOLON

LALONG kailangang pahabain ang operasyon ng Metro Rail Transit (MRT), Light Rail Transit (LRT) at maging ang Edsa Bus Carousel dahil sa isasagawang rehabilitasyon sa Epifanio delos Santos Avenue o Edsa. Ito ang ipinanawagan ni Akbayan party-list representative Percival ‘Perci’ Cendaña sa Department of Transportation (DoTr) dahil kung hindi ay lalong mahihirapan ang mga commuters dahil inaasahan na mas titindi ang problema sa trapiko sa Edsa. “Mas lalong mahalaga ngayon na i-extend ang operating hours ng MRT, LRT, at ngayon, maging ang EDSA Bus Carousel, dahil tiyak na magdudulot ng…

Read More

Sa blangkong items sa bicam report QUIMBO GIGISAHIN SA SC

MAGIGISA si Marikina 2nd District Rep. Stella Quimbo sa Korte Suprema ukol sa blangkong items sa bicameral conference committee report ng 2025 national budget. Nakatakdang humarap si Quimbo sa pagpapatuloy ng oral argument patungkol sa isyu sa Abril 1, 2 at 3, 2025. Una nang inanunsyo ni senatorial candidate Atty. Vic Rodriguez na obligadong humarap si Quimbo sa Kataas-taasang Hukuman kasama ang mga miyembro ng Technical Working Group ng Senado at House of Representatives. “Ipinag-utos ang pagdalo at presensya ng mga miyembro ng Technical Working Group,” wika ni Rodriguez sa…

Read More

Sa gitna ng mataas na heat index FLEXIBLE WORK ARRANGEMENT ITINULAK

NANAWAGAN si Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III sa mga employer na ipatupad ang flexible work arrangements o pansamantalang pahinga sa trabaho upang maprotektahan ang mga manggagawa mula sa matinding init ng panahon. “Dapat nating tiyakin na ang kalusugan at kaligtasan ng ating mga manggagawa ay hindi isinasakripisyo,” saad ni Pimentel. Ayon sa Department of Health (DOH), maaaring magdulot ng seryosong epekto sa kalusugan ang matinding init ng panahon. Ang heat exhaustion ay nagdudulot ng matinding panghihina, sobrang pagpapawis, at pagkahilo. Ang heat cramps naman ay sanhi ng matinding…

Read More

VP SARA ISINUKA NG KABABAIHAN

TILA sukang-suka ang grupo ng kababaihan sa mensahe ni Vice President Sara Duterte sa International Women’s Day, kung saan nanawagan pa ito ng katarungan sa kanyang mga kabaro. Ayon kay House Assistant Minority Leader Arlene Brosas ng Gabriel Women’s party-list group, ang lakas ng apog umano ni VP Sara na manawagan ng katarungan nang hindi nito isinaalang-alang ang epekto ng mga polisiya ng kanyang ama na si dating pangulong Rodrigo Duterte, particular na ang giyera kontra droga na nagpairal ng walang habas na mga extrajudicial killing (EJK) sa libu-libong inosente…

Read More