P30-M KAPALIT NG PAGPAPATAKAS SA SOUTH KOREAN DETAINEE?

LUMAKAS ang hamon para masusing imbestigahan ng Bureau of Immigration ang pagkakatakas ng South Korean national na umano’y nagbayad ng P30 million. Nauna rito, iginiit ni House minority leader Marcelino Libanan na dapat gawin lahat ng paraan ng BI para maibalik sa kulungan ang suspek na si Na Ikhyeon para hindi tuluyang mawalan ng tiwala ang publiko sa sistema ng hustisya ng bansa at maging sa nasabing tanggapan. “Allowing a fugitive to remain at large undermines our justice system. The BI must act swiftly to bring him back into custody,”…

Read More

TAUHAN NG BI NA SANGKOT SA PAGTAKAS NG SOKOR FUGITIVE KINASUHAN

KINASUHANna sa Department of Justice ang mga tauhan ng Bureau of Immigration na sangkot sa pagtakas ng isang high-profile South Korean fugitive. Ayon kay Immigration Commissioner Joel Anthony Viado, ang pagsasampa ng kaso laban sa personnel ng immigration ay batay sa nakuhang ebidensya gaya ng CCTV footage at testimonya ng mga nakakita Sa footage, makikita na ineskortan ang dayuhan ng immigration personnel sa isang establisyimento para gumamit ng CR. Ilang sandali pa ay lumabas ang pugante na mag-isa saka tumawid sa kalsada at sumakay sa isang get-away vehicle. Tiniyak ni…

Read More

HIRING NG ADMIN SUPPORT STAFF SA DEPED UMARANGKADA

SA utos ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., tuloy-tuloy na ang ginagawang renewal at hiring ng Department of Education (DepEd) ng mga school-based Administrative Support Staff sa ilalim ng Contract of Service (CoS) sa lahat ng pampublikong paaralan sa bansa na may kabuuang bilang na 7,062 empleyado. Layon nito na alisin na sa mga guro ang mga gawaing walang kinalaman sa pagtuturo upang matiyak na nakatuon na lamang ang kanilang pansin at ilalaan ang oras sa pangangailangan ng mga mag-aaral, samantalang ang mga non-teaching staff naman ay gagawa ng mga administratibong…

Read More

MEDIA KAISA NG COMELEC PARA SA MALINIS AT PATAS NA ELEKSYON

ITO ay matapos na magkasundo at lumagda sa ‘pledge of commitment’ ang media organizations sa bansa sa Commission on Elections. Target ng nasabing hakbang na siguraduhing magiging malinis, patas at may integridad ang gaganaping 2025 midterm election. Una rito, nagkaroon muna ng palitan ng mga tanong at suhestyon sa pagitan ng poll body at mga kasapi ng media. Lumahok sa naturang pagpirma ang mga kinatawan ng komisyon at mga kinatawan mula sa TV, radyo, print at maging ng online. Sa isang pahayag, sinabi ni COMELEC Chairman George Erwin Garcia, boluntaryo…

Read More

PRIVATE SECURITY PERSONNEL BINALAAN SA PAGPAPAGAMIT SA MGA KANDIDATO

NAGBABALA ang Philippine National Police Supervisory Office for Security and Investigation Agencies (PNP-SOSIA) sa mga private security personnel hinggil sa tamang pagsunod sa mga alituntunin ng kanila propesyon, lalo na ngayong election period. Batay sa inilabas na memorandum advisory ng PNP-SOSIA, ipinagbabawal ang pagdadala ng armas at paggamit sa mga pribadong security personnel bilang bodyguard ng mga kandidato maliban na lang kung may pahintulot mula sa Commission on Elections o Comelec. Inihayag ng PNP supervisory office na dapat tumalima ang mga private secutiry personnel sa umiiral na batas at huwag…

Read More

2 NASAWING PILOTO NG PAF GAGAWARAN NG PARANGAL

GAGAWARAN ng arrival honor at pagkilala ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas ang dalawang piloto ng Philippine Air Force na nasawi sa isinagawang midnight air support mission para sa ground troops ng Philippine Army na nagsasagawa tactical operation laban sa nalalabing communist New People’s Army sa area ng Mindanao. Inaasahang pangungunahan mismo ni AFP Commander in Chief President Ferdinand Bongbong Marcos Jr. ang pagsalubong at paggawad ng parangal kina Major Salang-oy at 1Lt. April John Dadulla na nasawi habang tumutupad ng kanilang tungkulin. Inaasahan ang pagdating ngayong Sabado ng dalawang piloto…

Read More

MARY GRACE PIATTOS MAY KAANAK NA NAKINABANG SA INTEL FUNDS?

HINDI nag-iisa si Mary Grace, na may apelyidong ‘Piattos’, na kasama siya sa mga recipient ng intelligence funds mula sa tanggapan ni Vice President ‘Inday’ Sara Duterte-Carpio. Bukod dito, isiniwalat ni House Deputy Majority Leader Francisco Paolo Ortega V ng Unang Distrito ng La Union na isa sa mga tumanggap ng intelligence fund ay kapangalan ng isang cellphone brand na gawa sa China. “New documents from the impeachment complaint show that Mary Grace Piattos was not alone. Two other names, seemingly linked to her, have surfaced—’Pia Piatos-Lim’ and ‘Renan Piatos’,”…

Read More

Kinastigo ng kababaihan sa pagkapit sa political dynasty VILLAR NAGSISILBI SA SARILI HINDI SA TAO

LALONG nabanas ang mga progresibong grupo kay Senadora Cynthia Villar matapos nitong sabihin na walang masama sa political dynasty kagaya ng kanyang pamilya kung nagsisilbi naman ng tapat sa bayan at hindi nanloloko ng mga tao. Sa mga katagang ito’y sadyang nadismaya ang mga kritiko para ipunto kay Villar na “walang mabuting political dynasty na tunay na nagsisilbi sa tao” at “modelo ng burukratang kapitalismo ang mga Villar.” Reaksyon ito ni Amihan secretary-general Cathy Estavillo na hindi nagustuhan ang tila pagmamalinis umano ng graduating senator. “May amnesia ba si Villar…

Read More

TAUMBAYAN SALAT SA TRANSPARENCY AT ACCOUNTABILITY NG GOBYERNO

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) “SALAT ang taumbayan sa gobyerno sa transparency at accountability,” ayon kay senatorial candidate Atty. Vic Rodriguez. Sa isang panayam sa SMNI matapos ang oral argument sa Korte Suprema ukol sa kwestyonableng bicameral committee report ng 2025 national budget, muling ipinaliwanag ni Rodriguez ang kahalagahan ng pagpapanagot sa mga nasa gobyerno. Marapat lamang aniyang hanapin ng taumbayan kung paano at saan dinadala ng gobyerno ang perang awtomatikong kinukuha sa kanila bilang mga taxpayer. Sa nasabing oral argument kamakalawa, inatasan ng Korte Suprema si Marikina 2nd District Rep.…

Read More