EXTENSION NG MRT OPERATION MAPUPURNADA

UMAPELA ang isang mambabatas sa Department of Transportation (DOTr) na huwag gamiting dahilan ang pagpalya ng escalator sa Metro Rail Transit 3 (MRT-3) para tablahin ang kahilingan ng mga commuter na palawigin ang operasyon nito kapag sinimulan na ang rehabilitasyon ng Epifanio Delos Santos Avenue (EDSA). Sa halip, hiniling ni Akbayan party-list Representative Percival ‘Perci’ Cendaña sa kagawaran na magsagawa ng agarang pagsusuri sa operational system ng MRT-3 at ayusin ang mga dapat ayusin upang maiwasang magkaroon ulit ng aksidente. Ginawa ng mambabatas ang pahayag makaraang pumalya ang escalator sa…

Read More

KOOPERASYON NG PINAS SA INTERPOL KINATIGAN

KINATIGAN ng lider ng minorya sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang desisyon ng gobyerno ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na makipagtulungan sa International Criminal Police Organization (Interpol) sa pag-aresto kay dating pangulong Rodrigo Duterte. “By collaborating with Interpol, the Philippines sends a strong message to the global community: we are committed to upholding the rule of law, respecting international legal norms, and ensuring that justice prevails,” ani House minority leader Marcelino Libanan. Ipinaliwanag ng mambabatas na dating Commissioner ng Bureau of Immigration (BI) na napaka-importante ang papel ng Interpol…

Read More

Writ of habeas corpus inihain sa Korte Suprema DIGONG IUUWI NI BASTE

(JULIET PACOT) NAGHAIN ng panibagong petisyon sa Korte Suprema kahapon ng anak ni dating pangulong Rodrigo Duterte na si Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte para mapauwi ang ama. Naghain ng writ for habeas corpus ang pangatlong anak ni Digong para manikluhod sa high tribunal na dinggin ang kanilang kahilingan para sa agarang pagpapauwi at pagpapalaya sa ama na ibiniyahe patungo sa The Netherlands hinggil sa kasong Crimes Against Humanity. Base sa judicial records, natanggap ng Supreme Court ang petisyon ni Mayor Baste Duterte pasado alas-9:00 ng umaga, Marso 12,…

Read More

Sympathy protest sisiklab? RALLY AREAS SA NCR BANTAY-SARADO

MAHIGPIT ang pagbabantay ng pulisya sa mga lugar na maaaring pagdausan ng protesta sa Metro Manila sa gitna ng banta ng malawakang pagkilos ng mga tagasuporta ni dating pangulong Rodrigo Duterte na inaresto at binitbit patungong The Hague, Netherlands kasunod ng kanyang pagkakaaresto nitong Martes, Marso 11. Nauna nang ipinag-utos ng Philippine National Police (PNP) sa lahat ng police forces nito na ilagay sa heightened alert status. Ayon kay NCRPO PBrig. Gen. Anthony Aberin, nakapokus sila sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa rehiyon partikular na ang pagtugon sa lahat…

Read More

Open letter kay Marbil kumakalat sa Crame PAG-ARESTO KAY DIGONG PINALAGAN NG PNP JUNIOR OFFICERS

(TOTO NABAJA) KUMAKALAT ngayon sa Kampo Crame ang isang open letter na mula umano sa Junior Officers ng Philippine National Police (PNP) para kay PNP chief General Rommel Francisco Marbil. Nakasaad sa liham mula sa Junior Officers o Honorable Men in Uniform, ang kanilang galit at lungkot sa ginawa kay dating pangulong Rodrigo Duterte. Tinatanong din sa sulat kung ano na ang nangyayari sa bansang Pilipinas at ‘sabay-sabay na ba ang kanilang paglubog’? Ang ginawa umano sa dating pangulong ay para sa personal na interes ng mga nakapwesto na ang…

Read More

Digong pinagkaitan ng karapatan “UNLAWFUL ARREST”

(CHRISTIAN DALE) GANITO inilarawan ni dating presidential spokesman Salvador Panelo ang pag-aresto kay dating pangulong Rodrigo “Digong” Roa Duterte para sa sinasabing krimen laban sa sangkatauhan. Ang katwiran ni Panelo, hindi man lamang pinayagan ng Philippine National Police (PNP) ang isa sa mga abogado ni Digong na makita at makausap ito sa airport at kuwestiyunin ang legal na basehan ng pag-aresto. Pinagkaitan din aniya ng legal representation si Digong. “The PNP could not have a hard copy of the warrant of arrest. By not allowing one of his lawyers to…

Read More

Ombudsman sa reklamo vs Teodoros: 90% NG MGA KASO MAY HALONG PULITIKA

HABANG papalapit ang halalan, 90 porsyento ng mga kasong isinasampa sa kanyang tanggapan ay may halong pulitika, ayon kay Ombudsman Samuel Martires. Tugon ito ni Martires sa mga kasong isinasampa sa kanyang tanggapan, kabilang ang reklamong graft laban kay Marikina Mayor Marcy Teodoro at kanyang asawang si 1st District Rep. Maan Teodoro. Ayon sa Ombudsman, maingat nilang sinusuri ang mga kasong ito upang matiyak kung may sapat na batayan at agad na ibinabasura ang mga walang matibay na ebidensya. “Subalit hinihimay namin ito kung may katotohanan ang kanilang mga kaso…

Read More

EX-USEC MAGNO: ZERO BUDGET NI QUIMBO SA PHILHEALTH PAHIRAP

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) BINATIKOS ng dating Finance Undersecretary ng administrasyong Marcos ang mga mambabatas, sa pangunguna ni Marikina 2nd District Rep. Stella Quimbo, na nagbigay ng zero budget sa PhilHealth para sa 2025, dahil sa dagdag pabigat na ipinataw nila sa ordinaryong Pilipino. Ayon sa ekonomistang si Cielo Magno, mapipilitan ang taumbayan na sagutin ang kanilang gastusin sa pagpapagamot at iba pang medikal na pangangailangan dahil sa desisyon nilang tanggalan ng pondo ang PhilHealth. “Nakakagalit itong ginagawa ng Kongreso natin. Zero budget daw sa PhilHealth dahil mayroon P600 billion…

Read More

ILANG PUNONG BARANGAY HINIMOK ‘WAG IDAMAY SA PAMUMULITIKA ANG ALLOWANCE NG SENIORS

HINIMOK ni MANILA Mayor Honey Lacuna ang ilang barangay chairman na huwag nang idamay sa pamumulitika ang allowances ng mga senior citizen at hayaan itong makuha nang mabilis at walang balakid. Ginawa ni Lacuna ang panawagan matapos makatanggap ng ulat na may ilang barangay chairmen, na kilalang malapit sa kanyang political rivals na nagbabantang pahihirapan ang mga senior citizen na sumusuporta sa buong tiket ni Lacuna na makuha ang kanilang buwanang allowances mula sa pamahalaang lungsod. “Bagama’t iilan lang naman ang mga chairman na ito, hindi ito dapat na mangyari.…

Read More