(JESSE KABEL RUIZ) INALMAHAN ni Vice Presidente Sara Duterte ang pagsisinungaling umano ni Philippine National Police (PNP) chief General Rommel Marbil sa pag-aalis ng kanyang police escort na malinaw na political harassment. Kahapon ay naglabas ng open letter si VP Sara para kay Marbil dahil sa pagsisinungaling ng heneral hinggil sa pag-pullout ng kanyang 75 police security detail na isang hakbang para alisin ang mga pulis na kanyang pinagkakatiwalaan. Inalis umano ang kanyang PNP Police Security and Protection Group (PSPG) personnel matapos itong magbitiw bilang kalihim ng Department of Education…
Read MoreCategory: NASYUNAL
2025 CONFI-INTEL FUND NI MARCOS BUMABA NG 16%
KUMPARA noong panahon ni dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III, mas mataas ang Confidential and Intelligence expense ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Sa isinagawang press conference matapos isumite ang proposed national expenditure program (NEP) ng Marcos administration sa susunod na taon, sinabi ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah Pangandaman na P10.286 billion ang CIE sa 2025. Limang doble ang laki nito sa P2 billion na CIE ni dating Pangulong Aquino noong 2015 kung saan lahat ng ahensya ng gobyerno na nangailangan ng nasabing pondo,…
Read MorePINOY NURSES PATULOY NA NAUUBOS SA PHL
PATULOY na nauubos ang Filipino nurses dahil sa mababang pasahod, hindi lamang sa mga government hospital kundi lalo na sa mga pribadong pagamutan. Ito ang nabatid mula kay Quezon City Rep. Marvin Rillo matapos umabot sa 14,158 Filipino nurse ang sumailalim sa National Council Licensure Examination (NCLEX) sa unang pagkakataon sa nakaraang anim na buwan ngayong taon lamang. “The numbers clearly indicate that many Philippine-educated nurses are very eager to practice their profession in America, where their skills will get the highest rewards in terms of compensation income,” ani Rillo.…
Read MoreSIM CARD LAW PINAGLALARUAN NG SINDIKATO
PINAGLALARUAN, hindi lamang ng mga Filipino syndicate, kundi ng mga dayuhan ang Republic Act (RA) 11934 o Subscriber Identity Module (SIM) Card Registration Act. Ito ang dahilan kaya iginiit ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers na amyendahan ang nasabing batas na magdadalawang taon pa lamang sa September 13, kung nais ng gobyerno maitigil ang scamming gamit ang sim card. “Despite the passage of the SIM Registration Act (under Republic Act 11934) mandating the registration of SIM cards, whether prepaid or postpaid, crime groups or individuals, local and foreign,…
Read MoreAFP NIYAYANIG NG NEPOTISMO, CRONYISM
(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) LALONG lumalakas ang hinala na may namumuong disgusto sa mga miyembro ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas sa pagkalat ng open letter sa social media na kumokondena sa anila’y garapal na nepotismo at cronyism sa matataas na opisyal ng hukbo. Inilantad sa naturang bukas na liham na may mga dismayadong miyembro sa ilang matataas na opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na bukod sa pag-iral ng nepotismo at cronyism ay lantahan din ang paboritismo na umano’y bumahid sa promotion system ng military. Ang malaganap na…
Read MoreTASK FORCE NILIKHA PARA SA BATAAN OIL SPILL
LUMIKHA si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng isang inter-agency task force para mabilis na matugunan ang posibleng epekto ng oil spill mula sa tumaob na M/T Terra Nova sa baybayin ng Limay, Bataan. Ang task force ay pangungunahan ng Office of the Civil Defense kasama ang Department of Environment and Natural Resources (DENR), Philippine Coast Guard (PCG), at Department of the Interior and Local Government (DILG) bilang mga miyembro nito. Kasama rin sa task force ang Department of Health (DOH), Department of Labor and Employment (DOLE), at Department of…
Read MoreITINAPONG MEDICAL WASTES SA DAGAT ‘FAKE NEWS’ -BFAR
ITINANGGI ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) nitong Linggo ang mga pahayag sa social media na hindi dapat kumain ng isda ang mga tao dahil itinatapon umano sa dagat ang mga medikal na basura. Ayon sa BFAR, ang impormasyong kumakalat sa social media na nagsasabing ang mga medikal na basura, partikular na isang “tube mula sa isang ospital na may human immunodeficiency virus (HIV),” ay itinapon sa dagat ay “false information.” “Ang Department of Agriculture–Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ay mahigpit na tinututulan ang claim na ito,…
Read MoreMITIGATION MEASURES INIUTOS SA OIL SPILL SA BATAAN
IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) at iba pang kinauukulang ahensiya ng gobyerno na i-assess ang environmental impact ng oil spill mula sa napakalaking oil tanker na tumaob sa baybayin ng Bataan. Sa situation briefing sa epekto ng Super Typhoon Carina, nanawagan si Pangulong Marcos sa DENR, kasama ang Department of Science and Technology (DOST) at Philippine Coast Guard (PCG), na pangunahan ang assessment at payagan ang pamahalaan na maghanda para sa mitigation measures. “Can we add an instruction to the…
Read MoreGSIS, PAGIBIG LOAN ALOK SA ‘CARINA’ VICTIMS
NAGLAAN ang Government Service Insurance System (GSIS) at Home Development Mutual Fund o Pag-IBIG Fund ng pondo para sa mga miyembro na labis na naapektuhan ng kalamidad at nais mag-loan. Ang GSIS ay may P18.5 bilyong pondo na gagamitin sa emergency loans para tulungan ang mahigit sa 800,000 members at pensioners na naapektuhan ng Super Typhoon Carina at Southwest Monsoon (Habagat) sa Batangas, Rizal, at National Capital Region (NCR). Sa isang kalatas, sinabi ng GSIS na maaaring mag-avail ng emergency loan ang 864,089 miyembro at pensioners sa rehiyon na idineklara…
Read More