Nagpalabas ang Land Transportation Office (LTO) ng Show Cause Order (SCO) laban sa isang social media personality, na driver at rehistradong may-ari ng Ford Expedition, matapos kumalat online ang isang video na nagpapakita ng ilang paglabag sa batas-trapiko. Sa naturang viral video, makikitang minamaneho ng vlogger ang sasakyang gamit ang pekeng plaka, hindi nakasuot ang seatbelt at gumagamit ng mobile phone habang nagmamaneho. Ang mga paglabag na ito ay itinuturing na distracted driving at nagsapanganib sa ibang motorista. Inatasan naman ni LTO chief Assistant Secretary Markus Lacanilao ang nabanggit na…
Read MoreCategory: NEWS BREAK
SOCIAL MEDIA POSTS NI BARZAGA BINURA NA
MISTULANG umiwas sa mas mabigat na parusa si Cavite Rep. Francisco “Kiko” Barzaga kaya sumunod ito sa direktiba ng liderato ng Mababang Kapulungan ng Kongreso na burahin ang kanyang mga social media post na naging dahilan ng kanyang suspensyon. Mula noong Martes ng gabi ay hindi na makita sa kanyang social media accounts ang 24 posts nito na pinagbasehan ng House Committee on Ethics and Privileges para patawan ito ng 60 araw na suspensyon na walang sahod at iba pang benepisyo. Noong Lunes ng hapon ay inayunan ng 249 congressmen…
Read MorePara iwas korupsyon SISTEMA NG PAGPOPONDO DAPAT REPORMAHIN – SOLON
IGINIIT ng tinaguriang billionaire congressman na kailangan nang repormahin ang sistema ng pagpopondo upang maiwasan ang matinding korupsyon sa bansa. Sa Kapihan sa Manila Bay, sinabi ni Batangas 1st District Rep. Leandro Legarda Leviste, maraming congressman na ang tutol sa ganitong korupsyon dahil sa maling sistema. Ang pahayag ni Leviste ay may kaugnayan pa rin sa isyu ng maanomalyang flood control projects ng gobyerno kung saan may mga mambabatas umanong sangkot sa korupsyon. Binanggit ni Leviste ang kapwa mambabatas na nag-alok sa kanya ng listahan ng mga bagong proyekto para…
Read MoreHIGIT 700K NAGPAREHISTRO NA PARA SA BSKE – COMELEC
MAHIGIT 700,000 aplikante na ang nagparehistro para bumoto sa 2026 Barangay at Sangguniang Kabataan elections (BSKE), halos kalahati ng target na 1.4 milyong bagong botante ng Commission on Elections (Comelec). Batay sa datos ng Comelec, may kabuuang 768,263 indibidwal ang nagparehistro para bumoto sa 2026 BSKE noong Nobyembre 30, 2025. Sa bilang, 600,275 ang kabuuang bilang ng mga regular na botante at 167,988 ang para sa Sangguniang Kabataan. Ayon sa Comelec, umabot sa 164,233 ang mga bagong SK voters. May kabuuang 845 ang inilipat sa ibang mga lungsod o munisipalidad…
Read More17 LGUs TUMANGGAP NG PATIENTS TRANSPORT VEHICLE MULA SA PCSO
TUMANGGAP ng patient transport vehicles mula sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang lahat ng Metro Manila mayors kasabay ng isinagawang huling Metro Manila Council Meeting ngayong taon sa lungsod ng Maynila. Pinangunahan ni MMDA Chairman Atty. Don Artes ang pagpupulong sa Diamond Hotel noong Martes ng hapon. Nagpasalamat naman si Artes sa mga mayor na dumalo at sa kanilang suporta sa buong taong 2025 at aasahan aniya na mas marami pang suporta ang matatanggap sa 2026. Ayon kay Artes, kasama sa kanilang pinag-usapan sa pulong ang programa ng DOH…
Read MoreSa gitna ng allocable issue vs Sandro FIRST FAMILY BUKAS SA LIFESTYLE CHECK
BUKAS ang First Family sa lifestyle check, ayon sa Malacañang, kasabay ng lumalalang isyu sa distribusyon ng “allocable” infrastructure funds. Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro, nabasa na ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ) report na nagpapakita na nakatanggap ang distrito ni presidential son Ferdinand Alexander “Sandro” Marcos ng P15.8 billion mula sa Department of Public Works and Highways (DPWH) allocable funds mula 2023 hanggang 2025—pinakamataas sa 252 congressional districts. Tiwala ang Pangulo na maipaliliwanag ng…
Read MoreDISABILITY DISCHARGE POLICIES NG PNP PINAREREPASO
IPINAG-UTOS ng hepe ng Pambansang Pulisya ang malawakang pagsusuri at pagrepaso sa disability discharge ng PNP. Kasunod ito ng naging pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kaugnay ng viral video ng isang army captain na nabulag matapos masabugan. Bahagi ito ng isinasagawang internal reforms ng organisasyon upang matiyak na ang mga law enforcer na napinsala ay makatanggap ng nararapat na pagkilala, wastong benepisyo, at pagkakataong makapagpatuloy ng serbisyo kung kaya pa. Kasabay nito, iniutos ng Pangulo sa Department of National Defense at Armed Forces of the Philippines na repasuhin at…
Read MorePAGREPASO SA PANUKALANG BUDGET PINAPAPASPASAN
AYAW ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng reenacted budget para sa 2026, kaya’t nanawagan ang Malacañang sa mga mambabatas: bilisan ang trabaho at huwag na patagalin ang pag-aaral ng panukalang badyet. Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro, “Bilisan ang trabaho. Dapat bilisan ang pag-aaral. Ayaw po ng Pangulo ng reenacted budget, alam po natin iyan. So, hangga’t maaari, bilis-bilisan natin—kahit kapos ang panahon, sana mas mapabilis natin.” Bago ito, nagbabala si Senador Sherwin Gatchalian na kapos na ang oras para maipasa ang 2026…
Read MoreBARZAGA SINUSPINDE NG 60 ARAW SA ‘DISORDERLY BEHAVIOR’
PINATAWAN ng 60 araw o dalawang buwang suspensyon na walang sahod at anomang benepisyo si Cavite Rep. Francisco “Kiko” Barzaga matapos mapatunayang guilty sa Ethics complaint na inihain ng kanyang mga dating kapartido sa National Unity Party (NUP) kaugnay ng mga umano’y hindi angkop na social media post. Sa ulat ni House committee on ethics and privileges vice chair Rep. JC Abalos sa plenaryo kahapon, sinabi nitong napatunayang lumabag si Barzaga sa Section 1(a), Rule 20 ng House Rules; Section 4(c) ng Republic Act 6713 o Code of Conduct and…
Read More