INSTANT milyonaryo ang isang maswerteng Caviteño matapos masolo ang jackpot prize ng UltraLotto 6/58 sa draw nitong Linggo ng gabi. Nakuha ng mananaya ang winning combination na 26-08-20-03-58-27, na may katumbas na ₱155,223,593.80. Ayon kay PCSO Vice Chairman at General Manager Melquiades “Mel” A. Robles, nabili ang tiket sa Sunny Brooke 1, Brgy. San Francisco, General Trias, Cavite. Samantala, 24 na indibidwal ang nakatsamba ng five-number match at makakakuha ng tig-₱120,000 bawat isa. Ginaganap ang UltraLotto 6/58 draw tuwing Martes, Biyernes at Linggo. (TOTO NABAJA) 91
Read MoreCategory: NEWS BREAK
P1.1-M SHABU NAKUMPISKA SA BUY-BUST, 2 TIMBOG
NASAMSAM ng mga tauhan ng Taguig City Police ang hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P1.1 milyon at naaresto ang dalawang lalaki sa isang buy-bust operation nitong Lunes. Isinagawa ng Station Drug Enforcement Unit ng Taguig Police ang operasyon sa South Union Drive, Arca South, Barangay Western Bicutan. Arestado ang dalawang mataas na value target na kinilalang sina alyas Christian, 23, at alyas Alex, 26, parehong residente ng Barangay South Signal Village. Nasabat sa operasyon ang 164.3 gramo ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P1.1 milyon, isang P500 bill na ginamit…
Read More5/6 at loan sharks maghahari na naman! Bagong interest loan cap ng SEC hinimok na pag-isipan
May niluluto na naman ang gobyerno — at ayon sa mga consumer advocate, mukhang hindi ito ulam para sa masa kundi lason sa bulsa. Sa binubuong bagong panukala ng Securities and Exchange Commission (SEC) kasi, papatawan raw ng mas mababang interest cap ang maliliit na utang. Parang maganda, diba? Pero ayon sa grupo ng CitizenWatch Philippines, imbes na proteksyon, peligro raw ito sa mga karaniwang Pilipino. Ikinabahala ng grupo na magpapasko na, pero imbes na mas lumuwag ang access sa maliit na pautang — lalo pa itong maaaring humigpit. Sa…
Read MoreDRUG TEST PARA SA DRAYBER PERO PRESIDENTE, LIBRE? – LCSP
(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) KUNG ang mga drayber ng public transport ay obligadong sumailalim sa periodic drug test para sa kaligtasan ng mga pasahero, bakit hindi pwedeng hilingin ang drug test para sa pangulo para matiyak na hindi adik ang nagmamaneho ng bansa? Ito ang tanong ni Atty. Ariel Inton, presidente ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP). Ayon kay Inton, istriktong ipinatutupad ng DOTr ang direktiba ng Pangulo na bawal magmaneho ang sinomang drayber o kundoktor kapag nasa impluwensya ng droga o alak. Kapag nagpositibo, suspendido agad ang…
Read MoreTunay na reporma sa pamahalaan, iginiit ng PolPhil: SANGKOT SA FLOOD CONTROL ANOMALIES PAPANAGUTIN
LUMAHOK ang political group na PolPhil o ang People’s Progressive Humanist Liberal Party sa kilos-protesta ng Trillion Peso March sa People Power Monument, EDSA upang hilingin ang pananagutan ng mga sangkot sa flood control project at ang pagpapatupad ng tunay na reporma sa pamahalaan. (PAOLO SANTOS) IGINIIT ng political group na People’s Progressive Humanist Liberal Party (PolPhil) na dapat papanagutin at makulong ang lahat ng sangkot sa umano’y maanomalyang ghost flood control project at sa mga nilutong bidding sa pamahalaan. Ayon sa grupo, hindi titigil ang lumalawak na kilos-protesta hangga’t…
Read MoreSAKSI NGAYON COLUMNIST BINIGYAN NG PARANGAL
KINILALA si Dr. Chie Umandap, kolumnista ng SAKSI Ngayon, bilang Distinguished Military Service Awardee — bilang pagpupugay sa kanyang makataong serbisyo, matatag na pamumuno, at tapat na dedikasyon sa kapwa. Ipinagkaloob ang parangal sa Centro Escolar University Dental Alumni Association Awards and Recognition Night na ginanap sa makasaysayang Manila Hotel, na dinaluhan ng mga iginagalang na propesor, alumni, at lider-komunidad na pawang nagtataguyod ng serbisyo publiko at kahusayan. Ayon kay Dr. Umandap, ang karangalang ito ay hindi lamang personal na tagumpay kundi paalala ng tunay na diwa ng paglilingkod sa…
Read MorePBBM, ZELENSKYY PINAGTIBAY PH–UKRAINE TIES
PINAGTIBAY ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang “mainit na ugnayan” ng Pilipinas at Ukraine matapos makausap sa telepono si President Volodymyr Zelenskyy nitong Huwebes. Sa kanilang pag-uusap, tinalakay ang posibleng pagtutulungan sa food security, agriculture at digitalization — bilang bahagi ng pagpapalakas ng partnership sa pagitan ng dalawang bansa. “I spoke with President Volodymyr Zelenskyy today to reaffirm our warm relations and discuss areas where our countries can work together,” ayon kay Marcos sa isang kalatas. Dagdag pa ng Pangulo, pinag-usapan din nila kung paano mapalalawak ang ugnayan ng…
Read MoreDOTr at CAAP makikipag-ugnayan sa Malaysia at Singapore; JETS NI ZALDY CO SAMSAMIN – PBBM
INATASAN na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang DOTr at CAAP na makipag-ugnayan sa Malaysia at Singapore matapos matukoy na posibleng doon itinatago ang helicopter at eroplano na pag-aari umano ni dating Ako Bicol party-list Rep. Elizaldy “Zaldy” Co. Ayon sa Pangulo, ang mga aircraft ay naka-rehistro sa Misibis Aviation and Development Corporation, kumpanyang pagmamay-ari umano ni Co. Ngunit dahil sa freeze order ng Anti-Money Laundering Council (AMLC), bawal nang galawin o gamitin ang mga ito. “Hindi puwedeng gamitin ang mga ari-arian na galing sa kaban ng bayan para tumakas…
Read More271 LOOSE FIREARMS, PORMAL NA IPRINISENTA AT SAKA WINASAK
CAMP SIONGCO, Awang, DOS, Maguindanao del Norte — NASA 271 piraso ng mga kagamitang pandigma ang opisyal na iprinisenta at isinailalim sa ceremonial destruction bilang bahagi ng Small Arms and Light Weapons (SALW) Program, kasabay ng pamamahagi ng livelihood assistance sa mga benepisyaryo sa Provincial Capitol, Buluan, Maguindanao del Sur. Ayon kay Brigadier General Edgar L. Catu, Commander ng 601st Unifier Brigade, ang nasabing mga armas ay kusang isinuko sa iba’t ibang yunit ng kanyang brigade at 1st Mechanized Brigade mula sa 15 bayan bilang suporta sa kampanya kontra sa…
Read More