VOLUME NG TRUCK SA MAYNILA LUMIKHA NG TRAPIK

LUMIKHA ng pagsisikip ng trapiko ang paglobo ng bilang ng mga truck na pumupunta at lumalabas ng mga pantalan ngayong Undas sa Capulong Street, sa Tondo, Maynila partikular sa area ng Manila International Container Terminal (MICT) access roads, ayon sa Philippine Ports Authority (PPA). Dahil dito, nakipagkoordinasyon ang PPA-MICT at International Container Terminal Services Inc. sa Manila Traffic and Parking Bureau at Metropolitan Manila Development Authority para magsagawa ng traffic management measures at tiyakin na isang lane lang ang ookupahin ng mga truck. “Affected truck drivers and other motorists are…

Read More

P482-M COUNTERFEIT APPARELS NASABAT NG BOC

NASABAT ng Bureau of Customs (BOC), sa pamamagitan ng kanilang Intellectual Property Rights Division, ang sari-saring pinekeng garments o counterfeit wearing apparel na nagkakahalaga ng P482 milyon, at may tatak ng mga kilalang international at local brands. Ang isinagawang operasyon ay kaugnay sa direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na mapaigting ang border security at protektahan ang consumers mula sa counterfeit at substandard goods. Ang shipment na dumating sa Port of Manila ay nagmula pa sa Bangladesh. Pero para iligaw at makaiwas sa profiling system ng Customs, ay idinaan…

Read More

BI FULL FORCE SA UNDAS

FULL force ang Bureau of Immigration (BI) sa lahat ng paliparang internasyonal sa buong bansa ngayong Undas, dahil inaasahang libu-libong biyahero ang magtutungo sa iba’t ibang destinasyon upang samantalahin ang mahabang weekend. Sinabi ng BI, inaasahan nilang dadagsa ang mga pasahero sa mga pangunahing paliparan simula Biyernes hanggang sa susunod na linggo kasunod ng pagdedeklara sa Oktubre 31 bilang special non-working holiday. Tiniyak ng BI ang maayos na pagproseso ng dumarating at umaalis na mga pasahero. Ayon kay BI Commissioner Joel Anthony Viado, nagpadala na ang ahensya ng karagdagang mga…

Read More

TRAFFIC ADVISORY SA MAYNILA NGAYONG UNDAS 2025

INANUNSYO ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) ang ilang kalsada na pansamantalang isasara at re-routing ng mga sasakyan upang mapanatili ang kaayusan sa paggunita sa Undas 2025. Ayon sa MTPB, isasara ang nabanggit na mga kalsada alas-10:00 ng gabi ng Oktubre 30, 2025 hanggang alas-7:00 ng gabi ng Nobyembre 3, 2005. Kabilang sa mga isasara ang kahabaan ng Blumentritt St. mula A. Bonifacio hanggang Aurora Blvd.; kahabaan ng Dimasalang mula Retiro St. hanggang Calavite St.; kahabaan ng Maceda mula Makiling St. hanggang Dimasalang St.; Southbound Lane ng Dimasalang Bridge;…

Read More

BI KASADO NA SA PAGDAGSA NG PASAHERO SA NAIA

KASADO na ang mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) at iba pang airport personnel sa international airports partikular sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), sa inaasahang pagdagsa ng mga biyahero ngayong Undas o long weekend. Ayon kay Immigration Spokesperson Dana Sandoval, full force ang deployment ng augmentation team para matiyak na sapat ang kanilang mga tauhan sa lahat ng counters at mabilis ang serbisyo sa mga pasahero. Asahan naman aniya na aabot sa higit 50,000 ang daily departures na mas mataas kumpara sa nakaraang taon. Paliwanag ng BI, tumaas…

Read More

NAGLALAMYERDANG ROLLS ROYCE HINDI SA DISCAYA COUPLE

AGAD pinabulaanan ng Bureau of Customs (BOC) na pag-aari ng mag-asawang contractor na sangkot sa DPWH projects scandal, ang nakitang Rolls Royce na naglalamyerda sa Metro Manila na mabilis na kumalat sa social media. Kasabay nito, nilinaw ng pamunuan ng BOC na nananatili sa kanilang kustodiya ang mga mamahaling sasakyan ng Discaya couple taliwas sa lumabas sa isang social media post na nagsasabing nakita umano sa Metro Manila na minamaneho ang isa sa luxury cars ng mga Discaya. Nilinaw ng BOC sa inilabas nilang pahayag, ang Rolls-Royce na ipinakita sa isang…

Read More

PASYENTE SA OSPITAL SINILBIHAN NG 7 ARREST WARRANTS

SUMUGOD sa isang kilalang ospital ang mga operatiba ng Maragondon Municipal Police Station (MMPS) upang isilbi ang pitong warrant of arrest sa isang lalaking top 2 most wanted person, regional level, sa Diliman, Quezon City noong Martes ng umaga. Bitbit ang pitong warrant of arrests na inisyu nina Presiding Judge Ralph S. Arellano, ng RTC, Fourth Judicial Region, Branch 132, Naic, Cavite; Presiding Judge Ruben E. Sevillano Jr., ng RTC, Fourth Judicial Region, Branch 15, Naic, Cavite; at Presiding Judge Flordeliz Cabanlit Fargas, Family Court, Fourth Judicial Region, Branch 5,…

Read More

TAX AMNESTY, 20% DISCOUNT SA AMILYAR SAMANTALAHIN – ISKO

HINIMOK ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso ang mga negosyante at may-ari ng lupa na samantalahin ang General Tax Amnesty ng lungsod at ang 20% diskwento sa maagang pagbabayad ng amilyar bago mag-Disyembre 10. Ayon kay Moreno, layunin ng amnesty program na tulungan ang mga taxpayer na malinis ang kanilang rekord habang nakatutulong sa fiscal recovery ng lungsod. Batay sa datos, umabot na sa P266 milyon ang nakolektang buwis mula nang ipatupad ang programa, kung saan nakatipid ang mga nag-avail ng halos P113 milyon sa multa at interes. Ipinaalala ng…

Read More

QUO WARRANTO VS TULFO HIHIMAYIN SA NOBYEMBRE

SISIMULAN na ng Senate Electoral Tribunal (SET) sa susunod na buwan ang pagdinig sa quo warranto petition laban kay Senador Erwin Tulfo kaugnay sa isyu ng kanyang citizenship. Kinumpirma ito ni Senador Kiko Pangilinan, miyembro ng SET, habang tiniyak naman ni Tulfo na handa siyang harapin ang kaso na inihain ng disbarred lawyer na si Berteni Cataluña Causing. Ayon kay Tulfo, apat na beses nang naghain si Causing ng disqualification case laban sa kanya sa COMELEC ngunit lahat ay naibasura. Maging ang tangkang pagpigil sa kanyang proklamasyon ay ibinasura rin…

Read More