PNP NAGLATAG NG SECURITY ADJUSTMENT SA NOV 30 RALLIES

INIHAYAG ng Philippine National Police (PNP) na magpapatupad ng security protocol adjustment ang kanilang hanay kasunod ng ikakasang mga kilos-protesta kontra korupsyon sa darating na Nobyembre 30. Ayon kay acting PNP chief, Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., nais nilang tiyakin ang seguridad sa isasagawang mga kilos-protesta para maiwasang maulit ang nangyaring karahasan sa Lungsod ng Maynila noong Setyembre. Aniya, maraming mahalagang aral ang natutunan ng PNP sa nangyaring insidente noong Setyembre 21 sa Maynila. Matatandaan na nagkaroon ng karahasan gaya ng paggamit ng debris at devices laban sa mga…

Read More

13 lalawigan very high-risk alert PAGASA NAGBABALA NG 3-METER STORM SURGE

MAKARAANG magdeklara ng tropical storm warning signal number 3 ang state weather bureau kahapon, naglabas ng babala ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ng posibleng 3-meter storm surge sa coastal provinces. Kinumpirma ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) at ng kanilang operating arm, ang Office of Civil Defense, kasabay ng 3-meter storm surge warning ng PAGASA ang pagpapalikas ng mga nasa low lying and coastal areas. Nabatid na nasa 13 probinsiya ang nasa ilalim ngayon ng Alert Level Charlie (Red), ayon sa Department of the…

Read More

ATTY. MAGNO PORMAL NANG ITINALAGANG NBI DIRECTOR

PORMAL nang isinalin ni Retired Judge Jaime Santiago ang pamumuno ng National Bureau of Investigation (NBI) kay Atty. Angelito Magno sa isang turn-over ceremony nitong Lunes ng umaga. Matatandaang naghain si Santiago ng kanyang irrevocable resignation noong Agosto. Si Magno, na nagsilbi bilang Assistant Director sa ilalim ng pamumuno ni Santiago, ay naitalaga muna bilang Officer-in-Charge bago tuluyang italagang NBI Director. Mainit siyang sinalubong ng mga opisyal at empleyado ng ahensya sa NBI headquarters. Itinuturing si Magno bilang “insider” dahil nagsimula siya sa pinakamababang posisyon bilang project worker noong 1991,…

Read More

PPA NAGKANSELA NG BIYAHE NG MGA BARKO

ILANG biyahe ng mga passenger vessel ang kinansela nitong Lunes dahil sa patuloy na pagsusungit ng panahon dulot ng Bagyong Tino na pinangangambahang umakyat pa sa Tropical Storm Warning Signal Number 4. Ayon sa Philippine Ports Authority (PPA), saklaw nito ang ilang mga pantalan sa Luzon, Visayas at Mindanao. Nitong Lunes ng umaga, kanselado ang mga biyahe ng Starlite Ferries patungong Caticlan, Sibuyan, at Roxas-Culasi, gayundin ang biyahe ng Montenegro Lines papuntang Odiongan, at ang Ocean Jet fastcraft papuntang Calapan. Tatlong biyahe ng Montenegro Shipping Lines sa Dapitan ang hindi…

Read More

97 INDIBIDWAL KINASUHAN SA SEPT 21 MANILA RIOT

KINASUHAN na sa Department of Justice (DOJ) ng Criminal Investigation and Detection Group ang 97 indibidwal kaugnay ng marahas na rally sa Mendiola noong Setyembre 21. Sa isinagawang press briefing nitong Lunes sa Camp Crame, sinabi ni CIDG acting director, MGen. Robert Alexander Morico III, sinampahan ng kaso ang mga ito sa Department of Justice noong Oktubre 28 dahil sa paglabag sa Article 142 (Inciting to Sedition), Article 136 (Conspiracy) at Article 139 (Sedition) ng Revised Penal Code. Ang mga kinasuhan ay kabilang sa mga lumahok sa violent assembly sa…

Read More

Para sa Trillion Peso March sa Nob. 30 SOCIAL MEDIA BINABANTAYAN NG PNP

TODO ang ginagawang online intelligence monitoring ng Philippine National Police (PNP) bilang bahagi ng paghahanda sa seguridad para sa November 30 “Trillion Peso March” sa Luneta, isang malawakang kilos-protesta laban sa multi-billion flood control scandal. Ayon sa PNP National Capital Region Police Office (NCRPO), kanila nang pinaigting ang social media surveillance dahil dito raw aktibong hinihikayat ang mga kabataan na lumahok sa naturang kilos-protesta. Mismong Malacañang ang nagpaalala sa mga awtoridad na bantayan ang mga agitator upang maiwasan ang karahasang tulad ng naganap noong September 21 rally sa Maynila. Tiniyak…

Read More

P25-B 2026 MANILA BUDGET APRUBADO NG CITY COUNCIL

APRUBADO na ng City Council ng pamahalaang lungsod ng Maynila ang pagpasa sa Ordinance No.8970 o ang paglalaan ng P25 bilyon para sa 2026 mula sa general fund ng Manila City Executive Budget. Pinangunahan ni Councilor Timothy Oliver Zarcal ang deliberasyon sa kanilang regular session para tiyakin ang maayos na pamamahala. Mga pangunahing pangangailangan ang binigyang prayoridad sa budget tulad ng pabahay, kalusugan, edukasyoh at trabaho kaagapay ang kaligtasan ng publiko at pagbangon sa ekonomiya. Ang 13th City Council ay naninindigan sa prinsipyo na “Where Manila goes, the country follows”.…

Read More

BABAE NATAGPUANG PATAY, NAKAGAPOS SA HOTEL SA MAYNILA

PATAY na nang matagpuan ang isang babae na nakagapos sa loob ng silid ng isang hotel sa Sta. Mesa, Maynila nitong Huwebes ng umaga, Oktubre 23, 2025. Batay sa ulat ng Manila Police District (MPD), ang biktima ay tinatayang 30 hanggang 35 anyos, may payat na pangangatawan, humigit-kumulang 5 talampakan ang taas, at nakasuot ng itim na t-shirt at black short pants nang matagpuan. Nakagapos ang kanyang mga kamay at wala nang buhay nang madiskubre. Ayon sa inisyal na imbestigasyon, bandang alas-7:00 ng umaga nang matagpuan ng hotel staff ang…

Read More

‘NO READ, NO WRITE’ NA PINOY DUMOBLE

NAGPAHAYAG ng matinding pagkabahala si Senador Sherwin Gatchalian matapos ilabas ng Second Congressional Commission on Education (EDCOM 2) ang ulat na dumoble ang bilang ng mga Pilipinong illiterate o hindi marunong bumasa at sumulat sa nakalipas na tatlong dekada. Batay sa 2024 Functional Literacy, Education and Mass Media Survey, tumaas sa 24.8 milyon ang bilang ng mga Pilipinong illiterate — kumpara sa 14.5 milyon noong 1993. “Hindi natin mareresolba ang krisis sa edukasyon kung milyon-milyon pa rin ang hindi marunong bumasa at sumulat. Dumoble na nga ito sa loob ng…

Read More