ARESTADO ang dalawang babae matapos mambudol ng P311,100.00 halaga ng alahas at cash, sa pagpapanggap na faith healer sa lungsod ng Valenzuela noong Linggo, Oktubre 19. Kinilala ni PCol. Joseph Talento, Acting Chief of Police ng Valenzuela City Police Station, ang mga suspek na sina alyas “Charie”, 34, at “Maria”, 50, pawang mga residente ng Barangay San Rafael, Montalban, Rizal. Kinilala naman ang mag-asawang biktima na sina Gilda at Domingo, kapwa 46-anyos at residente ng Barangay Mapulang Lupa, Valenzuela City. Ayon sa ulat, ulat ni PCpt. Robin Santos, hepe ng…
Read MoreCategory: NEWS BREAK
GSIS trustees, binanatan si Veloso: ‘ilusyon lang ang paglago, P8.8-B na lugi ang iniwan’
By Line Rudy Sim Mismong kasalukuyan at dating miyembro ng Board of Trustees ng Government Service Insurance System (GSIS) ang kumuwestiyon sa pamumuno ni GSIS President at General Manager Jose Arnulfo “Wick” Veloso, matapos umano nitong pagtakpan ang bilyong pisong pagkalugi gamit ang “ilusyon ng paglago” ng pondo ng ahensya. Ang pahayag ay lumabas ilang araw matapos manawagan ang ilang trustees ng kanyang “agarang at irrevocable” na pagbibitiw, bunsod ng umano’y P8.8-bilyong pagkalugi mula sa mga investisyong inilarawan nilang “mapanganib, hindi masusing sinuri, at kulelat sa kita.” Ayon sa mga…
Read MoreP19.2-M HIGH GRADE MARIJUANA PINALUTANG SA WPS
NASA pag-iingat na ng Philippine Drug Enforcement Agency ang 32 pakete ng hinihinalang “Kush” o high grade marijuana na natagpuan ng mga tauhan ng Philippine Navy sa dagat na saklaw ng West Philippine Sea. Pormal na itinurn-over ng Provincial Intelligence Unit (PIU)-Palawan Police Provincial Office (PPO) sa PDEA Palawan ang nasamsam na illegal drugs para sa follow-up operation at proper disposition. Ang nasabing kontrabando ay narekober ng Naval Task Force 41 na nasa pangangasiwa ng Western Naval Command, malapit sa Sabina Shoal na sakop ng West Philippine Sea malapit sa…
Read MoreMAHIGIT 1,600 PULIS-QC IDE-DEPLOY SA UNDAS 2025
MARIING tiniyak ng Quezon City Police District na mahigit 1,600 pulis ang kanilang ide-deploy para tiyakin ang seguridad ng publiko ngayong nalalapit na Undas. Sinabi ni PCol. Vicente Bumalay, chief ng District Operation ng QCPD, nakataas ngayon sa mataas na alerto ang mga pulis-QC at nakalatag na ang security plan ng QC Police para sa nalalapit na paggunita ng Undas. Sa ginanap na QC Journalist Forum nitong Oktubre 21, 2025 (Martes), tiniyak ni Col. Bumalay na aabot sa 1,646 tauhan ng pulisya ang kanilang ide-deploy sa matataong mga lugar tulad…
Read MoreDOH NAGLUNSAD NG MENTAL HEALTH AT ANTI-FLU CAMPAIGN SA CAVITE NATIONAL HIGH SCHOOL
PINANGUNAHAN nina Dr. Albert Francis E. Domingo, MSc, Officer-in-Charge–Assistant Secretary of Health at DOH Spokesperson, kasama si Ms. Maria Kristina May L. Marasigan, Director IV ng Health Promotion Bureau (HPB), ang programang “Care for Yourself, Care for Others” na ginanap sa Cavite National High School (CNHS) sa Cavite City nitong Oktubre 21, 2025. Ang aktibidad ay bahagi ng Mental Health Month Celebration ng Kagawaran ng Kalusugan (DOH) at ng Senior High School Department ng CNHS, na layuning itaguyod ang kalusugang pangkaisipan at kabuuang kapakanan ng mga mag-aaral. Binigyang-diin sa programa…
Read More2 DALAGITA NASAGIP SA SEX TRADE SA TONDO
NASAGIP ng mga pulis ang dalawang menor de edad na babae na umano’y ginagamit sa sex trade sa magkahiwalay na operasyon ng Women and Children Protection Center (WCPC) sa Tondo, Maynila. Unang nailigtas noong Oktubre 14 ang 14-anyos na dalagita na apat na araw nang nawawala. Ayon sa imbestigasyon, nasangkot umano ito sa sexual activities kapalit ng pera at madalas daw nakikitang labas-masok sa mga motel kasama ang iba’t ibang lalaki. Matapos ang unang operasyon, agad nagsagawa ng follow-up operation ang mga pulis at nasagip naman ang ikalawang biktima, isang…
Read MoreDAGDAG-BAWAS SA PRESYO NG LANGIS NGAYONG MARTES
MAGPAPATUPAD ng dagdag-bawas presyo sa mga produktong petrolyo ang ilang kumpanya ng langis simula Martes, Oktubre 22. Ayon sa abiso ng Shell, SeaOil, PetroGazz, at Cleanfuel, tataas ng ₱0.10 kada litro ang presyo ng gasolina, habang may bawas na ₱0.70 kada litro sa diesel at ₱0.60 naman sa kerosene. Karamihan sa mga kumpanya ng langis ay magpapatupad ng price adjustment alas-6:00 ng umaga, maliban sa Cleanfuel na karaniwang sumusunod bandang alas-12:01 ng hatinggabi. Noong nakaraang linggo, nagpatupad ang mga oil companies ng mixed fuel price adjustment kung saan gasolina lamang…
Read More2 SUSPEK SA SMS PHISHING SCAM, TIMBOG SA ACG
KALABOSO ang dalawang suspek na sangkot sa SMS phishing scam matapos ang magkahiwalay na operasyon ng Cyber Financial Crime Unit at Cyber Security Unit ng PNP Anti-Cybercrime Group (ACG). Ayon kay PNP-ACG Chief PBGen Bernard Yang, inaresto ang mga suspek sa magkahiwalay na lugar sa Mandaluyong City at Makati City sa bisa ng Warrant to Search, Seize, and Examine Computer Data (WSSECD). Batay sa ulat, nakatanggap ng impormasyon ang ACG hinggil sa paggamit ng mga suspek ng International Mobile Subscriber Identity (IMSI) Catcher, isang device na ginagamit para magpadala ng…
Read More‘LANDMARK PROJECTS’ KASADO SA MAYNILA — PBBM
INANUNSYO ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na mas marami pang proyekto ang ilulunsad ng pamahalaan upang maibalik ang ganda at buhay ng mga ‘landmarks’ ng Maynila, kasabay ng pagpapatuloy ng rehabilitasyon ng Pasig River. Ginawa ng Pangulo ang pahayag sa paglulunsad ng “Pasig Bigyang Buhay Muli (PBBM)” Pasig River Urban Development Project Phase 4 sa Metropolitan Theater, kung saan kanyang ibinahagi ang mga planong magpapabago sa mukha ng kabisera. Ayon kay Marcos, nagkaroon siya ng produktibong pag-uusap kay Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso hinggil sa mga key projects…
Read More