BUCOR BALAK MAGTAYO NG BILANGGUAN SA ANCESTRAL LAND NG NCIP

PINAG-AARALAN ngayon ng Bureau of Corrections (BuCor) ang posibilidad ng pagtatayo ng mga regional prison facilities sa mga lupaing ninuno na nasa hurisdiksyon ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP). Sa ilalim ng memorandum of understanding (MOU) na nilagdaan nitong Lunes nina BuCor Director General Gregorio Pio Catapang Jr. at NCIP Chairperson Dr. Margie Grace Pascua, iminungkahi ng BuCor ang paggamit at pagpapaunlad ng humigit-kumulang 1,000 ektarya ng ancestral land sa bawat rehiyon para sa pagtatayo ng mga bilangguan at penal farms. Ayon kay Catapang, layon ng proyekto na mapalapit…

Read More

NAGPAKALAT NG FAKE NEWS NA IKINAGALIT NI POLONG “HINA-HUNTING” NA

HINAHANAP na ng team ni House Deputy Speaker Paolo Ortega V ang mga nasa likod ng pagpapakalat ng umano’y fake news na labis na ikinagalit ni Davao City Rep. Paolo “Polong” Duterte nitong weekend. “My team is taking steps to trace the sources of these malicious claims and hold them accountable,” ani Ortega, kaugnay ng kumalat online na pahayag na umano’y sinabi niya: “The former President was never fighting a war on drugs. He was running a drug empire.” Mariing itinanggi ni Ortega ang pahayag, habang naglabas naman ng matinding…

Read More

2 ARESTADO SA ROBBERY CARNAPPING SA QC

IPINAGMALAKI ni Quezon City Police District (QCPD) Acting District Director, PCOL Randy Glenn G. Silvio, ang matagumpay na anti-criminality operation na nagresulta sa pagkakaaresto ng dalawang suspek na sangkot sa insidente ng robbery at carnapping sa Brgy. Old Balara, Quezon City, at pagkakabawi ng ninakaw na motorsiklo at baril. Ayon kay PLTCOL Romil C. Avenido, Station Commander ng Batasan Police Station 6, kinilala ang mga suspek na sina alyas “Vincent,” 29-anyos, residente ng Brgy. San Vicente, at alyas “Senen,” 17-anyos, residente ng Brgy. Krus na Ligas — kapwa taga-Quezon City.…

Read More

Komosyon sa Angono muling sumiklab MGA NEGOSYANTE HUMIRIT NG DAYALOGO SA ALKALDE

RIZAL — Muling sumiklab ang tensyon sa pagitan ng mga empleyado ng ilang business establishment at mga tauhan ng umano’y may-ari ng lupa sa loob ng Hillsdale Summit Subdivision, Barangay San Isidro, Angono, nitong Sabado ng gabi, Oktubre 18, 2025. Nagsimula ang sigalot matapos ihain ni Sheriff Ronaldo Olorcisimo ng RTC Binangonan ang Writ of Execution noong Oktubre 13, 2025, kaugnay ng desisyong pabor sa Park Developers, Inc. laban sa grupong pinamumunuan ni Romy Calinisan. Kaagad na naglatag ng barikada ang kumpanya sa nasabing lugar. Dakong ala-1 ng hapon, nagkagirian…

Read More

ELECTRONIC AND REGIONALIZED BAR EXAMS APRUB SA SC

SINIMULAN na ng Korte Suprema ang pag-institutionalize ng electronic at regionalized bar examinations bilang standard mode of admission sa legal practice sa pamamagitan ng pagbabago sa Rule 138 ng Rules of Court, o Amended Rules, sa isang resolusyon na may petsang Agosto 12, 2025. Binanggit ng Korte Suprema na ang Amended Rules ay produkto ng isang “malawak na pag-aaral” na isinagawa ng Subcommittee on the Admission to the Bar, na pinamumunuan ni Associate Justice Ramon Paul Hernando. Idinagdag pa ng Korte Suprema na ang bar examinees ay dapat sagutan nang…

Read More

ATONG ANG: IMBESTIGASYON SA MGA NAWAWALANG SABUNGERO, IBALIK SA CIDG

IGINIIT ni Charlie “Atong” Ang sa Department of Justice (DOJ) na ibalik sa Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang imbestigasyon sa kaso ng mga nawawalang sabungero. Sa kanyang sinumpaang affidavit na isinumite sa DOJ, hiniling ni Ang, sa pamamagitan ng kanyang abogado na si Atty. Gabriel Villarreal, na ang CIDG ang muling magsagawa ng imbestigasyon para matiyak na ito ay maayos at walang kinikilingan. Ayon kay Villarreal, isang mapagkakatiwalaang reinvestigation ng pulisya ang magbibigay-daan sa mas maayos na case build-up ng DOJ panel — na magiging katanggap-tanggap…

Read More

GEN. TORRE TETESTIGO LABAN KAY QUIBOLOY

NAKATAKDANG tumestigo si dating Philippine National Police (PNP) chief Nicolas Torre III laban kay Kingdom of Jesus Christ founder Apollo Quiboloy. Magugunitang ang on-leave police general ang nanguna sa ilang araw na paghahanap at tuluyang pagdakip kay Quiboloy, sa isinagawang search and law enforcement operation sa compound ng KOJC sa Davao City. Si Torre ay naghain ng kanyang official leave noong Agosto 26 na magtatagal hanggang Oktubre 31, matapos siyang halinhan ni Acting PNP chief Melencio Nartatez. Sa panayam ng media, inihayag ni Torre na nakatakda sa susunod na linggo…

Read More

P200-M KIKITAIN SA AUCTION SA LUXURY VEHICLES NG DISCAYA COUPLE

KINUMPIRMA ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) ang planong pagsusubasta sa luxury vehicles ng mag-asawang government contractor na sina Curlee at Sarah Discaya. Ayon sa Bureau of Customs (BOC), posibleng kumita ng hindi bababa sa P200 million kung isusubasta ang 13 luxury vehicles ng mag-asawang contractor. “Ang minimum na pwedeng kitain ng pamahalaan sa proceeds ng bidding ay should be a minimum of P200 to 220 million,” ani BOC commissioner Ariel Nepomuceno. Hawak ng Aduana ang 28 sasakyan nina Curlee at Sarah Discaya at binabalak na isubasta ang 13 sa…

Read More

ILI LOCKDOWN ITINANGGI NG DOH

ITINANGGI ng Department of Health nitong Biyernes ang ulat na nagpapatupad ng lockdown sa ilang lugar sa bansa sa gitna ng pagkalat ng influenza-like illnesses (ILI). Ayon kay Health secretary Ted Herbosa, walang planong lockdown –ang ulat ay isang fake news. Ginawa ni Herbosa ang pahayag dahil sa mga social media post na ilang lugar sa Luzon ang isinailalim sa lockdown dahil sa umano’y ILI outbreak. Muling inulit ni Herbosa na walang ILI outbreak o epidemic sa National Capital Region (NCR) at ang kasalukuyang bilang ng mga kaso ay inaasahan…

Read More