NANG-ENGGANYO SA MGA PINOY PAPUNTANG LAOS, ARESTADO

ARESTADO ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang lalaking itinuro ng apat na biktima ng human trafficking bilang utak ng pagre-recruit sa kanila papuntang Laos para magtrabaho bilang mga online scammer. Kinilala ng NBI ang suspek na si Jarwin Satinitigan, na ngayon ay nahaharap sa kasong large-scale illegal recruitment sa ilalim ng Republic Act (RA) 8042 o Migrant Workers and Overseas Filipinos Act of 1995, at qualified trafficking in persons sa ilalim ng RA 9208 o Anti-Trafficking in Persons Act of 2003. Ayon sa NBI, ginamit…

Read More

Mahigit 60 ghost projects nadiskubre ng militar DPWH HUMINGI NG TULONG SA AFP SA PAGTUNTON SA 16,000 FC PROJECTS

TAHIMIK na kumikilos ang Armed Forces of the Philippines para hanapin at tumulong na masuri ang mahigit 16,000 flood control projects ng Department of Public Works and Highways. Ayon kay AFP chief of Staff, General Romeo Brawner, personal na humingi ng tulong sa Hukbong Sandatahan si DPWH Secretary Vince Dizon para tumulong sa paghahanap at pagsusuri sa 16,000 flood control projects sa pamamagitan ng mga pangalan ng mga proyekto at coordinates nito. Nabatid na umaabot na sa 60 ghost flood control projects ang nadiskubre ng AFP mula sa 800 proyekto…

Read More

The Philippine Coffee Board holds its first Coffee Sustainability Congress, Sen. Francis “Kiko” Pangilinan, Chair of the Senate Committee on Agriculture, Food, and Agrarian Reform, serves as keynote speaker at the 1st Philippine Coffee Sustainability Congress held in Makati City. The event gathers leaders from the public and private sectors, growers, and advocates to discuss sustainability, traceability, and innovation toward securing the future of Philippine coffee. 148

Read More

COMELEC HANDANG MAKIPAGTULUNGAN SA ICI

HANDANG makipagtulungan ang Commission on Elections (Comelec) sa Independent Commission for Infrastructure (ICI) kaugnay sa isyu ng mga kandidato na tumanggap ng donasyon mula sa mga contractor ng flood control projects ng pamahalaan. Sinabi ni Comelec Chairman George Garcia, handa nilang ibigay ang lahat ng hawak nilang ebidensya na makatutulong para mapanagot ang mga kontratista at kandidatong tumanggap ng campaign donations mula sa government contractors. Ayon kay Garcia, sakaling makapagbigay na ng kumpirmasyon ang Department of Public Works and Highways (DPWH) na magpapatunay na mga kontratista ng gobyerno ang tumulong…

Read More

Sa government projects DPWH, PCC AT AMLC LUMAGDA PARA SA TRANSPARENCY

PALALAKASIN pa ng ilang ahensya ang transparency, integridad at accountability sa mga proyekto ng gobyerno, sinabi ng Department of Public Works and Highways (DPWH). Kasunod ito ng pagpasok sa kasunduan ang DPWH, Philippine Competition Commission (PCC), at Anti-Money Laundering Council (AMLC). Isinagawa ang Memorandum of Agreement (MOA) signing sa DPWH Central Main Office sa Port Area, Maynila sa pagitan nina DPWH Secretary Vivencio B. Dizon, Undersecretary Ricardo P. Bernabe III, PCC Chairperson Michael G. Aguinaldo, at AMLC Executive Director Atty. Matthew M. David. Ayon sa DPWH, ito ang kauna-unahang kasunduan…

Read More

Rep. Ordanes, nanawagan ng exemption sa buwis para sa mga senior citizen na nagtatrabaho

Nanawagan si Senior Citizens Party-list Representative Rodolfo “Ompong” Ordanes na mabigyan ng tax relief ang milyun-milyong senior citizen na Pilipino na patuloy pa ring bahagi ng workforce. Inihain ni Rep. Ordanes ang House Bill No. 2563 o ang “Income Tax Exemption for Senior Citizens Act” na naglalayong magbigay ng exemption sa income tax para sa mga Pilipinong edad 60 pataas na kumikita ng P800,000 pababa kada taon. Saklaw ng panukalang batas ang mga senior citizen na nagtatrabaho pa rin sa full-time, part-time, kontraktwal, o consultancy roles. Kasama rin sa exemption…

Read More

eSERVICES PLATFORM, OPISYAL NA INILUNSAD NG BI

OPISYAL nang inilunsad ng Bureau of Immigration ang kanilang eServices platform na konektado na ngayon sa eGovPH Super App. Layon ng bagong sistema na mapabilis at mapadali ang serbisyo para sa publiko sa pamamagitan ng Single Sign-On o SSD feature. Sa ilalim nito, sinabi ni BI Commissioner Joel Anthony Viado na maaaring magamit ang iisang account para ma-access ang iba’t ibang online services ng BI gamit ang kanilang eTravel o eGovPH Super App account. Bahagi ito ng direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magpatupad ng iisang digital framework sa…

Read More

OPERASYON VS SUSPECTS SA MISSING SABUNGEROS SUSPECTS IKINAKASA NA

INIHAYAG kahapon ng pamunuan ng Philippine National Police na nakahanda sila anomang oras na maglunsad ng law enforcement operation laban sa mga suspek kabilang ang negosyanteng si Atong Ang, oras na magpalabas ang Department of Justice ng kanilang resolusyon kaugnay sa kaso ng mga nawawalang sabungero. Ayon kay acting PNP chief, Lt. Gen Melencio Nartatez, sakaling magpalabas ng warrant of arrest laban sa mga suspek sa kaso ng missing sabungeros ay nakahanda ang PNP na umakto nang may koordinasyon sa mga kinauukulang yunits at korte para matiyak ang wasto at…

Read More

3 CONTAINERS NG CARROTS MULA SA CHINA NASABAT

TATLONG 40-foot containers ng misdeclared fresh carrots mula sa China, ang nasabat ng BOC-Port of Manila. Ayon kay District Collector Alexander Gerard Alviar, nadiskubre ang mga karot na nagkakahalaga ng mahigit P13.2 milyon, noong Oktubre 17 matapos ilabas ang Alert Order dahil sa derogatory report. Batay sa deklarasyon, nakasaad na bathroom fixtures, napkins at storage boxes ang laman ng shipment ngunit sa aktwal na inspeksyon ay nadiskubreng puro sariwang karot ang laman. Ayon naman kay Assistant Commissioner Vincent Philip Maronilla, nakahanda na ang mga legal na aksyon laban sa mga…

Read More