NAG-INHIBIT si Comelec Chairman Erwin George Garcia sa nagpapatuloy na imbestigasyon kaugnay ng isyu sa umano’y pagtanggap ni Senator Francis Escudero ng P30 milyong campaign donation noong 2022 mula sa isang government contractor, na malinaw na ipinagbabawal sa ilalim ng Section 95 ng Omnibus Election Code. Ayon kay Garcia, ipinauubaya niya sa Political Finance and Affairs Department (PFAD) ng Comelec na siyang nakatoka sa data gathering at fact-finding, ang pagpapasya kung itutuloy ang kaso laban kay Escudero. Ipauubaya rin ng Comelec sa nasabing opisina kung kakasuhan ang government contractor na…
Read MoreCategory: NEWS BREAK
CHAIRMAN NG ETHICS COM NIRESBAKAN NI CONGMEOW
MATAPOS simulan ng House Committee on Ethics and Privileges ang pagdinig sa reklamo laban sa kanya, niresbakan agad ni Cavite Rep. Francisco “Kiko” Barzaga ang chairman ng komite na si 4Ps party-list Rep. Jonathan Clemente (JC) Abalos. Sa isang social media post, ibinunyag ni Barzaga na ang reklamo ay inihain laban sa kanya ng mga miyembro ng National Unity Party (NUP) sa pangunguna ni Antipolo Rep. Ronaldo Puno. “I still stand with a firm belief that my actions against the corrupt Marcos administration are righteous, and that our country will…
Read MoreCOMELEC HIHIRIT NG P1.3-B DAGDAG PONDO PARA SA 2026 BARMM ELECTION
HIHIRIT ang Commission on Elections sa Senate Committee on Finance ng karagdagang P1.3 bilyon para matuloy ang BARMM Parliamentary Elections sa 2026. Ayon kay Comelec Chairman Erwin George Garcia, natapos na ang deliberasyon sa Kamara kaya hindi na naihabol ng komisyon ang karagdagang pondo sa plenaryo. Umaasa si Garcia na maihahabol pa nila ang hinihiling na pondo, lalo na’t P1.2 bilyon ang nasayang na pondo ng taumbayan, kung saan kalahating bilyong piso ang nagastos sa pag-imprenta ng mga balota. Ito ay matapos ideklara ng Korte Suprema na labag sa batas…
Read MoreBayanihan para sa Cebu: FPJ YOUTH NAGHATID NG TULONG SA MGA BIKTIMA NG LINDOL
L-R: Mr. Ruben Licera, Sugbo News and Cebu People’s Action Center Head; Atty. Resti Arnaiz, Cebu Emergency Operations Center Manager; Jaycen Franco, FPJ Youth National President; at Mr. Rodrigo Tanza Jr., Cebu Emergency Operations Center Co-Manager MANILA – Nag-abot ng tulong ang FPJ Youth nitong Martes, Oktubre 14, sa Pamahalaang Panlalawigan ng Cebu para sa mga naapektuhan ng malakas na lindol at libo-libong aftershocks sa lalawigan. Sa pangunguna ng FPJ Panday Bayanihan Party-List, nagdala ang grupo ng mga kabataan ng 5,000 kilo ng bigas, mga tolda, at isang generator — mga kagamitang kailangan…
Read MorePAGBAHA SA MAUBAN, QUEZON MISTULANG ‘TINUTULUGAN’ NG GOV’T OFFICIALS
QUEZON – Umangal ang mga residente ng bayan ng Mauban dahil sa tila kawalan umano ng aksyon ng mga awtoridad sa walang katapusang pagbaha sa kanilang bayan na muling naranasan nitong Martes ng umaga, Oktubre 14, matapos ang magdamag na malakas na ulan. Ayon sa mga residente, halos buong kabayanan, kabilang ang Poblacion at karamihan sa mga barangay, ay lubog sa baha na mistulang dagat na ang itsura. Itinuturong dahilan ng ilan ang umano’y maling disenyo ng bypass road, na anila’y hindi nasunod ang orihinal na plano dahil sa pagdaan…
Read MorePNP MAY POI NA SA PINASLANG NA NIA WHISTLEBLOWER
MAYROON nang person of interest sa pamamaslang kay Niruh Kyle Antatico, ang whistleblower mula sa National Irrigation Administration (NIA) Region 10, ayon kay Police Regional Office (PRO) 10 Director Police Brig. Gen. Christopher Abrahano. Sa isang panayam sa telepono ng mga mamamahayag sa Camp Crame, sinabi ni Abrahano na kumpiyansa sila sa kanilang isinasagawang imbestigasyon at malapit na nilang matukoy ang mga suspek na may malaking partisipasyon sa krimen. Naglaan na rin ang National Office ng NIA ng ₱100,000 reward money para sa makapagbibigay ng impormasyon na makatutulong sa agarang…
Read MoreGRENADE BLAST SA BACOLOD INIIMBESTIGAHAN
PINAIIMBESTIGAHAN ni Police Regional Office–Negros Island Region (PRO-NIR) chief Police Brig. Gen. Arnold Thomas Ibay ang pagpapasabog ng granada sa Bacolod City noong Martes ng madaling araw. Kasabay nito, inatasan ni Ibay ang Bacolod City Police Office (BCPO) na paigtingin ang kanilang intelligence at police visibility operations sa tulong ng mga lokal na opisyal at iba pang law enforcement agencies upang agad maresolba ang kaso. Batay sa paunang imbestigasyon, dalawang hindi pa nakikilalang riding-in-tandem suspects ang naghagis ng granada sa isang garahe bandang alas-2:30 ng madaling araw sa Bangga Salgado,…
Read MoreMAYOR VICO MULING BUMIRA LABAN SA MGA TIWALING OPISYAL
ISA sa mga naging highlight ng huling State of the City Address (SOCA) ni Pasig City Mayor Vico Sotto nitong Lunes, Oktubre 13, 2025, sa Tanghalang Pasigueño, ay ang matapang niyang pahayag laban sa katiwalian at korapsyon sa lungsod. Bago ito, muling ipinagmalaki ni Sotto ang mga repormang naisakatuparan ng kanyang administrasyon sa loob ng anim na taon, kabilang ang mga pagbabago sa scholarship program, sports development para sa kabataan, at iba’t ibang proyekto sa iba’t ibang sektor ng lipunan. Ayon sa alkalde, hindi naging madali ang laban kontra katiwalian…
Read MoreESKWELAHAN SA PASAY ININSPEKSYON
PASAY CITY — Pinangunahan ni Mayor Emi Calixto-Rubiano ngayong Martes, Oktubre 14, 2025, ang inspeksyon sa mga paaralan sa lungsod kasunod ng utos ng DepEd na tiyaking ligtas ang mga gusali matapos ang sunod-sunod na lindol at pagtaas ng influenza-like illness sa mga mag-aaral. Kasama sa inspeksyon sina Engr. Johari Rangiris ng City Engineering Office at Dr. Joel Torrecampo ng DepEd. Umabot na umano sa 200 kaso ng flu-like virus sa Pasay mula Hunyo, ngunit walo na lang ang aktibong kaso. Ipinakita rin ng alkalde ang matitibay na lamesa, hard…
Read More