DISCAYA COUPLE WALA PANG SENYALES NG PAG-ATRAS SA DOJ

SA kabila ng pag-atras ng mag-asawang Discaya na makipagtulungan sa Independent Commission for Infrastructure (ICI), sinabi ni Prosecutor General Richard Anthony Fadullon, wala pang pahiwatig na hindi na rin sila makikipagtulungan sa Department of Justice (DOJ). Giit ni Fadullon, maaapektuhan ang kanilang aplikasyon bilang state witness dahil sa pag-atras nila sa pakikipag-ugnayan sa ICI. Wala rin aniya sa posisyon ang mga ito na diktahan ang DOJ kaugnay ng kanilang aplikasyon. “They’re applying for supposedly witness protection coverage. And we have our procedures to determine whether or not they will be…

Read More

Nakipagpulong si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Atty. Vigor Mendoza sa mga transport leaders, operators at iba pang cooperative groups nationwide na ginanap sa consultative assembly upang talakayin ang mga problemang bumabalot na nakaaapekto sa industriya ng transportasyon kahapon sa Quezon City. PHOTO BY: BENEDICT ABAYGAR, JR. 187

Read More

3% PINOY LANG HINDI NANINIWALANG TALAMAK NAKAWAN SA GOBYERNO – SURVEY

TANGING 3% ng mga Pilipino ang hindi naniniwalang malaganap ang korupsyon sa gobyerno, ayon sa pinakabagong survey ng Pulse Asia, habang 59% naman ang nagsabing “normal” na bahagi na ito ng pulitika sa bansa. Batay sa survey na isinagawa noong Setyembre 27–30, lumabas na 97% ng mga Pilipino ang naniniwalang talamak ang korapsyon — 78% dito ay nagsabing “napaka-malaganap,” habang 20% naman ang nagsabing “somewhat widespread.” Lumabas din sa pag-aaral na 85% ng mga respondents ang nakapansin ng paglala ng korapsyon sa nakalipas na taon. Pagdating sa mga imbestigasyon sa…

Read More

Isinauli ng DILG: PNP MAY P500 MILLION INSERTIONS SA 2025 BUDGET

ISINAULI ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang umano’y ₱500 milyon “insertion” sa intelligence funds ng Philippine National Police (PNP) para sa 2025, matapos igiit ni Secretary Jonvic Remulla na hindi naman nila ito hiniling. Sa 2026 DILG budget briefing kahapon, lumutang ang isyu nang tanungin ni Sen. Sherwin Gatchalian, chairman ng Senate Committee on Finance, kung bakit nabawasan ng ₱500 milyon ang intelligence fund ng ahensya—mula ₱1.3 bilyon noong 2025 ay naging ₱800 milyon na lang sa 2026. Ayon kay Remulla, natuklasan nilang ang naturang pondo…

Read More

Usap-usapan sa social media DOH SEC HERBOSA NA-‘HULI CAM’

KUMALAT sa social media ang video clip na naglalarawan na na-‘huli cam’ si Department of Health Secretary (DOH) Ted Herbosa ng isang television network nang inspeksiyunin nito ang isang Super Health Center (SHC) sa Marikina City. Narinig sa live interview ng isang TV network si Herbosa na nagsalita ng “At least tayo ang nag-expose. It’s better na tayo nag-expose kaysa tayo ma-expose. Bahala na sila magpaliwanag.” Ang pahayag ni Herbosa ay ukol sa SHC ng Concepcion Dos na tinawag niyang non-operational. Subalit sinabi ng lokal na pamahalaan na nagpasya itong…

Read More

DEPED PINURI SA PAGLULUNSAD NG EDUKASYON TUNGKOL SA WPS

PINURI ni Dr. Jose Antonio Goitia, Chairman Emeritus ng apat na makabayang organisasyon, ang plano ng Department of Education (DepEd) na isama sa kurikulum ng mga mag-aaral ang aralin hinggil sa West Philippine Sea (WPS), at tinawag itong “matalino at makabayang hakbang para palakasin ang kamalayang pambansa.” Ayon kay Goitia, ang pagtuturo tungkol sa WPS sa mga silid-aralan ay mahalaga upang mapalakas ang depensa ng bansa laban sa disimpormasyon at panlabas na banta. “Hindi mo maipagtatanggol ang isang bagay na hindi mo alam,” pahayag ni Goitia. “Kapag itinuro natin sa…

Read More

𝐏𝐫𝐞𝐩𝐚𝐫𝐞 𝐟𝐨𝐫 ‘𝐔𝐧𝐝𝐚𝐬’ 𝐞𝐱𝐨𝐝𝐮𝐬, 𝐂𝐡𝐚𝐢𝐫𝐦𝐚𝐧 𝐌𝐞𝐧𝐝𝐨𝐳𝐚 𝐨𝐫𝐝𝐞𝐫𝐬 𝐋𝐓𝐅𝐑𝐁 𝐑𝐃𝐬, 𝐭𝐫𝐚𝐧𝐬𝐩𝐨𝐫𝐭 𝐜𝐨𝐦𝐩𝐚𝐧𝐢𝐞𝐬

In line with the instruction of President Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. to ensure passenger comfort and safety, the Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), under the guidance of Department of Transportation (DOTr) Secretary Giovanni Z. Lopez, ordered all regional directors to start conducting inspections on all bus and other transport terminals in preparation for the influx of passengers for the All Saints and All Souls Days on November 1 and 2. LTFRB Chairman Atty. Vigor D. Mendoza II said all bus companies and transport operators were also instructed…

Read More

DTI tiniyak ang balanseng pagtingin sa UFCC, Umaasang maibaba ang planong pagpataw ng safeguard duty sa pag-angkat ng semento

Tiniyak ng Department of Trade and Industry (DTI) na isasaalang-alang nito ang kapakanan ng mga mamimili, lokal na industriya, at iba pang sektor kaugnay ng planong pagpapataw ng taripa sa imported na semento. Ito ay kasunod ng panawagan ng isang consumer group na huwag ituloy ang nakatakdang taripa na, ayon sa kanila, magtutulak sa pagtaas ng presyo ng mga materyales sa konstruksyon. Ayon sa DTI, layon ng taripa na maprotektahan ang mga lokal na manufacturer laban sa labis na pag-angkat ng semento na maaaring makasama sa lokal na produksyon. Gayunman,…

Read More

EX-PNP CHIEF ACORDA, BAGONG PAOCC EXECUTIVE DIRECTOR

ITINALAGA ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si dating Philippine National Police (PNP) chief Gen. Benjamin Acorda Jr. bilang executive director ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC). Papalitan ni Acorda si Undersecretary Gilbert Cruz, na dating nagsilbi rin bilang PNP Academy (PNPA) chief bago italaga sa PAOCC noong Enero 2023. Matatandaang pinamunuan ni Acorda ang PNP mula Abril 2023 hanggang Marso 2024. Isa siyang miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) “Sambisig” Class of 1991 at nagsilbi rin bilang director ng PNP Directorate for Intelligence bago maging hepe ng pambansang pulisya.…

Read More