YORME ISKO: TAYO’Y MAGBIGAYAN, MAGMAHALAN

PUNTO DE BISTA ni BAMBI PURISIMA SA panahon ng Kapaskuhan, iwinaksi muna nina Manila Mayor Isko Moreno at Vice Mayor Chi Atienza ang alitang politika at naghatid ng mainit, masarap na pagbati sa lahat ng mamamayang Pilipino, lalo na sa kapwa nila Manilenyo. Sa isang maikling mensahe, kapwa humiling sina Yorme at Chi ng isang maligayang kapaskuhan sa lahat. “Kami po ay bumabati ng isang Maligayang Pasko!” sabi nina Yorme Isko at Vice Chi. “Together we will make Manila great again,” ay marubdob na isinapuso nina Yorme at Chi. Sa…

Read More

REGALONG HINDI NABIBILI

CLICKBAIT ni JO BARLIZO MAGANDANG mensahe ang ibinahagi ni Pope Leo XIV bago sumapit ang Kapaskuhan. Simple pero may kurot, at tumatagos. Sa panahon na ang Pasko ay sinusukat sa dami ng handa at laki ng gastos, binaligtad ng Santo Papa ang pamantayan. Aniya, kapayapaan ang tunay na regalo. “Before the holy night of #Christmas, find one person with whom to make peace.” Post ng Santo Papa sa social media. Isang pangungusap, isang hamon. Hindi ito paanyaya sa engrandeng ritwal, kundi sa isang tahimik ngunit matapang na hakbang—ang makipagkasundo. Sa…

Read More

BATANGAS GOV. VILMA SANTOS-RECTO DUMEPENSA SA PAGMAMALIIT NIYA RAW SA MGA ORDINARYONG TAO!

TARGET ni KA REX CAYANONG SA panahon ng social media kung saan mabilis kumalat ang impormasyon—totoo man o mali—nagiging mapanganib ang pinuputol na pahayag at iniaahon sa sariling naratibo. Ito ang sitwasyong kinasangkutan ni Batangas Governor Vilma Santos-Recto, na kamakailan ay inakusahan online na umano’y binatikos ang mga ordinaryong mamamayan. Ngunit sa masusing paglilinaw ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, malinaw na hindi ang taumbayan ang puntirya ng Gobernador, kundi ang lumalalang kultura ng maling impormasyon. Ang kumakalat na mga post, ayon sa tanggapan ng Gobernador, ay pira-pirasong bahagi lamang ng…

Read More

MAS MARUNONG PA SA KORTE SUPREMA?

CLICKBAIT ni JO BARLIZO MAY mga ayaw paawat. Kahit malinaw na ang sagot, sige pa rin sa sampa ng kaso kahit hindi rin malinaw kung saan talaga patutungo ang reklamo. Heto isang example: ang isinampang kaso laban kay acting Executive Secretary Ralph Recto. Isipin n’yo ito: ilang mahistrado na ng Korte Suprema ang nagsabing walang kriminal na pananagutan si Recto. May paliwanag. May legal na batayan. May malinaw na rason. Pero may ilang grupo pa ring sumisigaw na, “Hindi, may kaso pa rin.” So ano ‘yon—mas marunong pa kayo kaysa…

Read More

KAYA PALA INUULAN NG BLACK PROPAGANDA SI CHIZ

SA pag-amin ni Department of the Interior and Local Government Sec. Jonvic Remulla na pinag-iisipan niyang tumakbo sa 2028 presidential elections, maraming naniniwala na mas nagiging klaro na ngayon kung bakit kabi-kabila ang nangyayaring black propaganda laban kay Sen. Chiz Escudero. Maaaring nagpahiwatig lang si Jonvic sa kanyang presidential ambition upang masukat ang sentimyento ng mga Pilipino, o maaaring senyales na maaga na siyang naghahanda para sa pagtakbo. Kasabay ng pahayag, kapansin-pansin ang pagbanggit ni Jonvic sa pangalan ni Chiz bilang isa ring posibleng kandidato. Ito’y sa kabila ng katotohanang…

Read More

DEHADO ANG MIDDLE CLASS

DPA ni BERNARD TAGUINOD DEHADONG-DEHADO ang middle class sa mga congressman at senador dahil sa pamumulitika ng mga ito. habang binebeybi naman nila ang upper class at lower class kung saan nanggagaling ang malaking bulto ng boto. Bakit kanyo? Sa middle class galing ang malaking bahagi ng buwis lalo na ang income tax na agad na kinakaltas sa kanilang sahod bago pa matanggap ng mga ito ang kanilang suweldo, excise tax kapag nagpakarga sila ng gas sa kanilang sasakyan at value added tax (VAT) kapag ibinili nila ang natirang pera…

Read More

NAHAHAWAAN NA BA TAYO NG KAUGALIAN NG MGA HAPON AT KOREANO?

PUNA ni JOEL O. AMONGO NA-PUNA natin na tila nagbabago na ata ang pananaw ng mga Pilipino sa nangyayaring korupsyon sa pamahalaan. Nitong nakaraan ay natagpuan ang bangkay ni dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Undersecretary Catalina “Cathy” Cabral sa malalim na bangin sa Tuba, Benguet na hindi pa natin malaman kung nagpakamatay o itinulak na naging dahilan pagkalaglag niya. May foulplay man o wala sa pagpanaw ni Usec. Cabral, maaaring ang naging dahilan ay ang pagkakadawit niya sa bilyun-bilyong pisong maanomalyang proyekto na ipinatutupad ng DPWH. Matatandaang…

Read More

BAGONG TAON, BAGONG PAG-ASA!

AT YOUR SERVICE ni KA FRANCIS BAGAMA’T maraming naging kontrobersiya ngayong taon (2025) na ating nasaksihan sa mga opisyal ng pamahalaan at ilang elected officials, maraming Pilipino pa rin ang umaasa at naniniwala na sa pagpasok ng bagong taon ay nagkakaroon sila ng panibagong pag-asa. Subok na matatag at matibay ang mga Pinoy, kaya kahit anong hirap ang ating hinaharap ay nalalagpasan pa rin natin. Sa mga mahihirap, kapag natikim sila ng tagumpay ay bonus na sa kanila ‘yun kasi sanay na sila kahirapan. Kadalasan nagkakaroon tayo ng problema sa…

Read More

OFW SA SAUDI HUMIHINGI NG SAKLOLO MATAPOS MAKARANAS NG PANANAKOT AT TRAUMA

OFW JUAN ni DR. CHIE LEAGUE UMANDAP ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang dumulog sa Saksi Ngayon upang humingi ng tulong matapos umanong makaranas ng matinding takot at trauma sa kanyang trabaho sa Saudi Arabia. Ang OFW ay kinilalang si Rolilyn Pambid, 24-taong gulang at kasalukuyang nagtatrabaho bilang on-call residential cleaner sa Riyadh, Saudi Arabia. Ayon sa salaysay ni Rolilyn, siya ay dumating sa Saudi Arabia noong Nobyembre 13, 2025 sa ilalim ng lokal na ahensiyang Placewell International Services Corporation at ng employer na Musanid Almawarid for Operation and Maintenance,…

Read More