HINDI NA BAGO KAY MON TULFO ANG LIBEL

NAGING malaking isyu nitong nakaraang linggo ang pagkaka-aresto sa aking amang si Ramon Tulfo sa Manila City Hall dahil sa kasong cyber libel na isinampa sa kanya ng dating kalihim ng Department of Justice (DOJ) na si Vitaliano Aguirre II, dalawang taon na ang nakararaan. Hindi na bago para sa ­aking ama ang masampahan ng kasong libel dahil sa kanyang trabaho bilang kolumnista. Noong dekada ’80, ipinakulong ito ng ­ilang oras ng dalawang huwes sa Bataan at Olongapo, matapos na isiwalat nito ang mga maling gawain ng mga naturang huwes…

Read More

RESPETO!!!

PRO HAC VICE Ni BERT MOZO “SANA ALL” kagaya ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III! Ganyang klaseng pulitiko ang dapat tularan ng karamihan na kahit talunan ay ‘di mo kakikitaan ng kung ano pa man, isang tunay na lingkod bayan at mayroong prinsipyo at kaalaman sa kanyang hinahawakang tungkulin. Ang sinasabi ko po ay ang matapang na pahayag ni ­Senate President (SP) Vicente “Tito” Sotto III na walang ­maaaring makasansala sa kanila o sa Senado at Congress sa pag-canvass ng mga boto ng mga nanalong pangulo at ikalawang pangulo…

Read More

BANGON MARAWI, PANGARAP PA RIN

LIMANG taon makaraan ang nakapanlulumong pagkawasak ng isang lungsod sa ­gawing timog ng bansa, nananatiling pangarap ang katuparan ng pangakong pagbangon ng Pangulong nag-utos na pulbusin ang Marawi City na noo’y pinamamahayan ng mga terorista. Gayunpaman, naniniwala ang administrasyong Duterte na muling babalik ang sigla ng Marawi sa kanilang isinasagawang rehabilitasyon. Ang problema, isang buwan na lamang ang nalalabi sa kanyang termino at kung pagbabatayan ang pahayag ni Housing Secretary Eduardo del Rosario na siya ring kumukumpas sa Task Force Bangon Marawi, tila hindi na posibleng matapos sa Hunyo 30…

Read More

WANTED: HEALTHCARE WORKERS

KUNG pagbabatayan ang mga datos na isinapubliko ng Department of Health (DOH), tila humuhupa na ang bilang ng mga positibo sa nakamamatay na COVID-19. Gayunpaman, malinaw na nananatili pa rin ang banta ng pandemya. Subalit sa hindi inaasahang pagkakataon, biglang humirit ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA) na nagsusulong na itaas ang overseas deployment cap ng Filipino healthcare workers. Giit ng POEA, napapanahon nang pahintulutan ang pag-alis ng 7,500 healthcare workers kada buwan – katumbas ng 90,000 doktor, nars at iba pang health professionals. Ang totoo, sadyang maraming Filipino healthcare…

Read More

FR. ROBERT REYES ALAGAD KA BA TALAGA NG SIMBAHAN? PUNA Ni JOEL AMONGO

MARAMING nagtatanong sa PUNA kung alagad ba talaga ng simbahan itong tinatawag nilang Running Priest na si Fr. Robert Reyes. Kung talagang alagad daw ito ng simbahan (Katolika), bakit ganyan ang kanyang pananaw? Ang tinutukoy po ng ating mga tagasubaybay ay ang panghihikayat nito na tutulan ang pag-upo ni dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. Si Mang Robert mismo ang nanguna sa isinagawang rali kamakailan sa harapan ng Commission on Elections (COMELEC) hinggil sa isyu na kanilang inilatag hindi kasi nila matanggap ang pagkapanalo ng batang Marcos. Duda sila sa…

Read More

FOOD CRISIS? DPA Ni BERNARD TAGUINOD

KUNG merong umiilaw ang mata sa babala ni Department of Agriculture (DA) Secretary William Dar na magkakaroon ng food crisis ay ang importers kasama na ang smugglers. Bago ang babala ni Dar, pinangangambahan ang food crisis sa mundo dahil sa giyera sa Ukraine na itinuturing na world granary dahil sila ang may pinakamalaking produksyon sa wheat na ginagawang arina. Tandaan natin, hindi ganun kalaki ang konsumo natin sa arina dahil ang staple food natin ay bigas kaya hindi ko alam kung bakit nagbabala si Dar na magkakaroon ng food crisis…

Read More

NAGLAHONG PANGARAP NG MGA PANATIKONG PINKLAWAN OPEN LINE Ni BOBBY RICOHERMOSO

TULUYAN nang napatid ang kaisa-isang hibla na pinanghahawakan ng mga panatikong pinklawan na makaupo pa sa Malakanyang ang manok nila na si Leni Robredo kahit alam nilang natalo naman ito noong nakaraang eleksyon kay incoming President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos. Sa totoo lang ay hindi ko maubos-maisip kung saan ­kumukuha ng kapal ng mukha ang mga talunang pinklawan na ito para pangarapin pa nila na makakaupo pa si Leni ­samantalang naging maayos at malinis naman ang eleksyon. Dahil nga sa maayos na ­halalan at sa bilis ng ­transmission ng resulta ng…

Read More

PAGBABAGO SA ILALIM NI SBMA CHAIRMAN PAULINO

NARAMDAMAN agad ng mga negosyante ang magandang pagbabago sa ilalim ng pamumuno ni dating ­Olongapo Mayor Rolen C. Paulino buhat nang maupo nitong nakaraang Marso bilang Chairman & ­Administrator ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) na taga-pangasiwa ng Subic Bay Freeport Zone. Ito Ang Totoo: marami ang umaasa na magpapatuloy ang mga pagbabago na magpapagaan sa pagnenegosyo at lumikha ng trabaho para sa mamamayan ng mga komunidad sa paligid nito. Walang problema kay Chairman Paulino, pero may ilang dati nang naka-pwesto na dapat niyang matuwid kung paano magtrato sa mga…

Read More

KAMPO NI LENI ‘DI PA NAKA-MOVE ON?

TILA nagkukubli ang ­ma­raming anino sa likod ng isang talunang presidential candidate na naghihintay na sila’y mapaboran sa maruming taktika na laro sa pulitika, kasapakat ang mga posibleng pinakawalan nitong mga indibidwal na hindi matanggap ang boses at desisyon ng mahigit 31 milyong sambayanang Pilipino na inihalal si elected President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. bilang ika-17 Pangulo ng Republika ng Pilipinas. Hindi pa man naiproklama si BBM ay dalawang petisyon ang isinumite ng dalawang grupo sa Supreme Court, una ay ang inihain ng grupo ni Fr. Christian Damaso ‘este Buenafe…

Read More