ISA ka ba sa nabahala noong inilipat sa National Treasury ang hindi nagamit na pondo ng PhilHealth? Ang bilis kumalat ng kung anu-anong mga haka-haka noon. May nagsabi pang baka raw mabawasan ang benepisyo ng mga miyembro, at meron namang agad nagduda sa proseso. Pero naging maayos, legal, tama, at para sa kapakinabangan ng mas maraming Pilipino ang pagbalik ng mga unutilized government subsidies. Nasa General Appropriations Act of 2024 mismo ang legal na mekanismo para ma-realign ang sobrang pondo ng mga ahensya para sa mas malawak at mas urgent…
Read MoreCategory: OPINYON
COLOR CODING ANG CORRUPTION SA BI
MATAPOS ang ating pambibisto sa natuklasang katiwalian sa Bureau of Immigration kung saan ay nawindang ang mundo ng mga kumag, ay muli tayong nakatanggap ng isang sumbong mula sa ating bubuyog na travel agent, kaugnay sa malawakang korupsyon na naman ng mga opisyal ng ahensya partikular sa Legal Division. Kung kamakailan ay tila nag-fiesta itong tatlong abogado sa libreng field trip to China sa pamamagitan ng pag-escort sa 26 Chinese na ipinatapon ng bansa, kahit wala sa kanilang trabaho ang mag-escort, na kinabibilangan ng mga opisyal na itatago natin sa…
Read MoreDTI, INSENSITIVE!
RAPIDO ni PATRICK TULFO NAGPAINIT ng ulo ng maraming Pinoy ang sinabi ni Trade Secretary Maria Cristina Aldeguer-Roque na kasya ang P500 na panghanda sa Noche Buena. Maaaring totoong kasya ang P500 na panghanda sa Noche Buena pero sana ay hindi sa katulad nilang nasa gobyerno nanggagaling ang mga ganitong salita. Insensitive kung maituturing ang mga ganitong pahayag lalo na’t mainit pa ang isyu ng korupsyon sa bansa. Para sa mga karaniwang mamamayan, ang P500 na panghanda ay sumasalamin lang kung gaano kahirap ang bansa habang nagpapakasasa ang mga korap…
Read MoreHINDI RAW KAYANG BANGGAIN NG ICI SI ROMUALDEZ KAYA NAGBITIW NA LANG SI SINGSON?
CLICKBAIT ni JO BARLIZO MABIGAT ang pagbitiw ni Rogelio Singson bilang miyembro ng Independent Commission for Infrastructure (ICI). Ang kanyang unang pahayag ay “for personal and health reasons” daw ang dahilan. Mauunawaan ng kahit sino ang sobrang stress na naidulot ng lahat ng ito sa dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary. At hindi basta ordinaryong stress ito. Pero kalaunan ang sinasabing dahilan ng kanyang pagbitiw ay dahil hindi na niya nagugustuhan ang ICI. Matalinghaga ito ha. Mantakin n’yo naman ang kinakaharap ni Singson sa laban na ito.…
Read MoreFAKE NEWS
HOPE ni GUILLER VALENCIA ALL over the world, sangkaterba ang naglalabasang fake news, false witnesses, false testimonies, and including social discord using internet and social media. Ang bansa natin ang top users of the World Wide Web and various social media platforms according to Meltwater, a global leader on social media intelligence. Sad to say maraming fake news and lies ang kumakalat here and abroad. Ang mabigat nito ay lies after lies ang mabilis na kumakalat para siraan ang iba’t ibang personalities, institutions, leaders of the governments among others. Exposing…
Read MoreALAGANG UMALI RICE DISTRIBUTION
TARGET ni KA REX CAYANONG PATUNAY ng malasakit at serbisyong may puso ang Alagang Umali Rice Distribution para sa mga pamilyang Zaragozeño. Sa pangunguna nina Gov. Aurelio “Oyie” Matias Umali, Vice Governor Lemon Umali, at Ma’am Cherry Umali, katuwang ang Pamahalaang Bayan ng Zaragoza sa pamumuno ni Mayor Lally Belmonte, matagumpay na naihatid ang tulong sa iba’t ibang barangay. Kasama sa aktibidad si Bokal Rai Villanueva, Sangguniang Bayan sa pamumuno ni Vice Mayor Edwin Almayda Buendia, at mga Konsehal na sina Jonald Gasapos, Joyce Romelyn Bulalayao, Angel Bautista, at Danny…
Read MoreCONG MEOW NAUNA PANG SUSPENDIHIN KAYSA MGA CONG MAGNA?
PUNA ni JOEL O. AMONGO LALO pang nagdulot ng galit sa mga Pilipino ang ginawa ng Mababang Kapulungan ng Kongreso na pagsuspinde kay Cavite Representative Francisco “Kiko” Barzaga dahil lamang sa pagbatikos nito sa kasalukuyang nangyayaring korupsyon sa pamahalaan. Pinatawan ng 60-araw o dalawang buwang suspensyon nang walang sahod at anomang benepisyo si Barzaga matapos mapatunayang guilty sa Ethics complaint na inihain ng kanyang mga dating kapartido sa National Unity Party (NUP) kaugnay ng mga umano’y hindi angkop na social media post. Ayon sa ulat ni House Committee on Ethics…
Read MoreKAILANGAN NA TALAGA ANG ANTI-POLITICAL DYNASTY LAW
DPA ni BERNARD TAGUINOD KAILANGAN na talagang buwagin ang political dynasty para makaiwas na tayo sa political drama, political families tulad ng pamilyang Marcos at Duterte na animo’y sila lang ang may kakayahang mamuno sa ating bansa. Sa nangyayari ngayon, parang sa dalawang pamilyang ito lang umiikot ang ating mundo na kapwa may bahid naman ng corruption at umiiwas sa kanilang pananagutan sa taumbayan at naglalaban, hindi para sa kapakanan ng bansa kundi sa pansariling interest lang. Nagpapaligsahan ang dalawang pamilyang ito sa propaganda na humahati sa ating bayan imbes…
Read MoreKAPAG PINAHAHALAGAHAN ANG TAO, LALAKI ANG NEGOSYO
GEN Z TALKS ni LEA BAJASAN HABANG nanonood ako ng vlog ni Karen Davila tungkol sa Del Monte, napansin ko kung paano nila pinahahalagahan ang kanilang mga manggagawa. Hindi lang sila basta empleyado na kumikita ng sahod, kundi mga tao na may pamilya, pangarap, at pangangailangan. Ang ganitong pananaw ay bihira sa mundo ng negosyo, pero malinaw ang epekto nito sa paglago at tagumpay ng kumpanya. Hindi lang basta sahod ang ibinibigay ng Del Monte. Para sa marami sa kanilang mga manggagawa sa plantasyon at pabrika, may maayos na tirahan…
Read More