TULUNGAN AT IPAGTANGGOL ANG ARBs SA LUPAIN NG PAMILYA NI NEMESIO TAN

SINA Jose Sanny Billonid at Bernard Amistoso ay dalawa sa agrarian beneficiaries (ARBs) ng lupain ng pamilya ni ­Nemesio Tan na matatagpuan sa Barangay Dulangan, bayan ng Pilar sa Capiz. Sila ay itinakbo at ginamot sa Capiz Doctor’s Hospital matapos silang pagbabarilin ng ‘di kilalang upahang mamamatay – tao nitong Mayo 24. Mabuti’t hindi napuruhan sina Billonid at Amistoso ng upahang mamamatay – tao, kundi’y patay na sila ngayon. Batay sa imbestigasyon ng Philippine National Police (PNP), 12 – gauge shotgun ang ginamit sa kanila. Pokaragat na ‘yan! Kung namatay…

Read More

SALUDO TAYO SA SERBISYONG MAY PAGMAMALASAKIT SA KINATAWAN NG OWWA AT PAL

NOONG nakaraang Huwebes, Mayo 20, 2021 ay naimbitahan ang inyong lingkod kasama si Senador Bong Go sa programa ng PTV4 na Rise and Shine ni Gani Oro. Sa naturang programa ay ipinakita nito ang panawagan ng isang inang OFW na kinilalang si My Lyn Dula na nasa Riyadh, Saudi Arabia upang siya ay matulungan sa gastusin sa pangangailangang medikal ng kanyang anak na may hydrocephalus at ito ay nakatakdang operahan sa National Children’s Hospital sa Quezon City. Katulad ng inaasahan ay mabilis na tinugunan ni Sen. Go ang kahilingan ng…

Read More

DOH TINUTURUAN ANG MGA LGU NA LUMABAG SA BATAS

KUNG susundin po ng mga Local Government Units (LGUs) ang panawagan sa kanila ng Department of Health na itago o huwag sabihin sa publiko ang brand ng ituturok na bakuna sa mga nais na magpabakuna ay maaring malabag ang itinatadhana ng Freedom of Information (FOI) na inisyu ni Pangulong Duterte sa ilalim ng Executive Order No. 2, Series of 2016. Malinaw po ang isinasaad ng FOI na karapatan ng mga mamamayan o publiko na malaman o ma-access ang mga official records, documents, mga papeles na nauukol sa mga opisyal na…

Read More

PALUWAGIN ANG METRO

BAHAGYANG lumuwag ang Metro Manila dahil sa pandemya ng COVID-19. Magugunitang bago nagpatupad ng lockdown ang gobyerno noong Marso 2020 ay nag-uwian ang mga tao sa kani-kanilang probinsya. Hanggang ngayon, marami pa rin ang nag-uuwian dahil nawalan na sila ng hanapbuhay, matagal na, at hindi nila alam kung kailan babalik sa normal ang buhay sa lungsod dahil hanggang ngayon ay umiiral pa rin ang community quarantine, iba’t ibang kategorya nga lamang. Kahit papaano, nakaiwas sa gutom ang mga nag-uwian dahil sa probinsya, masipag ka lang ay mabubuhay ka dahil malawak…

Read More

PRESYO NG BABOY NANANATILING MATAAS

UMAARAY na ang mga ina ng tahanan dahil sa ngayon ay nananatiling mataas pa rin ang presyo ng karneng baboy sa mga pamilihan. Ano daw ba ang ginagawa ni Department of Agriculture (DA) Secretary William Dar? Natutulog lang daw ba ang kalihim ng DA sa pansitan? Kaya tuloy parang gusto nang maniwala ng mga ina ng tahanan na may nangyayaring sabwatan sa pagitan ng mga opisyal ng DA at mga negosyante ng karneng baboy. Sa pinakahuling natanggap na info ng PUNA, bagama’t bumaba na ng bahagya ang presyo ng baboy…

Read More

INUTIL SI ROBREDO KAYA HINDI PINILI NG 1SAMBAYANAN

ALAM ng mga kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte na malakas at matinding kalaban si Duterte sa eleksyong 2022 dahil ‘kontrolado’ nito ang Commission on Elections (COMELEC), Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP) at mataas pa rin ang trust rating ng pangulo. Kaya, nagbuo ang mga kritikong ito ng isang alyansang tinawag nilang 1SAMBAYANAN. Ang Liberal Party (LP) na oposisyon sa kasalukuyan ay pinamumunuan ni Bise – Presidente Maria Leonor “Leni” Robredo. Kaya, itinuturing na lider ng oposisyon si Robredo. Sumali ang LP sa ­1SAMBAYANAN dahil, ayon…

Read More

BI LAWYER SUPALPAL KAY DOJ SECRETARY

SUPALPAL ang isang ambisyosong abogado sa Bureau of ­Immigration (BI) makaraang lumiham ang kanyang grupo kay Department of Justice (DOJ) Secretary Menardo Guevarra na maglabas ng Department Order na siya’y italaga bilang Chief Personnel ng ahensya. Si Atty. Archimedes Cano ay itinalaga ni BI Commissioner Jaime Morente bilang pansamantalang hepe ng Personnel makaraang kasama sa mga nabigyan ng 6 months preventive suspension ng Office of the Ombudsman si dating Port Operations Division Chief, Grifton Medina at iba pa nitong kasama. Ayon sa nakuha nating dokumento mula sa ating tropang naka-assign…

Read More

PASASALAMAT SA MGA OPISYALES NG EMBAHADA AT POLO-OWWA SA SAUDI ARABIA AT KUWAIT

SIMULA pa lamang ng tayo ay magsulat ng ating kolum na AKO OFW ay puro paghingi ng tulong, sumbong at pagsaklolo ang ating naisulat. Sa halos dalawang taon na ito, ay hindi pa natin lubusang nabibigyan ng pagpupugay ang mga taong naging daan para matugunan ang mga sumbong ng ating mga kabayani at ­maging ng pamilya ng ating mga kabayani. Kaya sa araw na ito ay atin munang babalikan ang ilan sa mga sumbong at paghingi ng tulong na atin nang nabigyan ng aksyon sa tulong ng mga opisyal ng…

Read More

BULACAN SOLAR

KASABAY ng pagiging ­moderno ng panahon ay ang paglala ng mga suliraning pangkapaligiran ng mundo. Isa na dyan ang suliranin ng climate change. Ayon sa National Oceanic and Atmosphere Administration, ang nakaraang apat na taon ay maituturing na pinakamainit sa loob ng 139 na taon. Ito ay resulta ng inilalabas na greenhouse gas ng mga tao sa kapaligiran. Ang mga greenhouse gas na ito ay kadalasang carbon dioxide mula sa pagsusunog ng petrolyo. Magandang balita naman dahil kasabay ng pagiging moderno ng panahon ay ang pagkakaroon ng modernong teknolohiya na…

Read More