PATULOY ang pakikipaglaban ng bansa kontra COVID-19, at habang naghihintay ang lahat para sa mga dosis ng bakuna, patuloy ang pag-aaral at pagtatrabaho ng karamihan mula sa kani-kanilang tahanan. Bagamat nagkakaroon na ng bahagyang pagbaba sa bilang ng bagong kaso ng COVID-19 kada araw, hindi pa rin dapat makampante. Kung hindi naman mahalaga ang dahilan, iwasang lumabas ng bahay upang makaiwas sa tinatawag na “unnecessary exposure”. Patuloy rin ang pagtaas ng temperatura ngayong panahon ng tag-init. Bunsod ng pananatili sa loob ng bahay upang makaiwas sa COVID-19, maaaring tumaas ang…
Read MoreCategory: OPINYON
38-kataong delegasyon sa Olimpiyada posible – POC
HANGGANG sa huling ulat, pito na ang mga atletang Filipinong nakapasok sa ipinagpalibang XXXII Games of the Olympiad na natakdang ganapin sa Hulyo 24 hanggang Agosto 9 sa Tokyo. Siyam, kung ibibilang ang dalawang babaeng golfer na sina Yuka Saso at Bianca Pagdanganan na halos ay nasa Tokyo na batay sa kanilang world ranking na gagamitin para makalaro sa nasabing Olimpiyada na dapat sana’y naidaos noong nakaraang taon pero ipinagpaliban dala ng COVID-19 pandemic. Ang Bulakenyang si Saso, tubong San Ildefonso, Bulacan ay may kasalukuyang ranggong pang-22 sa daigdig, samantalang…
Read MorePABOR SA ADMIN CANDIDATES ANG PANDEMYA
TARGET ng gobyerno na magkaroon ng herd immunity pagdating ng Nobyembre ngayong taon kaya dapat paspasan ang pagbabakuna pero sa situwasyon ngayon mukha may kalabuan pa. Limitado pa rin ang dating ng mga bakuna dahil hindi agad pumila ang mga responsableng opisyales ng gobyerno sa mga drug manufacturers para magkaroon agad tayo ng bakuna. Katuwiran nila nakopo agad ng mga mayayamang bansa ang mga bakuna at 20% lang ang natitirang supply na pinag-aagawan pa raw ng mga maliliit na bansa tulad ng Pilipinas. Kaya nakopo ng mga mayayamang bansa ang…
Read MoreULO NG OFW SA RIYADH NAPAPANOT DAHIL SA PAGSABUNOT NG AMO (part 2)
NITONG nakaraang Lunes ay aking inilabas ang kaawa-awang kalagayan ng isang OFW sa Riyadh Saudi Arabia na napapanot na ang ulo dahil diumano, siya ay laging sinasabunutan. Ang kasong ito ni OFW Norhanie Maulana Gani ay aking agad na ipinadala sa opisina ni Secretary Bebot Bello at POEA Administrator Bernard Olalia. Mabilis naman tumugon ang POEA at ipinarating sa inyong lingkod na ito ay kanila nang ipinarating sa POEA Repatriation Unit. Gayundin ang ating OWWA Welfare Officer ay nagpadala na rin ng mensahe o update na kung saan ay sinabi…
Read MoreKARISMA NI MAMANG PULIS GENERAL ELEAZAR KAKAIBA
SIMULA nang makapasok po tayo sa propesyong ito ng pamamahayag, kapansin-pansin na bukod tanging ang Mamang Pulis na si General Guillermo Eleazar ang naitalaga sa pwestong tanggap na tanggap ng marami. Dati, noong hindi siya ang nailuklok sa trono ng Philippine National Police at sa halip ay ang kaklase niyang si General Debold Sinas, marami ang totoong nanghinayang. Bagama’t mas nakatataas na noon sa designasyon si Eleazar kumpara kay Sinas pero mas pinili pa rin ang huli ni Pangulong Rodrigo Duterte na maging hepe ng PNP. Marami ang tumaas ang…
Read MoreEugene Torre, World Chess Hall of Famer na
HUMIHINGI ng paumanhin ang SALA SA INIT… SALA SA LAMIG kay Filipino Chess Grandmaster Eugene Torre na naidambana na pala ng World Chess Federation sa World Chess Hall of Fame noong ika-20 ng Abril 2021. Kulang isang buwan nang huli ang SALA SA INIT …para bigyan ng pagkilala ang isang bayani ng Philippine sports na nakapagbigay ng karangalan hindi lamang sa kanyang sarili kundi maging sa bansa at sa larangang napili niya hanggang sa maging Grandmaster siya. Pero naniniwala kami, ‘huli man ay naihahabol din.’ Ang pagiging GM ang pinakamataas,…
Read MoreEXCLUSION NG FOREIGN NATIONALS, GATASAN NG ILANG BI-AIRPORT OFFICIALS
MATAPOS na mabuking kamakailan ang mga fake exemptions ng Department of Foreign Affairs (DFA) para sa travel suspension na ipinataw ng IATF kaugnay sa pagpapasok ng mga Chinese workers sa bansa ay agad na nakialam ang National Task Force against COVID-19. Noong April 20, 2021 ay nagpalabas ng isang exemption si NTF Chairperson at Department of National Defense Secretary Delfin Lorenzana na humihiling kina Bureau of Immigration Commissioner Jaime Morente, DFA , Undersecretary Brigido Dulay at Civil Aeronautics Board, Executive Director Virgilio Dulay na payagang makapasok sa bansa ang may…
Read MoreP10K AYUDA NI CAYETANO KAPLASTIKAN LANG
MAY patalastas si Taguig – Pateros Rep. Alan Peter Cayetano na lumalabas sa telebisyon tungkol sa P10,000 ayuda. Ang punto ng patalastas ay kagyat na pag-ukulan ng pansin ng Kamara de Representantes ang panukala niyang P10,000 ayuda sa bawat pamilyang Filipino. Ilang araw na ang nakalipas, nagpalabas ng press release si Cayetano kung saan iniyabang nito na nagbigay ang kanyang pangkat ng P10,000 sa 200 manggagawa sa iba’t ibang panig ng Pilipinas. Pokaragat na ‘yan! Si Cayetano po ay kinatawan ng unang distrito ng Lungsod ng Taguig at bayan ng…
Read MoreAlamat Ni Manny Pacquiao (Ika-28 Bahagi) Proseso ng pamamagitan ‘di nagbunga para matuloy Pacquiao-Mayweather
TATLONG taon ang nakaraan matapos ideklara ng promoter ni Manny Pacquiao noong Enero 7, 2010 na si Bob Arum na patay na ang negosasyon para ilaban ang Filipino sa wala pang talong Amerikanong si Floyd Mayweather Jr., biglang sumulpot ang isang Pinoy na artista at waiter na si Gabriel Salvador na nagpresintang kaya niyang mamagitan sa dalawang kampo para matuloy ang sagupaang pinakahihintay ng buong daigdig ng boksing. Isang araw bago ang deklarasyon ni Arum, ang kampo ng eight-division world champion at seven-division world champion ay kinailangang sumailalim sa isang…
Read More