EXCLUSION NG FOREIGN NATIONALS, GATASAN NG ILANG BI-AIRPORT OFFICIALS

MATAPOS na mabuking kamakailan ang mga fake exemptions ng Department of Foreign Affairs (DFA) para sa travel suspension na ipinataw ng IATF kaugnay sa pagpapasok ng mga Chinese workers sa bansa ay agad na nakialam ang National Task Force against COVID-19.

Noong April 20, 2021 ay nagpalabas ng isang ­exemption si NTF Chairperson at Department of National Defense Secretary Delfin ­Lorenzana na humihiling kina Bureau of Immigration

Commissioner Jaime Morente, DFA , Undersecretary Brigido Dulay at Civil Aeronautics Board, Executive Director Virgilio Dulay na payagang makapasok sa bansa ang may 86 foreign nationals kabilang dito ang 3 British at 83 na Chinese nationals sa kabila ng travel restrictions.

Maganda kung ang hangarin ng NTF at ng BI ay makontrol ang pagpapasok ng mga Chinese workers sa bansa.

Ngunit ito kaya ay duma­an sa tamang pagsala at koordinasyon sa ilang ahensya ng pamahalaan?

Ang mga dayuhang nabanggit ba ay konektado talaga sa isang kompanya na nakabase sa ating bansa at hindi ginamit bilang dummy?

Ngunit mas marami rin naman dito ang talagang nais makapasok dahil gusto sigurong tumulong para maiangat muli ang ekonomiya ng bansa sa pagkakalugmok nito sa pandemya.
Dumaan na ito sa NTF at posibleng gumastos ng malaking halaga na umaabot daw sa 500 hanggang 700 thousand pesos kada ulo.

Pero bakit kaya pagdating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ay nakakaranas pa ang mga dayuhan ng pagmamalupit mula sa ­opisyales at tauhan ng BI – Travel Control Enforcement Unit at Border Control Intelligence Unit na nasa ilalim ng kapangyarihan ng Office of the Commissioner at Chief, Intelligence Division?

Kagaya na lamang nang nangyari kina Zhang ­Xiaming  na dumating at hinarang sa terminal 2 noong March 18 at  Yu Yuan na pawang mga Chinese nationals na naharang naman noong April 28 sa terminal 3.

Kumpleto naman ang mga travel documents ng dalawang Chinese ­nationals kung kaya’t ang tanong ng mga dayuhan ay ano pa ang ­dahilan bakit sila hindi ­pinayagang makapasok sa bansa?

Ang dalawa ay pinabalik na ng China noong Mayo a-5 ng madaling araw sakay ng Pan Pacific flight 8Y8300 bound for Zhengzhou dala ang sama ng loob at isang di magandang karanasan ang kanilang baon na magiging kasiraan ng ating bansa.

Ang isang malaking katanungan sa mga tauhan ng TCEU at BCIU bakit ang mga kasabay ni Zhang Xiaming na 26 na dumating ay hinayaan nyong makapasok at 16 daw na Chinese nationals noong May 5?

Kung hindi ito tunay na mga investors sa ating bansa, makakayanan ba ng dayuhan na mag-alok ng 700 thousand pesos upang mabawi ang kanyang reclusion order?

Paano na lang din ang kanyang negosyong naipun­dar sa ating bansa at mga kababayan natin na nabigyan ng trabaho?

Kung hindi pa ibinisto ng BISTADOR ang kalokohan ng BCIU personnel at fixers umano na si Alias GL ay hindi pa ninyo pababalikin ang mga dayuhan sa matagal na pananatili sa NAIA. Nakakahiya kayo!!

 

Para sa inyong Sumbong at Reaksyon maari ninyo akong itext sa 09158888410.

137

Related posts

Leave a Comment