NAPAKALAKI ng papel na ginagampanan ng Office of the Ombudsman at Sandiganbayan laban sa mga tiwali, korap at mandarambong na mga opisyal at kawani ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan. Kahit, negosyante at pribadong mamamayan ay puwede ring ireklamo sa Ombudsman kung ang perang kinurakot ay pera ng pamahalaan, o ang tinatawag nating “public funds.” Kung matibay, malakas at supisiyente ang mga katibayan laban sa negosyante ay isasampa ito sa Sandiganbayan upang litisin ang kasong katiwalian at korapsyon, o pandarambong (plunder) tulad ng kinakaharap ng negosyanteng si Janet Lim Napoles…
Read MoreCategory: OPINYON
PAG-CONVERT SA NATITIRA PANG P10-B SAP FUND SA LIVELIHOOD MALI
KAYA pala hanggang ngayon ay marami pa rin ang hindi nakatatanggap ng social amelioration program (SAP) ng pamahalaan ay dahil may natitira pang sampung bilyong piso (P10-B) sa opisina ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). At ang matindi pa nito ay mukhang wala nang balak ang DSWD na ipamahagi ito sa mga benepisyaryo. Kamakailan ay nagsalita si Irene Dumlao, spokesperson ng DSWD na hindi na raw nila ipamamahagi ang natitira pang SAP fund. Iko-convert na lang daw nila ito bilang livelihood funds. Naku Madam Irene, mali yang sinabi…
Read MorePOEA HINDI NAGPATINAG SA RICHLAND MANPOWER
MISTULANG bumangga sa pader ang isang lisensyadong ahensya na Richland International Manpower Specialist matapos na seryosohin ng Philippine Overseas Employment Administration ang pagsasampa ng reklamo sa panig ng mga pribadong complainant na sina Sherry Dela Cruz, Victor Quirol, Rene Dela Cruz, Levito Ratilla at Amado Salvador. Base sa dokumento na aking nakalap, ang mga nasabing OFW ay nag-apply sa Richland International Manpower bilang Factory worker sa bansang Poland. Una nilang naka-usap ang may-ari ng ahensya na isang Chinese national na kung saan ay binigyan sila ng orientation para makapagtrabaho diumano…
Read More94 taong pagkauhaw ng Pilipinas sa ginto sa Asian T&F, tinapos ni EJ
NOW it can be told –mga katagang malimit nating marinig sa mga Kano. At mga giliw naming mambabasa ng SAKSI NGAYON, dito n’yo lang malalaman na nang manalo sa Asian T&F ang ating ipinagmamalaking pole vaulter Ernest John Obiena, iyon ang kauna-unahang pagkakataong nagwagi ang Pilipinas ng gintong medalya sa pole vault sa loob ng kulang-kulang na 100 taon. Si Antonino Alo, na marahil ay wala nang nakakikilala ngayon kundi ang kolumnistang ito, ang huling nakapag-uwi ng gintong medalya sa nasabing event nang talunin niya ang mga nakalabang Chino at…
Read MorePAGING LTO-CAGAYAN
HINDI ko alam kung sino ang hepe ng Land Transportation Office (LTO) sa Tuguegarao, Cagayan at kung hindi ba niya alam ang katamaran na ginagawa ng kanyang mga tauhan. Pero hindi ko mapalagpas ang reklamong natanggap ng inyong Deep Penetration Agent as in DPA na tila modus sa LTO sa Tuguegarao City hinggil sa karanasan ng mga nagpapa-change ownership ng mga sasakyan. Mayroon kasi isang bumili ng tricycle na panghanapbuhay kaya ipinapa-transfer sa pangalan ng bumili ang sasakyan kaya pumunta sila sa LTO sa Tuguegarao City para iproseso ang papales.…
Read MoreBI MAY MINAHAN DAW NG GINTO?
IBINULONG sa PUNA ng isa nating kaibigang barbero na may nagpagupit daw sa kanya na ang kapitbahay ay nagtatrabaho sa Bureau of Immigration (BI). Sinabi sa kaibigan kong barbero ng kaniyang customer na talaga nga naman daw napakaraming pera ng kaniyang kapitbahay na nagtatrabaho sa BI. Para raw itong nagmimina ng ginto dahil balewala raw ang suweldong tinatanggap nito sa gobyerno sa dami ng dumarating na pera linggo-linggo. Ang tao na binabanggit ng kustomer ng barberong kaibigan ng PUNA ay isang ordinaryong empleyado lang sa BI pero nagtataka siya sa…
Read MoreOMBUDSMAN, INUTIL SA PANAHON NI DUTERTE
NAPAKATALAMAK ng katiwalian, korapsyon at pandarambong ng maraming opisyal ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan na ilang ulit nang idiniin ni Pangulong Rodrigo na hangad niyang masugpo. Sa adyendang ito ni Duterte, malaki ang papel ng Office of the Ombudsman upang makarating sa Sandiganbayan ang mga kaso hinggil sa kahit anong porma ng katiwalian, korapsyon at pandarambong ng sinumang kawani at opisyal ng iba’t ibang yunit ng pamahalaan. Ang Office of the Ombudsman ang itinatag upang magsagawa ng imbestigasyon laban sa mga opisyal at kawani ng pamahalaan na inireklamo sa…
Read MoreOFWs NA MATUTULUNGAN SA 2021 PINARAMI PA NG OWWA
NAKATAKDA ang regular na Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Board of Trustees meeting bukas na pamumunuan ni Labor Secretary Silvestre Bello III at OWWA Administartor Hans Cacdac. Pero nuong lunes pa lang ay nagsagawa na kami ng pre-board meeting upang busisiin at plantsahin na ang mga bagay na dapat talakayin at para mapaghandaan ang posibleng mahabang talakayan. Kasama sa napag-pulungan ang proposed budget ng OWWA para sa taong 2021. Natuwa ako sa presentasyon ni Director Hermie Mendoza, OWWA Financial Management Services. Una ay dahil sa ipinakita na muling pag-angat ng…
Read MoreMARTIAL LAW AT DISIPLINA
SINO-SINO nga ba ang mga taong ayaw sa pagiral ng martial law??! Ang masasabi ko lang SILA yung mga taong ayaw ng disiplina! Mga taong gustong magpabagsak ng pamahalaan, mga taong makabayan kuno!? Pero ang tunay na adhikain ay sila ang makapamuno. Laki akong Mindanao na kung tutuusin kami ang mas masasabing dumanas ng anila’y labag sa mga karapatang pantao. Pero hindi po namin yan naranasan, sa halip disiplina ang aking nakita sa pagiral ng martial law sa kamindanawan. Kasi ang mga mamayan nuong umiiral ang martial law sa buong…
Read More