SPORTS FEATURE Ni EDDIE ALINEA ISA sa mga naging tampok na kaganapan mula nang dumating sa Maynila ang nagtatatanggol na heavyweight world champion na si Muhammad Ali at humahamong si Joe Frazier para sa nakatakda nilang laban noong Oktubre 1, 1975 sa Araneta Coliseum (bininyagang Philippine Coliseum) ay nang pumunta sila sa Palasyo ng Malakanyang. Kasama sa opisyal na itineraryo ng dalawa ang pagbisita sa Palasyo para magbigay galang kay Pangulong Ferdinand Marcos at kanyang kabiyak, First Lady Imelda Marcos. Makasaysayan ang pangyayaring ito dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay…
Read MoreCategory: OPINYON
MAGBABABOY SA NOVALICHES PINEPWERSA RAW NG QC OFFICIAL?
NAKARATING sa PUNA na isang opisyal daw ng Quezon City government na nakabase sa Novaliches ang namemerwisyo sa mga nagtitinda ng baboy sa mga palengke na nasa nasabing lugar. Nagiikot daw ang ilang tauhan nito para kausapin ang mga tindero’t tindera ng karneng baboy sa mga palengke sa Novaliches para takutin na ipasasara ang kanilang negosyo kung hindi ito sa susunod sa kagustuhan nya. Itago na lang natin sa pangalang “Janet” ang nagsumbong sa PUNA na isa sa kinausap ng tauhan ng QC official na ito. Binantaan daw siya na…
Read MoreBUWAGIN ANG INTRAMUROS ADMINISTRATION
KUNG magpapatuloy pa rin ang korapsyon sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) hanggang Disyembre, ipabubuwag, o ibebenta na ito sa mga negosyante ni Pangulong Rodrigo Duterte. Sa totoo lang, mawawala ang korapsyon sa PhilHealth kapag naging pribadong kumpanya na ito, o kung tuluyan itong mawala. Kung pagbuwag ng palpak na ahensiya ang nakikitang ‘solusyon’ ni Duterte, dapat ito rin ang gawin niya sa Intramuros Administration (IA). Hindi putok sa media ang IA. Hindi rin ito kontrobersiyal. Ngunit, ang hindi alam ng publiko ay binawasan ang P200 milyong badyet ng IA.…
Read MoreDOLOMITE EVENT
ISA sa mga itinuturong dahilan kung bakit lumala ang local transmission ng covid-19 sa bansa partikular na sa Metro Manila ay ang ginawang pamumudmod noon ng Special Amelioration Program (SAP) sa may 18 milyong pamilyang Filipino na labis na naapektuhan sa enhanced community quarantine (ECQ) ang bansa. Ang layon ng ECQ ay para maiwasan na magkahawahan ang mga tao kaya ikinulong tayong lahat sa ating mga tahanan lalo na’t nakapagtala na ang Department of Health (DOH) ng local transmission sa virus na ito na nagsimula sa Wuhan China noong Nobyembre…
Read MoreDanny Floro: “Coach Baby disciplines the players, I spoil them”
KUNG si coach Baby Dalupan ng Crispa ang siyang nagdidisiplina sa mga manlalaro ng koponan ng Floro and Sons mula noong 1962, si Danny Floro naman ang taga-spoil. “Yeah, Baby disciplines them, I spoil them,” humahagikgik na pagtatapat ni Redmanizers team manager/owner kung bakit nagtagal ng halos 25 taon ang kanilang samahan, na naging pinakamatagumpay sa kasaysayan ng basketbol sa Pilipinas. Di kukulangin sa 22 korona ang nakolekta ng tambalang Floro-Dalupan, mula nang magsama sila hanggang sa magretiro si Baby noong 1984 upang aniya’y makapagpahinga na sa basketbol at gugulin…
Read MoreMANILA BAY REHABILITATION BIGYAN NG PAGKAKATAON
KASABAY ng selebrasyon ng mundo sa International Coastal Cleanup Day, binuksan pansamantala sa publiko ang ilang bahagi ng Manila Bay sa gitna ng rehabilitasyon nito. Lubos ang naging interes dito kaya naman dinayo ito ng publiko, at maging ng media, mga “vloggers” para masilayan ang bagong mukha ng Manila Bay at ma-experience mismo nila ang pinag-uusapang crushed dolomite “white sand” habang nanunuod ng sunset view na kilala sa buong mundo dahil sa angking ganda nito. Ilang volunteers din mula sa iba’t-ibang sangay ng gobyerno ang naglinis ng baybayin bilang parte…
Read MorePOEA UMAKSYON SA KASO NI OFW JASMIN. IBA PANG KASO IDINUDULOG
NAGSISIMULA nang iparamdam ng Philippine Overseas Employment Agency (POEA) ang matalas nitong pangil sa isyu ng pagkamatay ni OFW Jasmin Corro Remetria. Magugunita na humingi noon ng tulong sa ahensya si OFW Jasmine para siya ay masaklolohan. Ngunit makalipas ang halos isang buwan ay nabalitaan na lamang ng pamilya na patay na ito matapos na mahulog diumano mula sa ikatlong palapag ng tahanan na kanyang pinagalilingkuran. Nailibing na si OFW Jasmine sa kanyang bayan sa Cagayan de Oro noong Agostos 23,2020. Nitong nakaraang Biyernes ay nakatangap ako ng mensahe mula…
Read MoreWALA NAMANG KALIWA-AN
TAYO ay naninindigan na huwag munang ituloy ang Kaliwa Dam hangga’t di nalulutas ang lahat ng mga isyu, kung saan ang pinakamalaki ay ang babala ng Commission on Audit (COA) sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) sa notice to proceed (NTF) nito sa Chinese contractor kahit hindi pa ito nakasunod sa mga rekisitos at walang patunay na ligtas ang mga katutubong nakatira dito. Ang konstruksyon ng Kaliwa Dam project ay dapat na pigilan o tutulan hangga’t hindi pa natutugunan ang lahat ng mga isyu na naglalabasan ukol dito. Nasa…
Read MoreKASAMA BA MGA INTSIK SA COVID-19 CASE SA PINAS?
LAGPAS na sa 276,000 ang naitalang COVID-19 case sa Pilipinas simula noong Enero at kung hindi bababa ang trend, malamang ay aabot ng 300,000 ang tatamaan ng virus na ito bago matapos ang buwan ng Setyembre. Pero ang hindi nililinaw sa atin, ang mga nagkaroon ba ng COVID-19 ay puro Filipino o may mga Chinese nationals din? Mukha kasing puro Pinoy ang mga inuulat na nagkaroon ng virus na ito maliban dun sa mag-asawang Chinese na mula sa Wuhan, China na kauna-unahang COVID-19 case sa ating mahal na bansa. Tandaan…
Read More