MISTULANG ganito ang magiging scenario sa isusumiteng report at rekomendasyon ng Task Force PhilHealth kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa darating na Setyembre 14 kaugnay ng kanilang isinagawang imbestigasyon sa malawakang katiwalian sa nabanggit na ahensiya. Paano ba naman sa ginanap na cabinet meeting na ipinalabas noong gabi ng Lunes sa mga TV Stations, ay hayagang sinabi ng Pangulo kay Secretary Duque na huwag siyang mag alala dahil wala siyang kasalanan at huwag itong mag-resign dahil naniniwala si Pangulong Digong na inosente ito sa mga ipinaratang sa kanya. Kaya hayon…
Read MoreCategory: OPINYON
MORE POWER, NAGBIGAY LIWANAG SA ILOILO CITY
SA matagal na panahon ay naging pangkaraniwang pangyayari na ang brownout sa Lungsod ng Iloilo. Syempre, ayaw ng mga Ilonggo ang mabuhay sa panahon ng kadiliman, o ‘dark ages’. Kaya, kumbinsido sila na ‘napapanahon’ at ‘sagot’ laban sa walang tigil na brownout ang pagpasok ng More Electric and Power Corporation (More Power) sa Lungsod ng Iloilo ilang buwan na ang nakalilipas. More Power ang nagbigay ng liwanag sa Lungsod ng Iloilo mula nang tuldukan ng Kongreso ang prangkisa ng Panay Electric Company (PECO). Sa ginawang special report ng Publishers Association…
Read MoreSOCIAL MEDIA GAMITIN DIN VS TIWALING PNP, GOVT OFFICIALS
HAMON ngayon ng netizens sa bagong talagang si Philippine National Police Chief Lt. General Camilo Cascolan na gamitin ang social media sa mga tiwaling pulis at government officials. Sabi pa nila kung gagamitin ng PNP ang social media laban sa mga lumalabag sa health protocols, bakit hindi rin gamitin ito sa mga kagawad ng pulisya at opisyal ng gobyerno na lumalabag sa batas? Ayon pa sa netizens pag nagawa raw ni Cascolan ito sa loob ng maigsi niyang panunungkulan ay maitatatak sa kasaysayan ng pulisya na siya ang pinakamagaling na…
Read MoreMTRCB WALA SA TIMING
SIGURO talagang walang magawang trabaho ang mga opisyales ng Movie Television Regulatory & Classification Board (MRTCB) kaya maging ang Netflix ay gusto nilang i-censor. Naghahanap sila ng magagawa at dahil walang sila mai-censor ngayon dahil limitado ang ginagawang pelikula at iilan lang ang teleseryeng inilalabas ng mga local networks. Nauumay na siguro sila sa mga teleserye na masyadong pinatatagal ng mga local network sa ere at pilit na isinusubo sa mga Filipino kaya gusto nilang pakialaman ang produkto ng ibang bansa. Kung walang magawa ang MTRCB officials, bakit hindi na…
Read MoreManny Pacquiao, 25 taon na
IPAGDIRIWANG sana ni Pambansang Kamao at eight-division world champion Manny Pacquiao ang ika-25 anibersaryo ng kanyang pagiging boksingero. Subalit gaya ng ibang pagdiriwang at masasayang okasyon, ipinagpaliban ito dahil sa COVID-19 pandemic. Sabihin nang mistula tayong sirang plaka sa paulit-ulit na pag-alaala sa sa mga nagawa ni Manny na tinagurian ding “Pacman” (hindi ang asong alaga niya na kamamatay lamang), hindi maikakaila na ang buhay niya ay may kaugnayan sa buhay nating mga Pilipino. Hindi na lihim maging sa mga ‘di Pilipino, na siya lamang ang tanging nilalang sa balat…
Read MoreMABILIS AT MAAASAHANG INTERNET KAILANGAN SA DIGITAL ECONOMY
PINALAWIG ang general community quarantine sa Metro Manila at iba pang lugar sa bansa. Patuloy pa rin ang paghanap ng paraan upang mapababa ang bilang ng nahahawaan ng COVID-19. Sa huling limang buwan, natututo na tayong mag-adjust at masanay sa sitwasyon habang naninigurong malusog tayo at ligtas sa sakit. Alam naman natin na hindi lang Pilipinas ang apektado ng pandemya kundi ang buong mundo. Dahil sa pinapatupad na mga lockdown, halos karamihan sa populasyon ng bawat bansa ay umasa sa digital channels para ipagpatuloy ang pamumuhay sa kabila ng “new…
Read MoreMAS NAKAKAHAWA KESA SA VIRUS
MATINDI ang takot ng bawat mamayan lalo na ng mga OFW sa COVID-19 virus sa buong mundo. Dahil bukod sa nakamamatay ay mabilis din itong nakakahawa o kumakalat. Sa tala ng Department of Foreign Affairs o DFA nitong Setyembre ay umabot na sa 10,116 ang kabuuuang bilang ng mga OFW sa buong mundo ang nagpositibo sa COVID-19. Higit sa 3,074 ang kasalukuyang ginagamot at mahigit sa 6,284 ang gumaling na. Samantala ay umabot naman sa 758 ang bilang ng mga namatay sa ibang bansa ng dahil sa virus na ito.…
Read MoreONLINE LEGAL AID SA PANAHON NG COVID-19
IKINAGAGALAK kong ipabatid sa lahat na ang itinatag nating legal aid foundation ay mas palalawakin pa ang serbisyo sa pamamagitan ng pagbibigay ng libreng konsultasyong legal online. Nais po nating ipagbigay-alam na kasama si Atty. Gio Bautista ng programang Gio Need a Lawyer, handang-handa na ang Lakbay Hustisya Foundation para sa mga kababayan nating may nais ikonsulta na isyung legal. Ang Lakbay Hustisya Foundation, isang legal aid trust fund na itinatag ng inyong lingkod, ay kasalukuyang nagtataguyod ng mga libreng konsultasyong legal para sa mga mahihirap na preso. Kami po…
Read MoreILEGAL NA KONEKSYON NG KURYENTE, EBIDENSYA VS PECO
LUMALAKAS ang katibayang namayagpag ang ilegal na koneksyon ng kuryente sa Lungsod ng Iloilo sa panahong ang Panay Electric Company (PECO) pa ang distribution utility (DU) na nagpapatakbo ng e lektrisidad sa nasabing lungsod. Kamakalawa, ipinarating ng More Electric and Power Corporation (More Power) sa media ang nakumpiska nitong kuryente na ilegal ang koneksyon. Maganda ang ginawang ito ng More Power dahil ipinaaalam nito sa publiko ang mga kapalpakang naganap sa elektrisidad sa mismong Lungsod ng Iloilo. Ayon sa More Power, umabot sa 300 kilometers (kms) illegal wiring, o jumper…
Read More