OFW NA DUMULOG SA SAKSI NGAYON, LIGTAS NANG NAKAUWI SA PILIPINAS

OFW JUAN ni DR. CHIE LEAGUE UMANDAP MASAYANG ibinalita sa OFW Juan ng Saksi Ngayon, ni Nimfa Almira Domingo, 35-taong gulang, isang OFW, mula sa Barangay Sinalhan, Santa Rosa City, Laguna, ang kanyang ligtas na pag-uwi sa Pilipinas matapos ang halos tatlong buwang matinding pagsubok sa Saudi Arabia. Si Nimfa, na nagtrabaho bilang housemaid sa Al Khobar, Saudi Arabia, ay dumating sa nasabing bansa noong Setyembre 17, 2025 sa ilalim ng lokal na ahensiyang Billboard Promotion, Inc. at dayuhang ahensiyang Dar Al Nokba Recruiting Office. Ang kanyang employer ay kinilalang…

Read More

PAMUMUNO NI MAYOR GEL ALONTE, RAMDAM NA RAMDAM NG MGA TAGA-BIÑAN

TARGET ni KA REX CAYANONG SA panahon ngayon na madalas inuuna ang ingay kaysa gawa, mahalagang kilalanin ang mga lider na mas pinipiling magtrabaho nang tahimik ngunit may malinaw na direksyon. Isa sa kanila si Mayor Gel Alonte ng Biñan, na kabilang sa Top Performing Mayors ng Laguna para sa taong 2025, ayon sa Pulso ng Bayan Year-End Survey ng Social Pulse Philippines. Hindi maliit na bagay ang makapagtala ng 86.5% satisfaction rating mula sa libo-libong respondent. Ang numerong ito ay hindi lamang estadistika, kundi kolektibong tinig ng mamamayan na…

Read More

SEN. ERWIN TULFO ALAM NA ANG PROBLEMA SA ABANDONADONG BALIKBAYAN BOXES

RAPIDO ni PATRICK TULFO PATULOY pa rin po tayong nakatatanggap ng mga tanong ukol sa delivery ng kanilang balikbayan boxes. Katulad ng naibalita na po namin sa ating programa na napakikinggan sa DZME 1530Khz mula Lunes hanggang Biyernes, nagsimula na ang delivery ng mga kahon na matagal nang nakatengga sa ilang puerto o port ng bansa bago mag-Pasko. Medyo matatagalan po ang paghahatid ng mga kahon na ito kahit pa nadagdagan na ang mga tumutulong dito sa pangunguna ng DDCAP na pinamumunuan ni Mr. Joel Longares ng LOGO cargo. Dahil…

Read More

PINAY SA KUWAIT INUMBAG NG KAPWA OFW

OFW JUAN ni DR. CHIE LEAGUE UMANDAP NANAWAGAN ng tulong ang isang overseas Filipino worker (OFW) na si Aida Antazo Aliñabon, 50-taong gulang, matapos siyang saktan ng kapwa manggagawa at mawalan ng mga personal na gamit habang nasa Kuwait. Si Aida, na isang domestic worker, ay dumating sa Kuwait noong Abril 25, 2025 sa ilalim ng Raffah Hassan Aldhafeeri Manpower Recruitment Office. Sa unang tatlong buwan, nagtrabaho siya sa isang pamilya ngunit humiling ng reassignment dahil sa sobrang bigat ng trabaho, lalo na’t lima ang batang inaalagaan. Inilipat siya sa…

Read More

LUBOG NA SA PUTIK AT PUSALI ANG BUHAY NG FILIPINO

PUNTO DE BISTA ni BAMBI PURISIMA DAHIL sa rambulan at balimbingang pulitika sa bansa, pagtatayo sa sari-sariling interes ng mga partido at pamilyang politiko, sa halip na umangat, nalubog na sa putik at pusali ang buhay ng mga Filipino. Walang direksiyong pulitika na kanya-kanya ng kabig sa kayamanan ng bansa kasabwat ang oligarkong nasa likod ng mga popular na politiko na pinopondohan ng bilyon-bilyong piso, walang pagkakataon ang matino, tunay na makabayang Filipino na manalo at maiangat ang unang Republika sa Asya. Kawawang prutas na balimbing na naging simbolo ng…

Read More

BAKIT MAY DUDA SA MGA AKUSASYON NI BERNARDO?

CLICKBAIT ni JO BARLIZO TAPOS na ang Pasko at pumasok na ang 2026, ngunit nananatiling walang napapanagot sa sinasabing trilyong pisong katiwalian sa flood control projects sa kabila ng pangako ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ikukulong ang mga mandarambong bago matapos ang 2025. Wala ring malinaw na pag-usad ang mga kaso, lalo na iyong may mga kinalaman sa mga makapangyarihang personalidad tulad ni dating House Speaker Martin Romualdez. Isa sa mga dahilan ay ang tila pagsasantabi sa mahahalagang testimonya at matitibay na ebidensya. Sa halip na pagtuunan ng pansin…

Read More

KENKOY ANG CHINA

DPA ni BERNARD TAGUINOD BINOMBA ng puwersa ni US President Donald Trump ang security facilities sa Venezuela at sa harap ng ipinagmamalaki nilang mga military hardware na binili nila sa China at Russia, nadukot ng mga Amerikanong sundalo ang kanilang Pangulong si Nicolas Maduro. Kabilang ang China sa mga sumisigaw na dapat daw igalang ng Amerika ang international law hinggil sa kasarinlan ng mga bansa tulad ng Venezuela na nilabag ni Trump nang aprubahan nito ang pag-atake at paghuli kay Maduro. Natawa ako sa reaksyon ng China dahil sila mismo…

Read More

SINE O STREAMING: ANG PINILI NG BULSA

GEN Z ni LEA BAJASAN DATI, simple lang ang panonood ng sine para sa akin. Maliit na gantimpala pagkatapos ng mahabang linggo. Pipila ka, papasok sa malamig na sinehan, at sandaling makalilimot sa ingay ng labas. Dalawang oras na pare-pareho ang tingin ng lahat sa iisang kuwento. Hindi nawala ang ganitong ritwal dahil nagsawa ang mga tao. Unti-unti itong nawala dahil naging mahal. Pagkatapos ng lockdown, tumaas ang presyo ng tiket. Noon, may malinaw na dahilan. Limitado ang upuan dahil sa social distancing. Kaunti lang ang pwedeng pumasok, kaya kailangang…

Read More

IMPEACHMENT VS BBM POSIBLE NGAYONG 2026

PUNA ni JOEL O. AMONGO HINDI lang ang impeachment kay Vice President Inday Sara Duterte ang aabangan ng mga Pilipino kundi pati ang kay Pangulong Junjun Marcos din. Ayon kay political analyst Lito Banayo, posibleng may magsampa rin ng impeachment laban kay PBBM ngayong 2026 dahil sa mga isyu ng korupsyon partikular sa mainit na usapin ng maanomalyang flood control projects. Nariyan din ang isyu sa pondo ng PhilHealth na inalis nila at inilipat sa National Treasury na pinaniniwalaan ginamit din bilang pondo sa flood control projects. Posible ring masama…

Read More