SPEAKER DY, KUMUSTA NA ANG MGA CONG SA FLOOD CONTROL PROJECTS? (PART 4)

Balitang ‘di Kanais-nais  

KAYA pala tahimik na tahimik itong ating Speaker of the House Kuya Bodjie Dy sa usaping ghost flood control projects ay nabanggit din ang kanilang pangalan ng DPWH officials at mga contractor, na nagkamal umano ng limpak-limpak na salapi kabilang ang kanyang kadugo na si Isabela 6th District Congressman Inno Dy, kaya No Investigation, mga Ka Balitang ‘di Kanais-nais?

Mas makabubuti sigurong simulan na ni House Speaker Bojie Dy ang pagsisimula ng imbestigasyon sa mga kongresista na pinangalanan na umano’y sangkot sa ghost flood control projects na bilyon-bilyong piso ang napunta lang sa bulsa.

Ipakita mo Speaker Dy, na mali ang akusasyon sa ‘yo ni Congressman Toby Tiangco na sunud-sunuran ka sa nanaisin ng magtiyuhing sina dating Speaker Martin Romualdez at Majo. Sandro Marcos kaya tikom ang iyong bibig sa pag-utos sa malalimang imbestigasyon sa ghost flood control projects. ‘Di naman siguro?

Muli, asan na ba ang ingay ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) na bagama’t may isinumite nang mga pangalan ang komisyon sa Ombudsman, ay tila may pinapaboran at piling-pili ang kasalukuyang pinaiimbestigahan, ‘di ba 104 na pangalan ang inilabas niyo?, Alyansa ng Manggagawa sa Konstruksiyon (AMK).

Para sa kaalaman mo Speaker Dy, may hawak ang AMK na listahan ng mga kongresista na pinangalanan ng DPWH officials at mga contractor, na nagtamasa ng daang milyong piso at ang iba ay bilyong piso pa, na walang naipakitang proyekto.

Umaabot sa 104 pangalan ng mga mambabatas sa Mababang kapulungan ang nasa listahan. Nakakalap ng liham ang Balitang ‘di Kanais-Nais mula sa AMK, na naka-address kay ICI Chairperson Andres Reyes na nakasaad ang Formal Demand for Expansion of the Flood Control Anomaly Probe.

Speaker Dy Sir, ito ang karugtong ng 104 kongresista na pinangalanan, nasa listahan din ang Dengvaxia Controversial personality Iloilo 1st Dist. Rep. Janette Garin, 1 Rider Party-List Rep. Ramon Gutierrez, Aklan 2nd Dist. Rep. Teodorico Haresco, Masbate 1st, Dist. Rep. Richard Kho, 2nd Dist. Rep Olga Kho, 3rd Dist. Rep. Wilton Kho, isa sa hanggang sa ngayon ay dedma sa pagbanggit sa kanyang pangalan, Zambales 1st. Dist. Jefferson Khonghun, Zambo Norte 2nd Dist. Rep. Glona Labadlabad, MNL Teachers Party-List Rep. Virgilio Lacson, Malabon Lone City Dist. Rep. Josephine Lacson Noel, Cebu 6th Dist. Rep. Daphne Lagon, Ako Bisaya Party-List. Rep. Luistro Gervil, Cagayan 3rd Dist. Rep. Jojo Lara, Pampanga 1st Dist. Rep. Carmelo Lazatin II, Negros Oriental 1st. Dist. Rep. Jocelyn Limkaichong, Cavite 5th Dist. Rep. Rey Loyola, Batangas 3rd Dist. Rep. Gerie Luisita, Romblon Lone Dist. Rep. Eleandro Madrona, Laguna 1st Dist. Rep. Ma. Rene Matibag, Surigao Norte 1st Dist. Rep. Francisco Joe Matugas II, Cavite 2nd Dist. Rep. Lani Revilla, Agimat Party-List Rep. Bryan Revilla, Cavite 1st Dist. Rep. Ramon Revilla III, Surigao Sur 1st Dist. Rep. Jose Padiernos, kabilang din ang An Waray Party-List Rep. Florencio Noel, La Union 1st Dist. Rep. Francisco Ortega. Kabilang ang mga kongresistang nabanggit sa maanomalyang ghost flood control projects na hanggang sa ngayon ay tahimik at walang ginagawang imbestigasyon ang Kongreso sa pamumuno ni Speaker Dy, maging ang biglang pinaglahong ICI.

Mas makabubuting ipaalam sa sambayanang Pinoy ang ibinisto ng DPWH officials, dahil sa rami ng mga pangalan ng umano’y involved sa flood control projects anomaly, hanggang sa ngayon ay tahimik at malaya sa imbestigasyon kung saan tanging si Speaker Bojie Dy lang ang may kakayahan na pasimulan ang pagdinig sa Kongreso. Ipakita mo Sir Speaker Dy, na may sarili kang mandato sa pagpapalakad ng House of The Representatives at hindi ‘yung pinararatangan ka ni Rep. Tiangco na isa kang sunud-sunuran?

Malapit nang matapos, mga Ka Balitang ‘di Kanais-nais, na pangalanan ang 104 mga kongresista na involved umano sa ghost flood control projects, matapos na pangalan ang mga ito ng AMK.

Pahabol mga Ka Balitang ‘di Kanais-nais, sa kabila ng pagiging matalas na panananalita nitong si Tingog Party-List Rep. Jude Acidre ay tila naputulan siya ng dila matapos na ibunyag ni Congressman Toby Tiangco ang tumataginting na almost 6 billion pesos insertion na dapat ay sa District Representatives napunta, hinihintay ng taong bayan ang sagot mo, Rep. Acidre? (CB)

68

Related posts

Leave a Comment