MGA MAMAMAYANG PASAWAY VS. MGA OPISYAL NA NAKAAGAPAY

OKAY O OKRAY

NOONG Biyernes ng umaga, ipinahayag ng tagapagsalita ni ­Pangulong Rodrigo ­Duterte na si Atty. Harry Roque ang pagpapalawig ng enhanced community quarantine (ECQ) sa National Capital Region (NCR), Region 3, Region 4A at iba pang lugar na mataas ang bilang ng mga nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) na sa halip na matatapos sa Abril 30 ay aabutin pa hanggang Mayo 15. Okray na marami ang nagrereklamo na hirap na sila sa nangyayari sa buhay nila dahil hindi nga sila makalabas ng kani-kanilang bahay para ­maghanap-buhay sapagkat tigil muna ang…

Read More

COVID-19 ATING KALABAN, HINDI ISA’T ISA

Sa Ganang Akin

UMAKYAT na sa mahigit sa pitong libo ang bilang ng mga nag-positibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) dito sa ­ating bansa. Nakatakda na ­sanang matapos ang pagpapatupad ng enhanced community quarantine (ECQ) sa katapusan ng buwan ng Abril ngunit bunsod nang patuloy na pagtaas ng bilang ng positibong kaso sa bansa ay minabuti ni ­Pangulong Rodrigo Duterte na ­palawigin ang pagpapatupad ng ECQ hanggang sa ika-15 ng Mayo. Upang mas maging epektibo ang ipinapatupad na ECQ, kasama sa mga bilin ni Pangulong Duterte ay ang mahigpit na pagpapatupad ng mga…

Read More

DISTRIBUSYON NG SAP USAD PAGONG PA RIN

PUNA

HANGGANG ngayon ay pinuputakte ng mga tanong ang a ting cellphone at email mula sa ating mga suking taga-subaybay. Pangunahin nilang tanong ay kung bakit hanggang ngayon daw ay hindi pa sila nakakatanggap ng form man lang mula sa Social Amelioration Program (SAP) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). Kung ano ang nararamdaman ng taumbayan ay gayundin ang PUNA na napakarami rin ang katanungan sa DSWD tulad ng bakit napakabagal nang pamamahagi ng ayuda. MissSa tuwing interview ng media kay DSWD spokesperson Irene Dumlao ay madalas na sinasabi…

Read More

NAKAKATABA NG PUSO

DPA

NAKAKATUWA at nakakataba sa puso na makitang may mga kababayan pa rin tayo na kahit anong hirap ng buhay nila ay iniisip pa rin nila ang kanilang kapwa kahit matindi ang kanilang pangangailangan. Saludo ang inyong DPA as in Deep Penetration Agent sa mga ganitong tao tulad ni Whendy Pido, ng Antipas, North Cotabato na isinoli ang kanyang natanggap na P5,000 mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) matapos malaman na nakatanggap din ang kanyang mister na na nagtatrabaho sa ibang barangay. Alam natin sa panahon ngayon, marami…

Read More

P613 BILYONG KASUNOD NA AYUDA

Badilla Ngayon

PASPASANG naging batas ang “Bayanihan to Heal as One” nitong Marso 24 na nagbigay ng kapangyarihan kay Pangulong Rodrigo Duterte na malikom ang P275 bilyong pondong gagamitin sa panahong pinaiiral ang enhanced community quarantine (ECQ) sa Luzon dulot ng mapamuksang coronavirus disease 2019 (COVID-19). Ang P275 bilyon ay kinuha sa P4.1 trilyong badyet ng pamahalaan para ngayong 2020. Kaya, walang problema sa pera dahil mayroong pinagkunan ng P275 bilyon at ang pangunahing layunin ng Bayanihan Act ay ang Social Amelioration Program (SAP). Sa SAP na ito, malinaw ang probisyon na…

Read More

QUARANTINE, LUWAGAN NA 

BADILLA NGAYON

PITONG araw na lang, tapos na ang enhanced community quarantine (ECQ) sa Luzon ngunit pihadong hindi pa tapos ang ating pakikibaka laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19). Paksa ngayon sa media ang samu’t saring konsepto ng quarantine tulad ng ­modified community-quarantine (MCQ) at ­general community quarantine (GCQ) na pamalit sa ECQ. Alinman sa dalawa, basta ang pinag-aaralang imungkahi ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATFM–EID) kay Pangulong Rodrigo Duterte pagkatapos ng pinalawig na ECQ sa Abril 30 ay iyong maluwagan ang galaw ng ekonomiya. Ibig…

Read More

PANANAKOP NG CHINA SA PINAS TODO NA

BILANG Filipino, hindi ko matanggap ang harap-harapang pananakop ng China sa teritoryo ng Pilipinas sa West ­Philippine Sea (WPS) at masakit sa kalooban na hindi man lang tayo lumaban kahit papaano. Nakakahiya sa ating mga ninuno na nagbuwis ng buhay para makalaya tayo sa mga Kastila, Hapon at Amerikano na nanakop sa ating bansa ang pananahimik ng halos lahat ng mga Filipino ngayon lalo na ang mga lider ng bansa. Tuluyan nang inangkin ng China ang WPS dahil ginawa na nila itong ­“Nansha District” na sakop ng Sansha City at…

Read More

PILING MGA LUGAR, ISAILALIM SA LOCKDOWN!

PRO HAC VICE

    KUNG sa pag-aaral ng Duterte Administration na dapat ay magkaroon na lamang ng mga piling lugar na isailalim sa total lockdown aba’y mas mainam na hakbang ito. Sabagay nga kung a ting susuriin ang nangyari sa bansang China, tanging ang mga lugar lamang naman na mayroong grabeng kontaminasyon ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang kanilang isinailalim sa total lockdown kung saan ay nagtagumpay silang pigilan ang pagkalat ng virus iba pang mga lugar sa China. Maaari ngang gawin ni  Pangulong Duterte ang kaparehong hakbang  ng China upang makakilos…

Read More

LGUs, WALA RING LISTAHAN NG MGA MAHIHIRAP  

Badilla Ngayon

SA P275 bilyong itinakda ng bagong batas na “Bayanihan to Heal as One,” P205 bilyon na ang inihatag ng Department of Budget and Management (DBM) sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa 18 milyong mga mahihirap na pamilya sa buong bansa. Bawat pamilya sa 18 milyong mahihirap at hindi kabahayan o “household” ang bibigyan ng P5,000 hanggang P8,000 bawat isang buwan sa loob ng dalawang buwan (Abril at Mayo). Ito ang nakasaad na nilalaman ng Social Amelioration Program (SAP) sa Bayanihan Law. Mahalaga po ang nasabing probisyon…

Read More