‘Di ko maipagkakaila ang aking matinding pagsimpatya sa mga kaawa-awang pamilya ng marami at dumarami pang bata na mga nangamatay makaraang maturukan ng Dengvaxia vaccines ng Department of Health at sa kabila nito nama’y bayarang trolls na walang ginawa kundi sirain ang kredibilidad ng Public Attorney’s Office lalo ang hepe nito na si Persida Rueda-Acosta. Tama lang na tawanan at ‘di pansinin ni Chief Acosta itong paid trolls kasi batid n’ya kung sino ang gumagastos sa kanila kundi iyong sa halip na aminin ang kamalian, tulungan at damayan ang mga…
Read MoreCategory: OPINYON
ANG NAKAAMBANG PAGBABAGO NG HARI NG KALSADA
Natapos na ang pambansang jeepney strike. Mukha namang naramdaman ang impact nito sa mga major na lugar kung saan ito inilunsad. At tila naipahatid naman ang mensahe ng nag-aklas na jeepney drivers at operators – ang pagtutol sa pinaplanong jeepney mo¬dernization ng pamahalaan. Sa pangkalahatan, maganda naman ang hangarin ng gobyerno. Ang tanggalin na ang smoke-belchers na mga jeep at palitan ng e-jeep na mas mataas ang base fare. Hangarin na gawin itong world-class para sa dumarami nang turista. Inaasahan din na magbu-boost ito ng jeepney manufacturing sa bansa. Hindi…
Read MoreLALONG NAGPAHIRAP SA MAGSASAKA ANG RICE TARIFFICATION LAW
Sa kabila ng pagmamayabang ng economic managers ng ating bansa sa idudulot na kaunlaran ng Rice Tariffication Law, sa aktwal, maraming magsasaka pa ang lalong naghirap dahil sa batas na ito. Nilulubog sa utang ng batas na ito ang maraming magsasaka. Ang Rice Tariffication Law ang naging tugon ng pamahalaan sa krisis sa bigas na kinakaharap ng Pilipinas taun-taon. Ang ginawa ng Rice Tariffication Law ay liberalization ng bigas, ibig sabihin, ito ay pagpayag ng pagpapasok ng mga bigas galing sa ibang bansa. Para sa mga magsasaka, ito ay tuluyang…
Read MorePAGRESOLBA SA ASF, MABILIS PAG NAGKAKAISA
Noong huling linggo ng Hulyo, tayo ay nabigla sa balitang may kumakalat na sakit sa mga alagang baboy sa ating bansa partikular sa lalawigan ng Rizal. Kaya agad tayong kumilos at nakipag-ugnayan sa mga ahensiya ng pamahalaan na nakasasaklaw sa ganitong industriya – ang Department of Agriculture – Bureau of Animal Industry ((DA-BAI). Ang napaulat na African Swine Fever (ASF) ay kinumpirma ng DA nitong unang linggo ng Setyembre, matapos na lumabas sa pagsusuri na nagpositibo ang blood samples na kinuha sa mga baboy na namatay. Nang pumutok ang balitang…
Read MorePANDI HOG RAISERS, UMAPELA NG TULONG; MAYOR RICO ROQUE, NAMUMULITIKA?
Lubhang apektado na umano ang mga negosyante ng baboy sa ilang bayan sa lalawigan ng Bulacan dahil sa pagkalat ng African Swine Fever (ASF) partikular sa bayan ng Pandi kung saan nanawagan ang mga ito ng suporta sa pamahalaang lokal subalit tila hindi sila pinapansin ng kanilang alkalde. Ayon sa grupo ng Livestock Raisers of Pandi, tulungan silang makabangon dahil lubha na silang naapektuhan ng ASF makaraang sunud-sunod na tamaaan ng virus ang mga alagang baboy. Kinumpirma naman ni Mayor Rico Roque na may isang farm sa Brgy. Baka-Bakahan ang…
Read MorePATUNGO SA PAGKAKAROON NG TAMANG POWER MIX PARA SA PILIPINAS
CAIRO, Egypt – Sa tuwing ako’y bumibisita sa ibang lugar, ako’y nagkakaroon ng maraming oras at panahon upang magnilay-nilay na kadalasan nagreresulta sa pagkakaroon ng mas malaking pagpapahalaga sa iba’t ibang aspeto ng aking buhay gaya ng aking propesyon sa industriya ng kuryente. Sa isang artikulong akda ni Mohammed El-Said sa Daily News Egypt, sa kabila ng panawagan sa buong mundo na bawasan ang paggamit ng coal, patuloy ang pamumuhunan ng Egypt sa mga proyektong coal-based. Sa katunayan, sa 2020 at 2030, tinatayang aabot sa 10,000 Terawatt-hour (TWh) ang kabuuang…
Read MoreKAGANAPAN SA SENADO, MAY EPEKTO KAYA SA DRUG WAR?
Parang isang mainit na bakal na binuhusan ng napakalamig na tubig ang kampanya ni Pangulong Rodrigo Duterte kontra sa ilegal na droga. Kasunod ng sinabi ng dati at kasalukuyang opisyal ng Philippine National Police (PNP), na may kaugnayan sa mga nagaganap na katiwalian at pang-aabuso ng ilang tauhan at opisyal ng PNP sa pagpapatupad ng nasabing kampanya. Nakakagulat talaga ang isiniwalat ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Chief Aaron Aqunio sa Senate hearing. Ito ang ilegal na mga gawain ng mga tiwali at abusadong pulis na kanilang tinaguriang…
Read MoreTANGKANG RAPE AT BAWAS-SWELDO, INIREREKLAMO SA LMB WORLDWIDE SERVICES
Matinding takot na tuluyang magahasa ang naging dahilan kung bakit humingi ng tulong sa Ako OFW ang ating kabayani na si Genelyn Domingo. Ayon sa sumbong na ipinarating sa akin sa pamamagitan ni Ako OFW Social Service Officer Aiysha Consuelo, si OFW Domingo ay dumating sa Saudi Arabia noong Enero 24 lamang. Siya ay dumaan sa tamang proseso sa POEA sa pamamagitan ng LMB Worldwide Services na may tanggapan sa M. Orosa, Malate, Maynila. Ayon sa salaysay ni OFW Domingo: “Noong March 2019 ay hinipo ng kapatid ni madam na…
Read MoreANG JEEPNEY BILANG MUKHA NG PINOY
Galing sa out of town para magpakalma ng kaunti mula sa pressures ng trabaho, nagulat ako na nagdeklara kamakailan na walang pasok dahil sa napabalitang nationwide jeepney strike. Nanghinayang ako sa isang araw na bawas, pagtatapos sana ng ilang trabaho sa office, pero natuwa ang medyo pagod ko pang katawan. Matagal-tagal na rin na hindi ko naririnig ang usapin ng mga tigil-pasada mula nang nagdesisyong tumira sa labas ng Kamaynilaan. Noong ako’y nasa kolehiyo noong late 80s, ilang beses kong nasaksihan ang mga matatagumpay na tigil-pasada dahil sa madalas na…
Read More