KATIWALIAN SA BI PINAGTATAKPAN NI REMULLA?

BISTADOR ni RUDY SIM BAKIT kung sino ang akusado sa reklamo ng concerned employees ng Bureau of Immigration, na si Commissioner Joel Anthony Viado sa isyu ng akusasyon ng katiwalian sa ahensya, ay tila nabaliktad ang sitwasyon dahil ang isa sa matapang na nagsiwalat ng katiwalian ay siya pa ang pilit na gustong alisin sa puwesto. Matatandaang naglabas si Department of Justice Secretary Boying Remulla ng isang department order number 435 noong June 19 upang ilipat ng puwesto ang chairman ng BI-Board of Special Inquiry na si Atty. Gilberto Repizo…

Read More

SUCCESS

HOPE ni GUILLER VALENCIA WE will discuss success in our lives today. Maraming self-help books, video, financial experts, motivators, testimonies ng mga successful individuals; artista, businessmen at iba pa na nagtuturo o nagbibigay ng gabay sa atin upang maging matagumpay. Those information can be of great help if we follow dahil sila ay testament ng pagtatagumpay sa kanilang experiences. Halimbawa, ang payo ni President Donald Trump na naging successful businessman at politician, sabi niya; “Don’t do it for the money, never give up, be into details, be totally focused, get…

Read More

TAOS-PUSONG SERBISYO NI MAYOR MARK ALCALA PARA SA LUCENA

TARGET ni KA REX CAYANONG SA mga panahon kung kailan maraming lokal na pamahalaan ang humaharap sa hamon ng modernisasyon, kahirapan, at pagbabago sa klima, may mga pinunong tunay na naglilingkod hindi para sa kapangyarihan kundi para sa bayan. Isa sa mga huwarang lingkod-bayan ngayon ay si Mayor Mark Alcala ng Lucena City, na tahimik ngunit tuluy-tuloy ang pagpapatupad ng mga programang makabuluhan at makatao para sa kanyang mga nasasakupan. Hindi lingid sa kaalaman ng marami na nagmula si Mayor Alcala sa pamilyang may mahabang kasaysayan ng paglilingkod-publiko sa Quezon. Sa…

Read More

KONGRESO TEKA-TEKA SA ARTIFICIAL INTELLIGENCE

DPA ni BERNARD TAGUINOD HINDI lang ang mga ahensya ng gobyerno na nasa ilalim ng executive department ang nagteteka-teka at reaksyonaryo lamang sa problemang kinahaharap o kahaharapin ng bansa at sambayanan kundi maging ang Kongreso. Noong 19th Congress, hindi bababa sa apat na panukalang batas ang inihain para i-regulate ang artificial intelligence (AI) sa bansa tulad ng ginawa ng Singapore, United States, Great Britain at European Union pero hindi ito pinansin. Alam ng mga mambabatas, hindi lamang sa Kamara kundi maging sa Senado, ang negatibong epekto ng AI, hindi lamang…

Read More

OFW SA RIYADH DUMANAS NG ABUSO AT LABIS NA TRABAHO; HILING AGARANG REPATRIATION

OFW JUAN HUMILING ng agarang tulong ang pamilya ng overseas Filipino worker (OFW) na si Ritchel Geminez Langoyan, matapos umano itong makaranas ng pang-aabuso, labis na trabaho, at kakulangan sa pagkain sa kanyang amo sa Riyadh, Saudi Arabia. Ayon sa pamilya ni Langoyan, limang buwan na itong nananatili sa Saudi Arabia sa ilalim ng ahensyang Around the World Manpower Service, na may direct recruitment office sa Riyadh (FRA). Bukod sa matinding kalagayan sa kanyang amo, tatlong buwan umano itong hindi pinayagang gumamit ng cellphone at makipag-ugnayan sa pamilya. Nang lumaon…

Read More

PARA SA CLOUT, WALA NANG HIYA

GEN Z TALKS ni LEA BAJASAN MAY kumakalat ngayong video kung saan may babaeng humiga sa loob ng freezer ng isang sangay ng Alfamart. Oo, sa loob mismo ng freezer kung saan nakalagay ang frozen goods na ibinebenta sa mga customer. Ginawa raw niya ito para sa “content.” Sabi ng ilan, nagpapatawa lang daw siya. Sabi ng iba, gusto lang sumikat. Pero kahit anong dahilan pa, hindi ko pa rin matanggap na may gumagawa ng ganito para lang sa likes at views. Hindi mo kailangan ng diploma para malaman na…

Read More

GIYERA NG ISRAEL AT IRAN UMABOT NA SA PINAS?

PUNA ni JOEL O. AMONGO HINDI man umabot sa Pilipinas ang mga rocket na pinakakawalan ng magkalabang bansa ng Israel at Iran, apektado pa rin ang bayan ni Juan dela Cruz sa dahil sa pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo. Kamakalawa, nagpatupad na ng pagtaas ng presyo ng kanilang mga produkto ang mga kumpanya ng langis sa bansa. Hinati sa dalawang beses ang pagtataas ng presyo ng kanilang mga produktong petrolyo na sinimulan na noong isang araw sa halagang P1.75/L sa gasolina, P2.60/L sa diesel at P2.40/L sa kerosene…

Read More

BLANGKO

KAPE AT BRANDY ni SONNY T. MALLARI HINDI na naman ako nakapagsulat ng kolum nitong nakaraang Miyerkoles. Bumagsak ang aking katawang lupa dahil inabot ako ng malakas na ulan habang umiihi sa tabi ng kalye. Hindi ko na kayang pigilan at baka abutin pa ako sa aking pantalon (tiyak na isang malakas na sapok ang ipapadapo sa akin ni kumander kung naganap ito) kaya mabilis na akong nagparaos kahit umuulan. Mahirap pala ‘yung habang nagkakaedad ay madalas naman ang pagkakasakit. Walang problema ito sa mga may pera. Pero sa kagaya…

Read More

Decriminalize libel, ngayon na!

PUNTO DE BISTA ni BAMBI PURISIMA ANYARE sa balitang mga inimbestigahan ng National Bureau of Investigation (NBI) at mga kinasuhan ng graft noon at ngayon na mga opisyales sa Bureau of Customs partikular sa Accounts Management Office ng ahensya na umano’y binigyan raw nito ng accreditation ang mga hao-shiao at ghost import and export company? At kailan naman uusigin ang mga dating opisyales ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na umano ay may niyari raw na tax exemption sa malalaking kompanya? Totoong maraming BIR examiner ang kasabwat sa tax evasion,…

Read More