CLICKBAIT ni JO BARLIZO SA panahong ang pulitika sa Pilipinas ay mistulang walang katapusang ingay — siraan dito, intriga doon — madali nang mawalan ng pag-asa. Ngunit sa gitna ng magulong entablado, may dalawang pangalan na nangingibabaw hindi dahil sa kontrobersiya, kundi dahil sa kanilang trabaho: DBM Secretary Amenah Pangandaman at DPWH Secretary Vince Dizon. Si Pangandaman, maituturing na bagong bantay ng kaban ng bayan. Taon-taon, ang pambansang budget ay tila laruan ng mga makapangyarihan: biglaang insert, misteryosong dagdag, at kung anu-anong palusot. Para tayong nanonood ng palabas sa perya…
Read MoreCategory: OPINYON
MAG-ASAWANG CURLEE AT SARAH DISCAYA KUMANTA NA!
PUNA ni JOEL O. AMONGO IKINANTA na ng mag-asawang Curlee at Sarah Discaya sa pagdinig ng Blue Ribbon Committee ng Senado kahapon, kung sinong mga opisyal ng Department of Public and Works and Highways (DPWH) at mga mambabatas ang nanghihingi sa kanila ng komisyon sa kanilang mga kontrata sa gobyerno. Kabilang sa mga nanghihingi umano ng 10 hanggang 25 porsyento sa kanilang mga nakuhang kontrata sa flood control projects sa iba’t ibang lugar ay sina Pasig City Cong. Roman Romulo; Cong. Jojo Ang ng USWAG Ilongo Party-list; Cong. Michael Patrick…
Read MoreENGR. ALCANTARA ET AL PASOK SA ADMINISTRATIVE CASE
AT YOUR SERVICE ni KA FRANCIS SINABI ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Sec. Vince Dizon na pasok sa kasong administratibo si DPWH Engineer Henry Alcantara sa nangyaring maanomalyang flood control projects sa Bulacan. Si Engr. Alcantara ay dating District Engineer (DE) ng DPWH Bulacan 1st District Engineering Office, na nadawit sa nasabing maanomalyang proyekto sa lalawigan ng Bulacan. Binigyang-diin ng bagong talagang kalihim ng DPWH sa kanyang pitong pahinang desisyon, na napatunayang may pananagutan si Engr. Alcantara sa mga sumusunod na mabibigat na kasong administratibo: Disloyalty to…
Read MorePANANAGUTAN
THINKING ALOUD ni CLAIRE FELICIANO MUKHANG bagong normal na itong nararanasan natin na kapag umulan nang malakas, siguradong magkakaroon ng matinding pagbaha. At kung dati, hindi naman basta-basta binabaha kung kaunti o sandali lamang ang ulan, parang ngayon hindi na konsiderasyon ito. Kaya siguro mas matindi ang pagkadismaya ng marami sa patuloy pa rin na usapin tungkol sa mga kinurakot na flood control projects. Ang nagakagalit kasi, may solusyon naman sana ang problema. Hindi naman kulang ang pondo dahil bilyun-bilyon ang inilalaan ng pamahalaan para sa mga proyektong pinakikinabangan natin…
Read More‘WAG MAKUHA SA SORRY NG MGA SABLAY SA GOBYERNO
Clickbait ni Jo Barlizo PINAKAMAHIRAP na kataga ang sorry. ‘Di nga? Sa tipikal na takbo ng buhay, madalas marinig ang paghingi ng paumanhin, ng pasensya o tawad sa nagawang kasalanan, pagkakamali, pananakit sa anyong pisikal, emosyonal at tabas ng dila. Pero, ginagasgas na ata ang katagang ito, at ginagawang dahilan upang makaiwas pa sa gusot at pagiging tampulan ng mainit na parunggit. Teka, sumasakay rin sa sorry ang mga politiko at mambabatas. Kasi ba naman, magbibintang, gagawa ng hindi tama pero kakambyo ng sorry kapag ang kaepalan ay nag-brouhaha. Tama…
Read MoreTOP JOBY AGENCY TINATAWAGAN NG PANSIN
SA gitna ng patuloy na pakikibaka ng mga overseas Filipino worker (OFW) para sa mas maayos na kinabukasan, isang bagong kaso ng pang-aabuso at kapabayaan ang muling umalingawngaw. Kinilala ang OFW na si Anna Rose Diaz, 33-taong gulang, tubong Sta. Maria, Bulacan, at kasalukuyang nasa Riyadh, Saudi Arabia bilang isang domestic worker. Dumating siya sa Saudi noong Agosto 8, 2025 sa pamamagitan ng lokal na ahensyang Top Joby Agency Inc. at foreign agency na Worldwide Agency. Ngunit sa halip na makahanap ng maayos na hanapbuhay, isang bangungot ang kanyang naranasan.…
Read MoreANG ISDA AY TALAGANG NAHUHULI SA BIBIG
RAPIDO ni PATRICK TULFO IBINUKING ni Cezarah (Sarah) Discaya ang sarili sa isinagawang pagdinig sa Senado sa kontrobersyal na flood control project. Sa pagtatanong kay Discaya, inamin niya na sa kanya ang 9 construction firms na sumali sa mga bidding ng Department of Public Works and Highway (DPWH). Sa imbestigasyon, lumabas na kaanak din ni Discaya ang tumatayong mga CEO ng 5 sa mga kumpanya, taliwas sa mga nauna nitong sinabi na isa lang ang kumpanyang hawak niya, ang Alpha & Omega Construction. Malinaw na nagpayaman lang sa pwesto ang…
Read MoreSILANG MAGNANAKAW LANG ANG MASIGLA
CLICKBAIT ni JO BARLIZO MATAMLAY ba ang pasok ng ber month? O malamig ang pagtanggap? ‘Yung lamig na kulang sa sigla, hindi ‘yung lamig na katambal ng pasakalye sa kapaskuhan. Naaagaw ata ng atensyon ng hindi magkamayaw na imbestigasyon at ingay ng kontrobersya ng maanomalyang flood control projects at iba pang alalahanin, ang atensyon ng publiko kaya tila walang chill ang pagpasok ng buwang ber. Pero, ang tiyak, magiging talamak na naman ang online scam sa ganitong panahon. Hala. Kaya, nagpaalala at pinagdodoble-ingat ng PNP-Anti Cybercrime Group (PNP-ACG) ang publiko…
Read MoreNAKIKIGALAK SA KATOTOHANAN
HOPE ni GUILLER VALENCIA HINDI nagagalak sa kalikuan, kundi nakikigalak sa katotohanan. (I Mga Taga Corinto 13:6 ERV). Ang pagmamahal ay mahalaga sa buhay ng Kristiyano. Kay Cristo, ang ating buhay ay may kahulugang mamuhay nang may pagmamahal. Nang tanungin si Hesus kung ano ang pinakadakilang utos, sinabi niya: “Iibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso mo, sa pamamagitan ng buong kaluluwa mo at sa pamamagitan ng buong pag-iisip mo. Ito ang una sa pinakadakilang utos. Sa pangalawa ay ganito: “Ibigin ninyo ang inyong Sikolohiyang gaya ng sa…
Read More