CAVITE – Nilalapatan ng lunas sa ospital ang isang 21-anyos na factory worker makaraang pagsasaksakin ng dating kasintahan ng kanyang live-in partner sa bayan ng General Mariano Alvarez (GMA) sa lalawigan noong Linggo ng gabi. Inoobserbahan sa ospital ang biktimang si Roselyn Mariano, may live-in partner, residente ng Brgy. San Jose, GMA, Cavite dahil sa tama ng saksak mula sa suspek na si alyas “Angel”, 18, walang trabaho, ng Brgy. San Jose, GMA, Cavite. Nabatid na nagpang-abot ang biktima at suspek habang naglalakad sila sa Brgy. San Jose, GMA, Cavite.…
Read MoreCategory: PROBINSIYA
2 DRUG DEN MAINTAINERS, 2 PA TIMBOG SA CEBU CITY
CEBU CITY – Arestado ang live-in partners na nagpapatakbo umano ng drug den, at dalawa pang indibidwal, sa isinagawang buy-bust operation ng mga operatiba ng PDEA Cebu Provincial Office, katuwang ang Cebu City Police Office Station 5, sa Sitio Everlasting, Barangay Pahina San Nicolas sa lungsod. Kinilala ni PDEA 7 Regional Director Joel B. Plaza ang pangunahing target sa operasyon at itinuturing na drug den maintainers na si alyas “Marjun”, 55, jobless, at ang live-in partner nito si alyas “Mabel”, 25, isang fish vendor, kapwa residente ng nabanggit na lugar.…
Read More7 NPA PATAY SA SAGUPAAN SA MASBATE
PITONG kasapi ng New People’s Army (NPA) ang napatay ng military at siyam na mataas na kalibre ng baril ang nasamsan matapos ang isang madugong sagupaan nitong Linggo ng umaga sa Barangay San Mateo, Uson, Masbate. Ayon sa ulat na ipinarating sa tanggapan ni Army Commanding General Lt. Gen. Roy Galido, bandang alas-6:00 ng umaga ay nakasagupa ng mga elemento ng 2nd Infantry Battalion ang mga kasapi ng Communist Terrorist Group sa ilalim ng KLG South, SRC4, Bicol Regional Party Committee (BRPC), na tumagal ng mahigit 30 minuto. Sa isinagawang…
Read MorePERMANENTENG SOLUSYON SA BAHA SA PAMPANGA IDUDULOG KAY MARCOS
ISASANGGUNI na ni Senador Lito Lapid kay President Ferdinand Marcos Jr. ang problema sa matinding baha sa lalawigan ng Pampanga upang mahanapan ng permanenteng solusyon. “Hindi lang dito sa Pampanga halos buong Pilipinas, halos nationwide itong kalamidad natin. Sana huwag silang mag-alala nandyan ang mga local official natin, nandyan ang ating mahal na Pangulo, hindi kayo pababayaan. Kami, kaming mga Senador, ako mismo at isasama ko na ang mga Senador na kasama ko, lahat ng local official, kailangan wag nating pabayaan ang mga kasama natin. Kailangan tulong-tulong at magkaisa tayo,”…
Read MoreTULONG INIHATID SA IBA’T IBANG LUGAR
PINANGUNAHAN ni Senator Mark Villar ang relief operations noong Sabado, Hulyo 26, sa mga pamilyang naapektuhan ng malakas na pag-ulan dala ng habagat at bagyo. Binisita ni Villar ang iba’t ibang komunidad sa Marikina City, Rizal, Bulacan, at Quezon City. Namahagi rin siya ng relief goods kabilang ang food packs, bottled water, hygiene kits, at iba pang mahahalagang supply. (Danny Bacolod) 185
Read MoreAredumstrico naghigpit sa membership MGA KATUTUBO PINAG-IINGAT SA PAGSAPI SA IP GROUPS
UMAPELA ang pamunuan ng Aredumstrico Agricultural Forest Village Development Foundation Inc. (AAFVDFI) sa lahat ng mga katutubong Aeta at Dumagat sa buong Central Luzon, na maging mapanuri at mapagmatyag sa pag-apply ng membership gayundin sa nais mag-avail ng kanilang mga programa para sa Indigenous People (IP). Ayon kay Suprema Bae Kalikasan Lorelyn Tobias, presidente ng AAFVDFI, ipinatawag niya ang lahat ng Indigenous Peoples (IP) tribal chieftains mula sa mga lalawigan ng Aurora, Nueva Ecija, Tarlac, Pampanga, Bulacan, Zambales, Bangsamoro at Bataan upang paalalahanan hinggil sa umano’y nagaganap na paniningil at…
Read More4 KATAO NATABUNAN NG LUPA; 2 PATAY, 1 NAILIGTAS, 1 MISSING
CAVITE – Patay ang dalawang construction worker, nailigtas ang isa pa habang pinaghahanap ang isa pa nilang kasamahan makaraang matabunan ang kanilang barracks nang gumuho ang lupa sa border ng Silang at Tagaytay City noong Huwebes ng umaga. Ayon sa Silang DRRMO, bandang alas-6:00 ng umaga nitong Biyernes nang marekober ang katawan ng ikatlong biktima matapos matukoy ang kinaroroonan ng bangkay nito. Nabatid sa ulat, nangyari ang insidente bandang alas-10:00 ng umaga noong Huwebes sa border ng Sitio Cabangaan, Silang, Cavite at Brgy. Iruhin West,Tagaytay City. Nabatid na pawang nasa…
Read MoreSARI-SARI STORE OWNER SUGATAN SA HOLDAPER
QUEZON – Sugatan ang isang 35-anyos na babae nang bugbugin ng isang hinihinalang holdaper sa kanyang tindahan sa Caliya Subdivision, Brgy. Masin Norte, sa bayan ng Candelaria sa lalawigan noong Huwebes ng gabi. Ayon sa ulat ng pulisya at base sa kuha ng CCTV, bandang alas-9:10 nang dumating ang suspek na nakasuot ng facemask, sumbrero at itim na hoodie, sa tindahan ng biktimang si Maureen Comia. Matapos magtanong-tanong at mamili ng ilang gamit, naghinala si Comia na may masamang binabalak ang suspek kaya ikinandado nito ang bintana at pinto ng…
Read MoreBAHAY NAGIBA SA BAHA, SENIOR CITIZEN INANOD
BATANGAS – Wala nang buhay nang matagpuan ang isang 75-taong gulang na babae nang tangayin ng baha makaraang mahulog mula sa kanilang nagibang bahay sa gilid ng ilog sa Brgy. Gelerang Kawayan, sa bayan ng San Pascual sa lalawigan noong Huwebes ng hapon. Kinilala ang biktimang si Dolores Cruz, residente ng nasabing barangay. Ayon sa report ng San Pascual Police, dakong alas-7:00 ng umaga nang mangyari ang insidente habang nasa loob ng kanilang bahay ang biktima kasama ang kanyang 65-taong gulang na asawa at 14-taong gulang na apo. Bigla umanong…
Read More